Chapter 1 - Wrong Assumption

105K 1.7K 123
                                    

Panay lagok ni Lianne sa kopitang hawak habang pinagmamasdan ang lalaking kanina pa niya tinitigan at pinagmamasdan sa malayo. Pakshet! Kating-kati na siya na lapitan ito at sampalin nang mag-asawang sampal.

"Hoy, babae ka, maglalasing ka ba?" inis na tanong ng pinsan niyang si Sheena.

Umiling siya habang panay pa rin ang titig niya sa lalaking nasa kabilang couch nakaupo kasama ang mga ka team nito sa laro. Nagsisiyahan ang mga ito sa pag-iinom pero maliban sa mga kasama nitong may kaniya-kaniyang babae, ito ay wala. Nanatili lang itong solo at isang beer sa kamay habang tumatawa.

"Bakit mo ba tinititigan 'yan si Zyd Caiden McCluskey? Oo, alam natin na napakagwapo niya at sobrang hot. Aside from that, captain siya ng hockey pero, insan, may jowa 'yan at kalat na kalat sa social media na magpapakasal na sila."

Duh! I know that.

Nilagok niya ulit ang laman ng bote niya. This time hindi na sa kopita. Napatuptop na lamang sa bibig si Sheena na nakatingin sa kaniya at hindi makapaniwala. Kung sabagay, hindi siya drinker. Nakasubok na siya dati, tatlong beses lang at ito 'yong panghuli. Kailangan lang niya nang lakas ng loob, nang konting lakas ng loob, mga beri-beri slight! Hindi siya naglalasing. Promise!

Agaran siyang tumayo sa pagkakaupo sa stool na kinauupuan. Hindi alintana ang lagkit na titig na binigay sa kaniya ng bartender. Sipain niya ito, eh!

Diretso ang kaniyang mga paa na ngayon ay nakasuot ng 6 inches heel shoes. Kung hindi dahil sa musika ng paligid, lumikha na yata siya ng ingay sa bawat hakbang niya. Ang liit nga naman talaga ng mundo. Hindi niya akalain na makikita niya rito ang lalaking ito na iniyakan din niya ng mahigit dalawang buwan. Oo, dalawang buwan hayop 'yan!

Thanks to her auntie na dito nakadestino rito sa Pittsburgh, Pennsylvania. Isinama siya nito nung nakaraan buwan dahil alam nitong naghahanap siya ng magandang opportunity. Habang hinihintay pa niya ang tawag mula sa mga kompaniyang in-apply-an, sinasama at ginagala naman siya ni Sheena na pinsan niyang buo na mahilig sa night life. Nakapag-asawa ang auntie niya ng foreigner kaya half Pinay itong pinsan niya.

"My God, Lianne!" Pinigilan siya nito pero sinenyasan niyang tumahimik. Agad naman itong sumunod at natatakot sa anuman niyang kayang gawin.

Nakasuot siya ng sexy red bar dress na halos expose na ang kaniyang buong likod at kurbang-kurba ang kaniyang katawan. Ang maliit na beywang niya ay mas lalong na-emphasize at nagbigay ng alindog sa kaniya. Kulay pula rin ang kaniyang sapatos kaya kuha niya ang atensyon ng bawat kaniyang madadaanan. Actually, hindi niya kagustuhan ang suot na iyon pero sa mga sandaling ito parang nagpapasalamat siya na pinilit siya ni Sheena na magsuot ng gano'n klaseng damit.

Huminto siya sa harap ng team ni Zyd. Natigil ang ilan sa mga kasamahan nito sa pag-iinom at napatanga sa kaniya. Yeah, alam niyang napahanga niya ang mga ito. Her black curly wavelength waist hair and smokey makeup plus her outfit, walang sinong hindi mapapalingon. Nagsusumigaw ang kagandahan niya ngayon ng trahedya. Her height is 5'4 but it doesn't matter, she pretty knows that her high heels give her much confident she want.

"Well, hey pretty lady. Are you lost?" Mabilis na tumayo ang isang kasamahan nito para alalayan siya pero nanatiling nakatingin siya kay Zyd, na ngayon ay nakatingin sa kaniya na parang nagtataka.

Natigil sa ere ang pag-iinom nito at hinintay ang kaniyang sasabihin. Hindi siya gumalaw, nanatili lang siyang nakatingin kay Zyd at sa sumunod na ginawa niya ay nagbigay ng sigawan ng mga kasamahan nito at singhap sa paligid. Ang kapal ng pagmumukha nito!

Hinablot lang naman niya ang suot nitong damit at sinakop ang bibig nang lapitan niya ito. Pagkatapos, isang malakas na sampal ang binigay niya. Sa sobrang lakas ng ginawa niya, nabaling ang mukha nito at lahat ay natahimik. May tama rin pa lang nagagawa ang alak.

DOMINANT SERIES 4:Tempter [Completed] ZYD MCCLUSKEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon