Chapter 12

2.1K 68 6
                                    

SUMISIGAW at nagmamakaawa ang isang babae habang ginagahasa ito ng mga tauhan ni Kamatayan sa malaking kuwarto. Si Kamatayan naman ay nasa sala at abala sa pagsisinghot ng cocaine habang nanonood ng malaswang palabas sa DVD. Katabi pa niya ang bunsong si Kyle na abala naman sa paglalaro ng games sa cellphone. Nakapatay ang ilaw sa sala kaya damang-dama niya ang epekto ng droga at ang init na dulot ng X-Rated na pelikula.

Balewala lang sa kanya ang sumisigaw na boses ng panibago nilang biktima. Kahit anong pagmamakaawa nito ay wala ni isa sa kanilang grupo ang may balak na kaawaan ito. Sanay na siya sa ganoong sigaw ng mga babaeng ginagahasa nila.

Sayang nga lang at hindi niya nakuha ang babaeng kaibigan ng nakainitan niyang si Lucas. Sa tingin niya ay mas malaking sampal ito sa lalaki kapag nakita nito kung paano nila babuyin ng kanyang grupo ang babae kung saka-sakali.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng silid at lumabas mula roon ang mga tauhan buhat ang babaeng nakatali ang mga kamay at paa.

"Tapos na kami rito, Boss," nakapamaywang pa na sabi ni Bernard.

"Sige, ligpitin n'yo na 'yan," utos ni Kamatayan at nagpatuloy sa pagsinghot ng cocaine.

Muling nagwala at nagsisigaw ang babae habang inilalabas ito. Hinayaan lang ni Kamatayan iyon at nakatuon ang kanyang pansin sa pinapanood.

Patuloy na sumisigaw at nagwawala ang babae sa loob ng itim na sako. Nakalapag ito sa madamong parte ng lupa na malapit sa ilog. Napaliligiran ng mga abandonado at hindi tapos na gusali ang paligid.

"Tapusin mo na!" senyas ni Bernard sa katabing si Tasyo. Ilang sandali pa, sunod-sunod na putok ng baril ang tumama sa babae. Huminto ito sa pagwawala at hindi na gumagalaw.

Pinagtulungan nina Bernard at Tasyo na buhatin ang babae at itinapon sa ilog. Nang lumubog na ang katawan nito ay mabilis silang bumalik sa sasakyan kung saan naghihintay sa loob ang iba pang mga tauhan.

"Huwag muna tayong umuwi. Masarap ang hangin dito. Pahangin muna tayo. Ang init do'n sa bahay, e!" Bumaba si Naldo mula sa driver's seat at binuksan ang lahat pinto ng sasakyan. Nakaupo naman sa loob ang iba pang mga tauhan at abala sa kani-kanilang mga ginagawa.

"Sige dito muna tayo," si Bernard.

"Parang ang sarap magjakol dito mga pare! Sobrang dilim at wala pang katao-tao. Kahit saan ka bumanda komportable ka!" biro ni Tasyo sa mga kasama. Sumandal ito sa harapan ng sasakyan.

"Para sayo, oo. Gawain mo naman ang magjakol kung saan-saan basta walang tao, e. Huwag mo kaming igaya sa 'yo!" asar ni Bernard sa kanya.

Lumabas sa sasakyan ang isang tauhan na si Baste. "Saan ba puwedeng umihi rito mga 'tol?"

"Kahit d'yan na lang sa likod ng mga building. Wala namang sisilip sa 'yo d'yan kundi mga multo lang," biro ni Naldo at sinindihan ng lighter ang yosi sa bibig.

"Gago! Hindi ako takot sa mga multo. Gagahasain ko pa ang mga 'yan kapag nakakita ako, e!" biro din ni Baste. Wala sa bokabularyo niya ang salitang takot. Palagi nga niyang sinasabi na hindi raw siya takot sa mga Demonyo, dahil ang mga Demonyo ang natatakot sa kanya.

"Palibhasa mukha ka kasing Demonyo kaya pati masamang elemento takot sayo!" pang-aasar ni Bernard. Sa lahat ng grupo, ito talaga ang pinakamatinding mang-asar.

"Bahala nga kayo d'yan!" Tumuloy na si Baste sa likod ng isang gusali at binuksan ang zipper.

Tahimik na nagpapahangin ang mga tauhan nang magulat sila sa biglang pagsigaw ni Baste. Walang may gustong lumapit dito para tingnan kung ano ang nangyayari sa lalaki. Lahat sila ay napako sa kinatatayuan habang pinakikinggan ang sigaw nito na parang mauubusan ng hininga.

TUKLAWKde žijí příběhy. Začni objevovat