Chapter 17 (Finale)

2.9K 97 28
                                    

PAGGISING ni Lucas, kinurap-kurap niya ang mga mata at nilibot nang tingin ang paligid. Doon niya napagtanto na nasa kuweba pa pala siya. Tumambad pa sa harap niya ang walang buhay na katawan ng pinunong halimaw. Wakwak ang dibdib nito at nagkalat ang durog-durog na mga lamang-loob sa ibabaw ng katawan.

Doon niya naalala ang lahat ng mga nangyari kagabi. Napatayo siya sa sobrang pagkabigla. Napabuga siya ng malalim na paghinga habang inaalala ang lahat ng mga naganap. Maya-maya'y napaluhod siya at natulala sa bangkay ng pinunong halimaw.

Hindi siya makapaniwala sa lahat ng mga malalagim na pangyayari sa kanyang buhay. At hindi rin siya makapaniwala sa iba pang katotohanang natuklasan niya tungkol sa kanyang pagkatao. Larawan siya ng pagkasindak nang mga oras na iyon.

Pinulot niya ang kanyang mga damit at muling isinuot. Pagkatapos magbihis ay nagtatakbo agad siya palabas ng kuweba.

Pagkauwi niya sa kanila, nagsisigaw sa tuwa ang mga magulang niya. Pati si Aling Marites ay napayakap din sa kanya.

"Lucas, anak, nagbalik ka!" umiyak sa labis na tuwa si Lydia at hinaplos-haplos ang pisngi niya. "Sobra kaming nag-alala sa 'yo dahil isang araw kang nawawala. Ipinahanap ka nga rin namin sa mga pulis kahapon. Ano ba kasi ang nangyari sa 'yo, anak? Saan ka nagpunta? Bakit ngayon ka lang?"

Lumabas na naman ang pagkamakulit ng kanyang ina dahil sa dami ng tanong nito. Pero sa mga oras na iyon, walang nararamdamang inis si Lucas sa makulit na tinig ng kanyang ina. Sa halip ay sobrang tuwa ang nararamdaman niya nang marinig muli ang nangungulit nitong boses. Noon lang niya napagtanto sa sarili kung gaano kahalaga sa kanya ang dalawang tao na kumupkop at nagpalaki sa kanya.

"Lucas, saan ka ba kasi talaga nagpunta? Alam mo bang hindi kami halos natulog buong maggabi sa kakaisip at kakahanap sa 'yo? Mabuti na lang at hindi inatake sa puso itong nanay mo. Magdamag na umiiyak 'yan!" maging si Nestor ay mangiyak-ngiyak habang nagsasalita.

Umakbay siya sa mga magulang at hinalikan sa noo ang mga ito. "Pasensiya na po kung napag-alala ko kayo. Hindi ko na po uulitin ito. May pinuntahan lang po ako at problemang inayos, pero huwag n'yo nang alamin iyon dahil tapos na rin naman. Isa pa ayaw ko na ring pag-usapan pa. Ang mahalaga ay nandito na po ulit ako. Pangako, magpapakabait na po ako. Hinding-hindi ko kayo iiwan."

"Maraming salamat, anak!" Lalo pang humigpit ang yakap sa kanya ng ina.

Si Aling Marites naman ay nakiyakap na rin at binati siya.

"Pasensiya na rin po sa abala, Aling Marites."

"Naku, Lucas! Wala 'yon! Ang mahalaga nandito ka na. Huwag mo na lang ulit pag-aalalahin pa ang mga magulang mo, ha?"

"Oo naman po!"

Sumabog muli ang saya sa munting bahay.

KASALUKUYANG kumakain sina Juliet at ng kanyang ina nang may kumatok sa kanilang pinto.

"Sino kaya 'yon?" takang tanong ni Aling Almira at napalingon sa pinto.

"Ako na po ang magbubukas." Tumayo si Juliet at nagtungo sa pinto. Pagbukas niya rito, laking gulat niya nang masilayan ang maamong mukha ni Lucas.

Halos lumukso ang puso niya sa tuwa. "Lucas! Oh my God! Lucas, you're back!" Nagsisigaw siya at biglang yumakap sa lalaki.

Nanigas si Lucas sa kinatatayuan habang puno ng tuwa at pagtataka ang buong katawan. Nagkatinginan pa sila ni Aling Almira na pasimple ring tumatawa habang pinagmamasdan silang dalawa.

Bigla namang binawi ni Juliet ang pagkakayakap at nag-sorry sa lalaki. "Pasensiya na. Nabigla lang kasi ako dahil hindi ko inaasahang magpapakita ka ulit ngayon. Ang tagal mo kasing nawala, eh."

TUKLAWUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum