We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Prologue

89 5 3
                                        

2004

"Kalbo kalbo masamang tao!"

Paulit-ulit ang pangungutya ng mga bata sa kawawang bata na iyon. Mula sa bintanang tinatanawan ko ay napagpasiyahan kong lumabas ng bahay namin.

Nakadama ako ng awa sa batang lalaki.

No one should be treated like that.

I heard he's the new kid in our village. Katunayan ay kaibigan na agad ni mama ang nanay ng bata na iyon.

I've met her mother. Her mom is nice to me.

Mabilis akong tumakbo palapit sa kumpulan.

Hindi sa nag-fefeeling entitled ako pero ako ang leader ng mga bata na iyon kaya sa isang sabi ko lang ay alam kong titigilan na nila ang ginagawa nilang pang-aasar sa batang lalaki.

Nang lumapit na ako sa kumpulan ng mga bata ay isang malakas na sipol ang pinakawalan ko. Sumakit pa ng bahagya ang mga panga ko subalit hindi ko 'yon gaano binigyan ng pansin.

Natahimik ang mga batang nang-aasar at sabay-sabay na nilingon ako.

"Itigil ninyo 'yan!" Ang maawtoridad kong sigaw sa lahat. Pinakita ko ang matapang kong mukha. "Magbigay ng daan!"

Kaagad na nawala ang kumpulan at naghawi sila ng daan para makadaan ako.

Hayun ang kalbong bata sa gitna. Nanginginig ang katawan. May sugat ang noo. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang sandaling takot na dumaan sa singkit nitong mga mata nang tumingala ito sa akin.

Halos takbuhin ko na ang nahawing daan para lapitan siya.

Mula sa pagkakadapa ng batang lalaki ay inilahad ko ang kamay ko sa kaniya.

Agad niya namang tinanggap ang kamay ko at tumayo siya subalit parang mabubuwal pa kaya maagap kong inalalayan ang balikat niya.

Nasilip ko rin ang sugat sa tuhod ng kawawang bata. Bumangon ang galit ko sa dibdib. Mabilis kong pinadaanan ng matalim na tingin ang mga bata sa likod.

"Ano ang pangalan mo?" Ang mahina kong tanong sa bata.

Yumuko siya. "Dustin.."

"Dustin, ako na ang bahala ha." Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa balikat niya. Binalik ko ang tingin sa mga grupo ng mga bullies na bata na hindi makatingin sa akin. Ang sama sama ng loob ko sa kanila! Kapag wala pala ako, ganito ang ginagawa nila sa bagong salta na bata? Puwes ay lagot sila sa akin lahat!

"Kayong lahat, lagot kayo sa akin. Hindi ko kayo tinuruan na maging bullies ah. Simula ngayon, hetong si Dustin, siya lang ang bati ko. Hindi ko kayo bati lahat!"

Inabot ko ang kamay ng batang si Dustin at itinaas iyon.

"Effective today. Wala nang mang-aasar sa kaniya ng kalbo masamang tao. And no one should dare to even lay a finger on him, malalagot sa akin."

Pagkatapos ng deklarasyong ginawa ko ay walang imik na namutawi sa mga pasaway na bata. Maingat kong inalalayan si Dustin palayo sa kanila.

***

"I'M sorry for what they did to you, Dustin." I sincerely apologized to him on behalf of those kids. Niligpit ko na rin ang mga gamit sa loob ng medical kit.

Natapos ko ng gamutin ang mga sugat sa noo at sa magkabilang tuhod niya.

Sa buong sandali na kasama ko si Dustin ay tahimik lang siya at walang kibo.

I don't know why but I feel so concerned about him. Siguro dahil masyadong mabait ang mga mata niya.

Parang ayokong ipakita sa kaniya ang pagiging bossy at boyish side ko. I want him to feel that I'm his safe space.

Sa Dapit-hapon, Ikaw Ang AlaalaStories to obsess over. Discover now