Maganda si Georgina halata iyon kahit na ang payat niya na at wala ng kulay ang kanyang mukha. She's too tired! Alam ko pagod na pagod na siya at gusto na lamang tapusin ang kanyang buhay pero hindi! She's so strong! Kinakaya niya ang sakit at hirap na pinagdadaanan niya.

“Oh wait! I need to go in a bathroom.” ang saad ni Georgina kay Kara. Weak Georgina!

Tinawag ako ni Kara para alalayan ko si Georgina. Lumapit naman ako at agad na binuhat si Georgina patungo sa CR.

“Girls duties!” ang saway sa akin ni Kara ng makapasok na ako sa loob ng CR. Tinulak niya ako palabas ng CR habang sabay silang nagtatawanan. Wala akong nagawa ng pagsarhan nila ako ng pinto. Napailing na lamang ako sa kawalan habang dinig na dinig ko pa rin ang tawanan nila.

Paupo na sana ako sofa ng maagaw ang aking atensyon sa album picture na nasa ibabaw ng kama ni Georgina. Tinitigan ko iyon at para bang may binubulong ang aking isipan na kailangan kong buksan iyon. Curious din ako kung anong mga larawan ang naroon.

Dahan dahan akong naglakad palapit sa kama habang deretsong nakatingin sa cover ng album. It's weird parang may something sa album dahil kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Out of nowhere ay kinuha ko na nga ang album at nung akma kong bubuksan sana ay bigla namang bumukas ang pinto dahilan para hindi ko natuloy ang pagbukas ko ng album.

“Hector where's Georgina?” ang tanong sa akin ni Tita. Pasimple kong nilapag ang album sa bed.

“Nasa CR Tita.” ang sagot ko habang nakatingin ako sa kasama niya.

“By the way, this is Dr. Dylan. Georgina's Doctor!” saad ni Tita.

“I know him Tita. His my friend.” ang saad ko na siyang kinagulat naman ni Tita. Lumapit ako kay Dylan at nag man-to-man gesture.

Pinaliwanag ko kay Tita na kababata ko si Dylan at matagal ko ng kaibigan. Halos magulat naman ang ginang sa sinabi ko. Napangiti na lamang ako at ganon din si Dylan.

“Hector!” ang tawag sa akin ni Kara.

Bumukas na pala ang pinto ng CR at iniluwa nun sila. Akay akay ni Kara si Georgina kaya agad akong kumaripas palapit sa kanila.

“Dylan!!” ang tili ni Kara ng makita ang kaibigan.

“Even you? Kilala mo si Doc Dylan?” ang tanong ni Tita at ngumiti na lamang si Kara ng malapad even Georgina. Nakangiti siyang nakatingin sa kanila.

Inilapag ko si Georgina sa kama at tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. I saw something in her eyes. A sad one. Lonely. Fragile. Tired.

“Are you okay?” ang alalang tanong ko. Tumingin siya sa akin ng matagal saka siya ngumiti ng pilit. Pilit na hindi na kayang ikubli ang sakit at lungkot na kanyang nararamdaman.

Nagbulagbulagan ako na hindi ko nakikita at nababasa ang emotions niya instead ay nginitian ko na lamang siya. I know Georgina, ayaw niyang kinakaawaan siya.

“Georgina Iha.” ang saad ni Tita at agad na naupo sa tabi nito. Niyakap at hinaplos haplos ang kamay niya. “Are you okay?”

Lahat kami ay nakatitig kay Georgina habang nakatingin naman siya kay Tita. Malalim ang kanyang tingin na parang binabasa niya kung ano ang nasa isip ni Tita. Kakaiba ang kanyang mga titig. Malalim na nakakatakot.

“How are you Georgina? Okay lang ba na tingnan natin ang kondisyon mo?” ang tanong ni Dylan sa kanya ngunit tila naging bingi si Georgina sa sinabi ni Dylan.

“Mom, w-what's this for?” ang emosyonal na tanong ni Georgina sa kanyang ina. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Tita sa amin na labis na nagtataka. “Umaasa pa rin ba kayo na gagaling ako?”

Kita ng dalawa kong mata ang unti unting pagbagsak ng mga luha sa mga mata ni Georgina. She's crying and it breaks my heart. Para akong nadurog sa aking kinatatayuan. Naging tahimik kaming lahat habang nakatingin sa kanya.

“How many times do I need to tell you Mom! I'm dying! I'm too weak! Everyday that I breath sana matapos na.” ramdam ko sa boses niya ang kanyang emosyon. Even Tita ay hindi niya na rin napigilan ang kanyang sarili at tuluyan na nga siyang umiyak. “Bakit ba takot na takot kayong mawala ako!? This is my faith! Bakit kailangan niyo pang ipatingin ako kay Doc. Dylan!? Just to know na okay pa ba ako!? For what!?”

“Georgina.” ang umiiyak na sabi ni Tita.

“Hindi ba kayo naaawa sa akin? Bakit hinihiling niyo pang mabuhay ako? Hindi ko na kaya ang sakit!? All I have right now is to spend more time. 'Yun lang! Masama ba iyon!?” mas lalo pang bumuhos ang kanyang luha at maging ako ay hindi ko na napigilan. Nakatingin ako sa kanya habang namumuo ang aking luha at binabalot ng aking emosyon ngayon. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.

Nagulat ako ng bigla niyang tanggalin ang kanyang suot na pang itaas. Kahit na nanghihina ay nagawa niya pa ring tanggalin ito. In to my shock, nakita ko ang malalaking pasa sa kanyang katawan. Mula sa harap at maging sa likod. Mas lalong napaiyak si Tita sa kanyang nakita.

This situation is totally break my emotions. I started to cry.

“Now tell me! Sabihin niyo sa akin kung deserve ko pa bang mabuhay!? Bakit hindi niyo na lang hilingin na kunin na ako ni Lord!” tumingin siya sa akin habang naglalandas ang kanyang mga luha sa kanyang mukha and even me. I silently, crying.

“Pleased?” bulong niya.

Humagulhol si Tita ng iyak at agad na niyakap ng mahigpit si Georgina at maging ako ay niyakap ko sila. Alam ko kung gaano kabigat ang dinadala ni Georgina.

Sumusuko na siya.

I'm sorry.I said.




Vote and Comments po :)



Maraming thank you sa inyo :) Malapit na pong matapos :)

Kuya Chad :)


His MillionaireWhere stories live. Discover now