Dahan-dahang bumagal ang kilos ng lalaki sa ibabaw niya.

Napahaguhol siya. "Parang awa mo na... tama na... huhuhu..."

Napahinto na ito at hindi na muling kumilos.

"Maawa ka... huhuhu... masakit, Leo maawa ka..." ayaw niya sanang magpakita ng kahinaan dito dahil masama ang loob niya sa masasakit nitong nasabi sa kanya.

Hindi na nga lang niya napigilan ang kanyang sarili kundi ang magmakaawa. Hirap na hirap na kasi siya at naaawa na rin siya sa kanyang sarili.

Nagulat na lang siya nang umangat ito at niyakap siya. "Shhhh... tahan na... hindi na... sorry..." piyok ang tinig nito.

Lalo lang syang napaiyak. Naramdaman niya pang kinalas nito ang gapos niya sa kamay. Pagkatapos ay pinunasan nito ang mga luha niya at saka siya pinag-hele. Animo'y isa syang sanggol na pinapatulog nito sa sarili nitong kandungan. Hindi niya namalayan na nakatulog nga siya ngunit paggising niya – wala na ito sa tabi niya.

Marahan syang tumayo at nagtungo sa kanyang bag na nasa couch sa sala. Naroon ang cellphone nyang patay-sindi. May text doon, nang buksan niya ito – si Preston. Nagulat siya nang buksan niya ang mensahe nito.

Nasa ICU na si Editha. I'm so upset.

Punyeta! Bakit kasi hinang-hina siya. Ngayon siya kailangan ng isang kaibigan niya pero hindi naman niya ito mapuntahan. Alam nyang malala na si Editha at anumang oras ay pwede itong bawian ng buhay. Kaya siguro ito naroon sa ICU at malamang ay kailangang operahan.

At kung anuman ang sakit ni Editha, ayaw iyon ipaalam sa kanya ni Preston. It's a patient's privacy daw – ito ang laging dahilan ng lalaking doktor sa kanya sa tuwing tatanungin niya iyon.

Naging malapit na rin sa kanya ang pasyenteng si Editha. Labis syang malulungkot kung sasakabilang buhay na ito agad. Kaya nga lang, wala roon ang isip niya, kundi na kay Leo. Kapag nalaman nito na buntis siya, malamang ay hihiwalayan siya nito. Kung sanang wala syang damdamin dito ay okay lang eh. Ang kaso, labis na niya itong minamahal.

Sa kabila noon, kailangan nyang tanggapin ang maaaring mangyari. Kailangan nyang magpatuloy sa buhay alang-alang sa magiging anak niya. Siya si Cynthia Fatima Di Magiba – isang matapang na babae at hindi basta natutumba. Kaya iyon ang ipinilyido sa kanya ng nag-ampon sa kanya upang magsilbi nyang bandila sa lahat ng pagsubok na darating sa buhay niya.

***

LEO PARKED HIS car in front of Preston's hospital. Agad syang bumaba ng kanyang kotse at padabog na binuksan ang sliding door papasok sa loob ng emergency room. Pihadong naroon ang doctor na hinahanap niya, hindi nga siya nagkamali. Huminto ito sa ginagawa nito at lumapit sa kanya.

"What did you do to her?" si Cynthia ang tinutukoy nito.

"It's none of your business..." madilim ang kanyang mukha.

"Let's talk in my office."

Sinundan naman niya ito hanggang sa makapasok sila sa opisina nito. Bago pa lang ito magsasalita nang kwelyuhan na niya ito at dinikdik sa pader. "For how many times do you want me to tell you na – layuan mo si Cynthia?"

Pero matigas si Preston. Ngumisi pa ito. "Am I a threat to you?" pagkatapos ay itinulak siya nito palayo.

"She is mine!" sigaw niya rito.

"For now – but sooner or later, mare-realize niya kung gaano kakitid ang utak mo at siya na mismo ang lalayo sa'yo."

Namewang siya. "Gusto mo talaga akong kalabanin ha?"

It Started in the Elevator✔️Where stories live. Discover now