Natatawa na lang si Preston sa mga pinagsasasabi niya. "Anyway, about your pregnancy – why don't you tell it to him?"

Nagbago ang mukha niya. Nakaramdam siya nang labis na kalungkutan.

Sa simula pa lang kasi ay sinadya na nyang magpabuntis kay Leo. Hindi siya gumamit ng contraceptive pills, although lagi nyang binabanggit sa kasintahan na safe siya, everytime na may nangyayari sa kanila. Gusto na niya kasing maangkin ito at ito lang ang way na naiisip niya. Pero mali pala siya matapos nyang marinig mismo mula rito na hindi pa ito handang mag-settle down, as in walang kabalak-balak.

Napasimangot siya sa harap ni Preston sa isiping iyon. "Nabanggit niya kasi sa'kin na hindi siya handa sa kahit anong settlement sa buhay niya. Siguro, lalo na sa isang responsibilidad na tulad nito."

"But it's his right. Siya ang ama ng ipinagbubuntis mo..."

Nag-angat siya ng mukha. "Wag kang mag-alala. Sasabihin ko na sa kanya tonight. Natakot lang naman ako na baka iwan niya ako nang dahil dito." Hinimas niya ang sariling tiyan. "Kung ano man ang maging desisyon niya ngayong gabi – matatanggap ko yun. Pinag-isipan ko na ito kanina."

Yumakap sa kanya si Preston. "Nandito lang ako. Nandito lang kami ni Editha. Hindi ka namin pababayaan."

Bigla na lang syang napaluha. Napaiyak siya sa part na – malaki ang posibilidad na iwan siya ni Leo dahil sa kalagayan niya. At iyon na marahil ang pinakamasakit sa lahat dahil mahal na mahal na niya ito.

Ang kaso, pag-uwi niya – ibang Leo ang nadatnan niya. Tulog ito at hindi makagulapay sa harapan ng pinto ng kanilang condo. Lasing na lasing ito.

"Leo! Anong nangyari?"

Hindi naman ito tumugon, umuungol lang.

Buong lakas niya itong pinangko at ipinasok sa loob ng kwarto. Halos mapa-ire siya sa bigat nito. Nang papalitan niya na ang damit nito, biglang kumirot ang kanyang tiyan. Napakasakit noon. Napaigtad pa siya ng kapain niya ang kanyang ibabang bahagi – may dugo iyon!

Iika-ika syang nagtungo sa sala kung saan niya naiwan ang kanyang bag. Hinugot niya roon ang kukurap-kurap nyang cellphone. Agad syang nag-dial ng number ni Preston at sinabi niya rito ang kalagayan niya. Bahagya na syang hindi makatayo at nanlalabo na rin ang kanyang paningin nang dumating si Preston sakay ng ambulance. May mga kasama itong nurses na tumulong para buhatin siya.

Sa kasamaang palad, wala namang kaalam-alam si Leo sa nangyari sa kanya. Mahimbing ang tulog nito sa loob ng kanilang kwarto nang ipasok na siya ng ambulansya. Hindi man lang siya nakapagpaalam dito. Paano'y ni ang makadilat nga ay hindi kasi nito magawa.

Dalawang araw din syang na-confine sa hospital ni Preston. Mabuti na lang at ligtas pa rin ang bata sa kanyang sinapupunan. Kung nahuli pa ng dating si Preston, malamang ay hindi na nila naagapan iyon.

"Saan ka pupunta, CT?" puna sa kanya ni Preston nang madatnan siya nito.

"Kailangan ko nang umuwi, Doktor Kwak-kwak. Baka hinahanap na ako ni Leo." pinilit nyang tumayo.

"Tinawagan ko na siya. Hindi naman niya sinasagot ang tawag ko." Parang galit ang tinig nito.

"Kaya nga mas lalo kong dapat bumalik sa condo. Baka nag-aalala na yun sa akin."

"O baka naman ikaw lang ang nag-aalala sa kanya. Kasi kung talagang nag-aalala yun sa'yo – tatawag siya sa cellphone mo. Pero wala ni text man lang."

Napabuntong-hininga na lang siya. "Hindi lang iyon ang dahilan ko. Nami-miss ko na rin kasi siya."

Napayuko na lang ang binata. "Okay. Pero hayaan mo man lang sana akong ihatid ka."

"Hindi na. Kaya ko naman."

"CT!" Pinandilatan siya nito.

"Please Doktor Kwak-kwak. Magta-taxi naman ako."

Napapikit na lang ito.

Hanggang sa labas ng hospital ay inalalayan siya nito. "Salamat ulit, Preston." niyakap niya ito.

Gumanti naman ito ng yakap sa kanya. "Sana lagi mo akong tatawagin sa pangalan ko." Napangisi ito.

Napangiti na rin siya. Pagbitiw niya nang yakap dito ay bigla na lang itong tumilapon pabagsak sa lupa.

"Preston!" nagulat siya ng sapakin ito ni – Leo! Bumaling siya sa kasintahan. "Leo, 'wag!"

"Don't tell me na ipagtatanggol mo ang hudas na ito?" amoy alak ang hininga nito.

Natagpuan na lang niya ang sarili niya na inaalalayan si Preston sa pagtayo. "Leo, ano bang problema mo?" naluluha siya.

"Gusto mong malaman ang problema ko? Huh?" nakakatakot ang mukha nito na tulad noong sinampal nito si Odessa para protektahan siya.

Pagkatapos ay padaskol itong lumapit sa kanya. Mukha itong papatay. Wala syang nagawa nang hilahin siya nito sa braso at kaladkarin.

"Leo, bitiwan mo ako!" sinubukan nyang kumawala rito ngunit sadyang malakas ito.

Mabuti't rumesponde si Preston at sinuntok ito sa mukha. Taob si Leo

pasubsob sa lupa. Ngunit nang makatayo ito, malakas nitong tinadyakan ang doctor sa tiyan. Namilipit si Preston pagkatapos bumalentong nito.

"Tangina mo matagal ko ng gustong gulpihin ka, gago!"

Lalapitan pa sana ito ni Leo para siguro sipain sa sikmura nang harangin niya ito.

"Leo, tama... tara na! Sasama na ako sa'yo... please tama na... umuwi na tayo"

Dito lang natigilan ang kasintahan. Pagkatapos ay hinila na siya nito pasakay sa sasakyan.

JAMILLEFUMAH

@JFstories

It Started in the Elevator✔️Where stories live. Discover now