Napatango na lang siya habang nakatingin dito. Tama kasi ang lahat ng sinabi nito para sa kanya. Animo'y may nakikita pati syang stars na nakapaligid sa katawan nito. Napangisi siya bigla. "Jesus Christ! Is that you?!"

Nangunot ang noo nito. "What do you mean?"

"You're being pathetically corny! I mean, you're giving me love advices? God! Totoo ba ito? Don't tell me, in love ka na kay Camz?" He laughed.

"'Wag mo nga syang matawag-tawag na Camz, hindi kayo close!" pinamulahan itong napasinghal sa kanya. Gone was the perfectly composed Hendrick. "For your information, I am getting married to her!"

Namilog ang mga mata niya. Hindi niya alam kung matatawa o maiiyak sa 'di pagkapaniwala. Kailan pa nagkahimala?

"That was a great joke!" Bulalas niya.

Lumalim ang kunot ng noo ni H. "I'm not kidding. 'Tangina mo, Leo."

Natutop niya ang sariling bibig. "In love ka nga! Hindi ka na bato, congrats!"

"Oh, don't look at me like that." Inis na saad nito.

Napatayo siya at nayakap niya ang tiyuhin. "Congrats talaga, H!" Sinserong bati niya rito. He was so happy for him.

Mabuti pa ito, ready na for settlement. Samantalang siya – hindi niya pa alam. Ni hindi nga nahagip sa isip niya na magpapakasal siya someday. But like H said to him, Love changes everything. And Cynthia changed him.

Sa tingin niya ay in love na nga siya sa dalaga.

Nang tawagan niya muli ang dalaga ay contacted na ang cellphone nito. Kaya lang – si Preston ang nakasagot. At mukhang hinihingal pa ang lalaki. 'Tapos narinig niya pang umungol si Cynthia. Fuck! Naibato niya tuloy ang cell phone niya. Obviously they were doing something!

***

KASAMA NI CYNTHIA si Preston palabas ng hospital. Halos isang araw din siya ron dahil sa mga test na ginawa sa kanya. Ten weeks na pala syang buntis. Ang nakakapagtaka lang, hindi gaanong halata iyon sa kanyang katawan. Sexy pa rin kasi siya kung titingnan at mukhang hindi nagdadalang-tao.

"Ang bigat mo pala!" nakangisi pa si Preston habang inaalalayan siya. Binuhat kasi siya nito para mailipat siya sa kama kanina. Nakatulog kasi siya sa table, habang naghihintay siya ng resulta ng examination sa kanya.

"Huwag kang magpaka-stess. Lalo na ngayong may bata dyan sa sinapupunan mo. Mabuti na nga lang at healthy ka. Maswerte ka rin at hindi ka maselan magbuntis."

Nakangiti ito sa kanya.

"Oh by the way, kanina nung binuhat kita – binabangungot ka. Umuungol ka. Tapos –" Hindi na nito itinuloy ang sasabihin. Naisip nito na wag na lang muna banggitin ang pagtawag ni Leo nang mga time na iyon.

"'Tapos ano?"

"Ah, wala. I mean – kakaiba kasi iyong ungol mo. Parang hindi ka binabangungot. Mukha kasing sarap na sarap ka."

Natawa naman siya. "Akalain mo yun... marunong ka ng mag-joke. Buti na lang nakakatawa yang mukha mo kung hindi – baka hindi ako natawa." Pasimple nyang pambabara.

Napakamot na lang sa ulo ang lalaki. Pagkatapos ay sumeryoso ang mukha nito. "Thank you, CT."

"Ano ka ba? Ako nga ang dapat magpasalamat sa'yo eh."

"No, CT. Thank you about kay – Editha." napayuko ito. "I like her hindi lang dahil kamukhang-kamukha mo siya. Gusto ko siyang baguhin. Pero hindi ko siya napagbago. Ikaw ang nakapagpabago sa kanya..."

"Doktor Kwak-kwak... hindi siya nagbago dahil sa'kin. Nagbago siya dahil may tao nang nagpapahalaga sa kanya. At ikaw 'yon. Kaya cheer up! Say cheese to the camera, okay?"

It Started in the Elevator✔️Where stories live. Discover now