C47: The vengeful one

Magsimula sa umpisa
                                    

Mas lalong nakakatakot ngayong alam ko na kung sino ang kalaban, kung sino ang dapat iwasan. Ilang beses kong binabalikan ang mga nakuha kong ebidensiya pero kahit isa dun walang laban sa kanila. Vince, Nichole ... sino pa ang isa?

Sino si Akira?

Tinignan ko muli ang text sa akin. Bukas ng alas otso ng gabi, sabi niya ay malalaman ko ang lahat. Napapikit ako nang naisip ko ang mangyayari. Kung anu-anong imahe ang naiisip ko--kasama na ang kamatayan ko.



Summer's POV


Inayos ko ang gamit ko bago lumabas nang tuluyan sa classroom. Tinignan ko muna ito bago umalis. Isang klase ng tingin na hindi magugustuhan ng kahit sino. Pagkasarado ko ng pinto ay bumungad sa akin si Amanda.

"Hi Summer." Bati niya sa akin.

Nabalitaan ko na nagbago na raw siya kasabay ng pagbabago ng buong klase.

Pathetic.

Ngumiti lang ako sa kanya at tuloy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa narinig ko ang sinabi niya.

"Kilala mo ang tumulak sayo di'ba? Wala kang nakalimutan sa lahat ng nangyari. Kilalang-kilala mo siya at alam mo kung bakit niya kami ginamit para pagtangkaan kang patayin." Lumingon ako sa kanya.

"Ano bang gusto mong sabihin?" Sabi ko sa kanya.

"Yun nga eh. Hindi ko alam kung bakit at kung ano ang dapat kong sabihin pero sa lahat ng nangyari gusto kong humingi ng tawad. Nagpadala ako sa mga nangyari noon, masyado akong nakinig sa mga taong hindi ko naman dapat pakinggan at dahil sa mga iyon, nasira ang pagkakaibigan natin."

"Natin?" Pag-ulit ko sa sinabi niya.

"Oo, di'ba magkaibigan tayo dati?"

"Naging mabait ka lang, naging tanga ka na rin." Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko. "Walang kai-kaibigan sa Queen Bee. Mga alagad lang sila na walang ibang dapat gawin kundi sumunod. Masyado lang akong mabait para tulungan ka noon Amanda. Masyado kang nag-feeling kasi."

Sinungaling.

Sinungaling ka Summer.

Natameme siya doon at naglakad na ko palayo. Ayaw ko nang maalala ang mga katangahan ko noon. Ayaw kong maalala ang mga pagkakamali ko. Dapat kong ipamukha sa kanila na ako si Summer Dela Vega, at hindi nila ako naloko at maloloko. Natuto na ko.

Matatag na ko ngayon.

"Kilala mo ang tumulak sayo di'ba?"

Muli kong naalala ang tanong ni Amanda kanina. Tama, kilala ko siya. Naalala ko ang lahat. Bawat detalye, bawat salita na sinabi nila--lahat lahat. Kilalang kilala ko siya.

Siya ang munting bangungot ko noong mga panahon na iyon.

Si Teacher Yuko.

Muling nanumbalik ang nanyari nang gabing iyon..

"Hey Ash, nandito ako sa library. Gagabihin na ko kaya wag mo na kong hintayin okay?" Binaba ko ang phone at inilagay ko ito sa bag. Alas-otso pa naman ng gabi ang sarado ng library at alas-siete palang naman.

Ayoko lang umuwi nang late si Ash kasi alam ko namang hinihintay siya ng Papa niya. Binaba ko muli ang hawak kong libro.Hindi ito ang hinahanap ko.

Natigilan ako nang may humawak sa balikat ko. Tinignan ko siya nang masama. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya at lumayo.

Ayaw ko sa kanya. Ayaw niya sa akin. Tapos ang usapan.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon