C48: The other side of the coin

154K 3.3K 714
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

--

Summer's POV


Kinuha ko ang kape sa mesa na ako mismo ang nagtimpla. Walang tao sa bahay kundi ako lamang. Napakalaki ng bahay na ito para sa amin. Sa sobrang laki, halos di na kami nagkikita-kita. Kaalis lang ni Daddy papunta sa trabaho. Si Mommy naman, di pa rin umuuwi. Siguro kasama ng mga 'amigas' at 'amigos' niya na walang ibang gusto kundi ang pera at kasikatan ni Mommy.

Mga manggagamit. Mga hampas lupa.

Kung iisipin', dalawa lang sa sampung katao ang masasabi mong mapagkakatiwalaan mo. Na masasabi mong, totoo sayo. Minsan nga nagiging isa lang yan. Depende sa lugar na ginagalawan mo at pangalan na pinanghahawakan mo.

Humigop muli ako ng mainit kong kape.

Hanggang sa unti-unti na lang akong napapangiti. Nang muli kong naalala ang lahat. Napapikit ako nang muli nanariwa ang bawat detalye. Ang totoong nangyari .


"T-Teacher Yuko?" Nabitawan ko ang mga papel na hawak ko.

Inutusan ako ni Mrs. Roque na ilagay ang mga ito sa mesa niya bago ako umuwi. Ngunit halos tumigil ang tibok ng puso ko sa nadatnan ko. "T-Teacher Yuko?" Muli kong pagsambit sa pangalan niya.

Ngumisi siya sa akin kasabay ng matalim niyang pagtingin sa sa kutsilyong hawak niya na tumutulo pa rin ang sariwang dugo ni ... Maddie.

Napaatras ako ng ilang hakbang habang pinagmamasdan ang nakahandusay na katawan ni Maddie at si Teacher Yuko na papalapit na papalapit sa akin. Marahas niyang hinablot ang kanang kamay ko at hinatak ako papalapit kay Maddie. Ngumisi siya muli bago tuluyang nagsalita.

"Tama, pinatay ko siya." Isang mala-demonyong ngiti ang pumorma sa mga labi niya. Mga ngiti na di ko pa nakikita. "Alam mo ba kung bakit?" Tinulak niya ako na naging dahilan ng pagkaupo ko sa tabi ni Maddie.

Nakita kong nalaglag ang bracelet ko papunta sa bangkay ngunit dahil sa takot ay nagmamadali akong umatras upang makasandal sa malapit na pader. Niyakap ko ang mga tuhod ko habang tinitignan ang demonyo sa harap ko, si Teacher Yuko.

"Dahil sayo pinatay ko siya. Nang dahil sayo Summer! Hindi naman nila ako pag-iisipan ng masama." Lumapit siya sa akin at bahagyang umupo upang mapantayan ang taas ng ulo ko. "Dahil simula ngayon, ikaw na ang pumatay sa kanya."

Ngayon ko lang napansin na ang hawakan ng kutsilyong ginamit niya ay balot na balot ng panyo.Isang puti panyo. Ngumiti siya sa akin bago pumunta sa bangkay ni Maddie. Marahas niyang binaon ang kutsilyong may puting panyo sa loob ng bibig ni Maddie. Napatakip ako ng bibig upang mapigilan ko ang malakas kong pagsigaw.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon