C32: Goodbye, Summer

178K 3.6K 892
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

----

Andy's POV

Bumaba na ko ng bus dala dala ang bag ko. Natapos na rin sa wakas ang fieldtrip. Hindi ako masyadong nakapagsaya dahil sa binigay sa aking sulat ni Alex. Sulat kung saan naglalaman ang sikreto ni Denise at hanggang ngayo'y hindi pa rin ako makapaniwala sa nabasa ko. Hindi ko alam na kayang gawin ni Denise ang bagay na iyon ... pero bakit ganun? Wala akong nararamdaman na kakaiba. Hindi ako galit, hindi ako naiinis o nadidismaya man kay Denise. Maari ngang mali ang nagawa niya. Maari ngang trinaydor niya ang kaibigan niya ngunit alam kong may dahilan siya.

"Si Andy, hindi nakikinig." 

Napalingon ako sa likod ko kung saan nakatayo ang iba kong kaklase.

"Hoy, sasama ka ba? Pupunta tayo sa bahay nila Camille." Muling pagwika ni Amanda. Nakangiti rin sa likod niya sina Vince at ang iba pa naming kaklase.

"Akala ko umalis na kayo," tugon ko. "May gagawin pa ko e." Pagsisinungaling ko.

Naglakad na ko palayo. Namataan ko naman ang kotse ni mama na nakaparada sa may harap. Huminga ako nang malalim habang papalapit sa kanya.

"Masaya ba anak?" Nakangiti niyang tanong. 

Hindi ko siya sinagot at tuloy-tuloy lang ako sa loob ng kotse. Masama ba tong ginagawa ko? Sabi nila, nagbago na raw si mama. Maniniwala ba ako? Tinitignan ko lang siya habang nagmamaneho. Sa lahat ng sinabi kong masama, sa lahat ng ginagawa kong masama sa kanya---bakit nakukuha pa rin niyang ngumiti? Bakit patuloy pa rin niya akong nilalambing na para bang naging mabuti siyang ina?

Kukuhanin ko sana ang phone ko sa bag ngunit biglang nahulog ang litrato ni Denise. Ang litrato nila ng kaibigan niya. Muli ko itong tinignan. Ang maamong mukha ni Denise, ang nakangiti niya at tila napakasayang mukha.

Pinunit ko ang litrato na hawak ko hanggang sa magkahiwalay na si Denise at ang kasama niya sa litrato. Binalik ko sa bag ang litrato ni Denise at pinagpatuloy na tignan ang litrato ng kasama niya. Walang nakalagay na pangalan sa sulat. Hindi pamilyar ang mukha niya ngunit ito ang klase na mukha na hindi mo makakalimutan. Ang mata, ngiti---ang buo niyang mukha'y napakaganda.

"Ibaba nyo na ako rito ... Mama." Nanlaki ang mga mata niya sa huling salitang binanggit ko.  Napayuko naman sa ako hiya. "May pupuntahan lang po ako. Uuwi rin ako mamaya." Muli ay nagbago ang ekspresyon sa mukha niya ngunit kasiyahan na ang nakita ko. Isang matamis na ngiti kasabay ng pagtango niya.

Medyo nahiya ako sa ginawa ko ngunit aaminin ko, gumaan ang pakiramdam. Hanggang sa hindi ko na alam na napapangiti na pala ako.

Mama, isang salitang napakasarap bigkasin.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon