C30: Promises

182K 4.1K 1.5K
                                    




BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1)   Wag magbasa sa comment section.

2)   Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sapagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wagspoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

---

Andy's POV

"Andy."

Narinig ko ang isang pamilyar na boses. Tinignan ko muli kung nasaan ako ngunit sadyang napakadilim sa kinalalagyan ko. Hanggang sa may nakita akong liwanag sa dulo kasabay ng pagtawag muli sa pangalan ko.

Tinahak ko ang daan papunta sa liwanag na yon.

Kitang-kita ko si Freya habang nakaupo siya sa swing sa playground ng campus. Tama, nanyari na to dati. Nasa harapan ko muli ang nakangiting Freya. Ang Freya na punong-puno ng pag-asa at kasiyahan.

Alam kong panaginip lang ang nanyayari ngayon at ayos lang kung hindi na ako muling magising pa.

Umupo lang ako sa bench na katapat ng kinauupuan niya habang pinagmamasdan siyang tumugtog ng flute. Nakakakalma ang pagtugtog niya. Ito talaga ang pinakapaborito kong tunog. Mas madalas tumutugtog siya kapag mag-isa lamang siya pero ito ang unang beses na tumugtog siya na may nanonood sa kanya.

Sa pagkakataong ito ay lumapit na ko sa katabing swing at umupo doon. Kita ko lang na tinitignan niya ako habang tumutugtog siya. Pumikit ako habang pinapakinggan ang ang pagtugtog ni Freya. Kakaiba. Kahit alam kong nananaginip ako'y parang may yumayakap sa akin sa bawat notang naririnig ko. Nararamdaman ko muli ang pakiramdam na kasama si Freya ... panatag ang loob ko.

Nang dumilat ako ay nasa harap ko si Freya. Nakangiti siya sa akin habang nakaupo sa damuhan.

"Bakit ganun? Kahit napakapikit ka ... ang gwapo gwapo mo pa rin."

Napangiti ako sa narinig kong sinabi ni Freya. Ngunit ilang segundo na ang nakaraan pero di pa rin siya nagsasalita. Gusto ko sanang sabihin ang lahat lahat ng hindi ko nasabi sa kanya dati ngunit ayaw bumuka ng bibig ko. Tinititigan lang niya ako gamit ang mga nangungusap niyang mga mata.

Nagsusumamo.

Naghihintay na magsalita ako.

"Salamat, Andy. Salamat sa lahat."

"Salamat sa pagtatanggol sa akin sa tuwing kailangan ko ng tulong mo. Salamat sa magandang pakikitungo sa akin. Salamat sa pagiging mabuting kaibigan at salamat sa patuloy na paniniwala sa akin. Hinding-hindi kita makakalimutan kahit hanggang kamatayan man," napayuko siya habang may tinitignan na maliit bagay sa mga kamay niya. "Sana wag na wag mo akong kakalimutan Andy." Medyo nababasag ang boses niya pero agad naman niyang naialis yon para hindi ko mahalata.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Inilagay niya ang mga kamay niya sa leeg ko. Nginitian ko siya at kinuha ang mga kamay niya upang hawakan ko. Hinalikan ko ang dalawang kamay na yon at niyakap siya.

Freya ... hindi kita makakalimutan. Pangako ko sayo, hanggang kamatayan man.

Umalis siya sa pagkakayakap ko at may inaabot sa aking isang singsing. Binigay niya yon na may malaking ngiti sa kanyang mga labi.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon