C47: The vengeful one

Start from the beginning
                                    

"Magche-check lang ng attendance." Sabi niya sa buong klase.

"Bakit natahimik ka diyan?" Tanong sa akin ni Andy. Umiling lang ako sa kanya upang masabi na hindi naman importante ang pagkatahimik ko.

Natapos ang pagche-check ng attendance at nakisama ang lahat.

Balitang-balita na rin sa buong Academy ang pagbabago ng Class 3-C. Maraming natuwa, marami rin namang may inisip pang mas masama. Pero kung ako ang tatanungin nila, nagbago na nga ang Class 3-C. Kaunti na lang at magiging maayos na ang lahat.

Tumingin lang ako kay Summer nang dumaan siya sa harapan ko upang umupo sa upuan niya na nasa likuran ko lang. Kahit nakatalikod ako, alam kong nakatingin siya sa akin. Umalis na rin si Andy upang bumalik sa upuan niya.

"Denise." Pagtawag ni Summer sa pangalan ko.

Lumingon ko sa kanya.

"Anong pakiramdam ng bigyan ng puting rosas?" Napakunot ako ng noo nang narinig ko ang tanong niya.

Muli kong naalala ang lahat. Nakaramdam muli ako ng kirot ngunit agad ko naman itong inalis sa pag-iisip ko.

Tapos na ang lahat.

"Masakit." Tangi kong sinabi.

Tumahimik siya ng ilang sandali at yumuko ngunit kita ko ang pagngiti niya habang nakayuko siya. Tinignan niya muna ako bago magsalita.

"Yan palang ang nararanasan mo." Napakurap ako ng ilang beses dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya.

Anong ibig niyang sabihin?

"Kawawa ka talaga Denise." Muli niyang sinabi bago tumingin sa bintana kung san nasa kaliwa lamang niya.

Hindi na siya muling nagsalita pa bagkus ay kinuha niya ang earphones niya sa bag at sinuksok ito sa magkabila niyang tainga.

Natapos ang klase at hanggang ngayon ay di ako pinapatahimik ng mga sinabi ni Summer kanina. Ngunit nawala ang mga iniisip ko nang nakita ko si Nichole na nakaupo sa may bench malapit sa covered court. Nagtaka siya nang agad akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya.

Kaunti na lamang at halos mabibilang ko sa mga kamay ko ang tao sa paligid. Tinignan ko siya nang deretso sa mga mata.

"Bakit Denise?" Tanong niya ngunit imbis na sumagot ay kinuha ko ang kamay niya kung saan nakasuot ang relo niya. Pero bago ko pa man maihubad ang relo ay agad niyang natanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Ano ba?!" Sigaw niya sa akin.

"Alam ko na Nichole. Isa ka sa kanila! Kasama mo sila Vince at kung sino man ang Akira na yan. Huwag mo nang itanggi. Nichole, isa ka sa kanila di'ba?" Tuloy-tuloy kong sinabi sa kanya. Ngunit ngumisi siya. Ang tila ba anghel at napakabait na tao kanina ay biglang nawala. Sa pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya ay nagsitaasan ang mga balahibo sa katawan ko.

"Paano kung sabihin kong, 'Oo, isa ako sa kanila?' Anong magagawa mo?"

Biglang napalitan ng kaba ang tapang na nasa loob ko kanina.

"Wala diba? Maari kitang patayin kahit anong oras. Dapat nga matagal ka nang patay. Swerte ka lang talaga." Tumayo siya at pumuwesto sa harapan ko. "Denise. Denise. Denise." Paulit-ulit niyang pagsabi ng pangalan ko. "Wala ka pa talagang alam."

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang pinapanood ko siyang umalis palayo sa akin.

"Maari kitang patayin kahit anong oras..."

Ngayong kilala ko na ang isa sa kanila, hanggang dun lang pala ang magagawa ko. Isumbong ko man, sabihin ko man sa mga pulis. Wala pa rin akong sapat na ebidensiya. Tama si Nichole, wala pa rin akong magagawa. Wala pa rin akong laban sa kanya.

Class 3-C Has A Secret | completedWhere stories live. Discover now