epilogue

13.9K 382 33
                                    

HAY SAWAKAS NAPATULOG KO DIN ANG tatlong itlog ko.

Nakakapagod palang maging nanay. Buti nalang kasama namin sa bahay ang mother-in-law ko. Naku baka mag-ala Selena ako bigla kung ako lang mag-isang mag-aasikaso sa mga itlog ko.

Ang lilikot pa naman nila at nakakagapang na sila.

Sila Kade, Kaden, Kadeem. Ayaw kasi ni Kyle ng B1, B2, B3, na ipinangalan ko sa kanila kanya nag-isip ako ng madaling tandaan na pangalan nila. Sa dami na kasi ng laman ng utak ko ayoko ng pahirapan pa lalo sa pagtanda ng mahabang pangalan ng mga anak namin.

Muli sinulyapan ko sila na natutulog ng mahimbing sa mga crib nila. Bago ako naupo sa may harap ng computer ko.

"Hay namimiss na kita Core"kausap ko sa computer sa harapan ko.

Nagdedevelop ako ngayon ng bagong software. Ito ang raket ko ngayon, ang gumawa ng software para sa mga bangko. Software na may anti hack and anti web snatcher. Maliit ang kita pero okay na din pambili ng diaper at gatas noong tatlong itlog ko.

Lahat ng kinita ko bilang si Cinco noon ipinamahagi ko sa mga bahay ampunan o sa mga institute na kailangan ng pondo para sa mahihirap. Ang iba naman naman ibinigay ko kay Lucille para may pangsimula ang bata habang lumalaki siya. Nasa Japan ito ngayon, doon siya itinago ni Viper simula ng ipinagbuntis niya si Lucille hanggang sa kasalukuyan.

Wala akong magawa habang hinihintay ang mahal Kong asawa. Bumalik na siya sa pagiging pulis niya, pero dahil tatlo agad ang initlog ko may side line din siyang cafe na binigay sa kanya ni Papa Marco. Tapos dito kami sa bahay ng parents niya nakatira para may kasama akong mag alaga sa tatlong itlog namin na ang lilikot.

"My secret file?"takang basa ko sa folder na na-browse ko habang tinitignan ang mga file na na-restore ko galing kay Core.

Hindi ko na matandaan kung ano ang laman ng folder na ito. Tinignan ko ang date kung kailan ko ginawa, at sobrang tagal na nga kanya hindi ko na maalala pa.

Binuksan ko and folder at isang video clip ang nakita Kong laman.

Napangiti nalang ako, alam ko na ang video na ito.

It's the video of my one night lost party. This is the day that I learned that my parents was actually killed by Lacano. That they are still alive after the accident we had but unfortunately Lacano do some nasty things to them so that they'll died eventually.

And the same day I lost my virginity because I was too drunk that night. I just want to forget what I have learned but things went wrong.

I played the video and I watch it.

It's a CCTV footage from the Bar I went thru. Hinack ko ang control room nila para lang dito. Kailangan Kong makilala ang lalaking nakakuha ng kainosentihan ko ng gabing iyon.

Sa sobrang lasing ko kasi hindi ko na alam ang mga nangyari ng gabi iyon. Basta paggising ko nalang ng umaga wala na ang virginity ko. And worst wala na din ang lalaking kumuha noon.

But this video never help me at all kaso malabo dahil hindi pa naman ganoon ka-high tech ang CCTV cameras noong araw. Even I enhance the video malabo dala na din sa madilim sa lugar. I can just see a silhouette of me and the man I end up that night.

"Baby, what are you doing?"dumating na pala ang asawa ko.

Paglingon ko nasa likuran ko na siya, he kissed me on my head tapos naglakad siya palapit sa mga crib ng tatlong itlog namin. Sinilio lang niya ang tatlo at hinaplos sa noo tapos bumalik siya sa likuran ko habang nagtatanggal ng uniform niya.

"Ano iyang pinapanood mo?"tanong niya ulit.

"Wala, CCTV footage lang ng isang bar"sagot ko.

"Bakit may kuha ka ng CCTV footage ng Prime Bar?"anito na naupo pa sa tabi ko at nakinood.

GENTLEMAN'S QUEEN #9: Scarlet (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz