twenty

8.7K 287 31
                                    

"HAPPY?"tanong sakin ni Papa.

"Ecstatic, Pa"sagot ko naman.

We're all here at the church, where our wedding will happen any minute from now. I'm just waiting for my bride to come, well she's on her way here anyway.

"Dapat lang, because it's you and Scarlet's day"sabi ni Papa habang tinatapik-tapik ako sa balikat ko.

"Pa, sanayin niyo ng Syuzanna ang tawag sa kanya. She choose her real name to be used from now on, not Scarlet"paalala ko sa kanila.

After all the hardship we encounter finally eto na kami ikakasal na.

Masasabi kong mabilis, because wala pa kaming isang taon na magkakilala talaga but the case is matagal na kaming magkakilala thru her crime.

Natatawa nalang ako kapag iniisip kong dapat hinuhuli ko siya at ikukulong. Pero eto at pakakasalan ko siya at ikukulong nga pero sa nga bisig ko lang.

Cheesy damn it.

"Dapat kasi after nalang manganak ni Syuzanna ang kasal anak"nag-aalalang turan naman ni Mama.

"Ma, sinabi ko na din iyan sa kanya pero hindi siya nagpapigil. Isa pa alam niyo naman na tinutukan ako ng kutsilyo ng kapatid niya"natatawa kong sagot sa mama ko.

Well yeah nangyari iyon, after ng cremation nila Viper at Luciano bigla nalang nagwala si Selena at tinutukan niya ako ng kutsilyo sa leeg ko. Binulong niya sakin na pakasalan ko daw ang kapatid niya bago manganak si Syuzanna.

"Hay,  tapos wala naman siya dito ngayon"reklamo ng mama ko.

After kasi noon biglang naglahong parang bula si Selena. Walang nakakaalam kung nasaan siya at hindi malalaman basta basta ni Syuzanna kung nasaan ang kapatid niya dahil wala siyang magamit na system para mahanap ang kapatid niya.

"The bride is here!"sigaw ng wedding organizer namin.

Lahat kami nagsipwesto na, the entourage begin to walk hanggang ang bride ko nalang ang naiwan sa labas.

Kinakabahan ako pero at the same time natutuwa.

"Smile Kyle, para kang mamamatay na ang putla ng mukha mo. Hindi makakatakbo ang mapapangasawa mo ang laki ng bola sa tyan"biro ni Adam ang best man ko.

Si Ismael sana kaso nauna na nga kasing magpakasal sakin iyon noon pa. At kakapanganak lang din ng asawa niya so wala sila ngayon dito dahil dalawang araw palang na nakapanganak si Althea.

"Yeah, pero kinakabahan ako"bulong ko.

"Wag ka ngang kabahan, kung magbabago man isip ni Su.. Syu.. Ah basta iyong mapapangasawa mo hindi ko mabanggit ang pangalan niya. Hindi makakatakbo palabas ng simbahan iyon. Ang bigat ba naman ng dinadala niya"bulong din ni Adam sakin.

Sasagot pa sana ako kaso bumukas na ang pinto at nakita ko na ang babaeng pinakamamahal ko sa lahat. Dahan dahan siyang naglakad papasok ng simbahan.

Nakasapo siya sa malaki niyang tyan. Hirap na din siyang maglakad because of her big tummy. She's eight months pregnant and maybe two weeks from now manganak na siya.

Natagalan kami sa pag-aayos ng kasal namin dahil sa dami ng pangalan niya, lahat nakarehistro. Ang Una sanang naming gagamitin na pangalan niya iyong Sakichi Yoon pero nagbago ang isip niya one week bago ang unang date ng kasal namin sana. Pinabago niya ng Syuzanna Vasiliev. Pinarehistro pa namin ang pangalan niya mula sa Russia. Doon kami natagalan sa paghihintay ng papel niya.

"Para na siyang puputok"bulong na naman ni Adam sakin.

"Tsk!"

By the way, my Syuzanna she's pregnant not just a baby but babies. Not twins but triplets, aren't we're so lucky.

GENTLEMAN'S QUEEN #9: Scarlet (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt