I Love You, Good Bye

Start from the beginning
                                    

                “Haha. Ikaw e nakalimutan mo na ako.”

                NOONG Ika-7 ng Marso nagsimula ang lahat.

                Noong unang araw pa lang na nagkausap na tayo sa chat, ang dami na kaagad nating mga napag-usapan. Tungkol sa mga sinusulat din naman natin sa Wattpad. Ang saya rin pala ng ganitong feeling, may ka-opposite gender ka na makakausap mo tungkol sa kinahihiligan mo.

                Nagkakilanlan na tayo sa isa’t-isa. Sinubukan kong tanungin kung ilang taon ka na, pero ang sagot mo ay 15 lang. Bigla mong babawiin, biglang naging 12. Nakakaloko, kaya hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mong mga edad sa akin. Pumunta pa ako sa wall mo para tignan ang hitsura mo kung talagang ganun lang talaga ang edad mo, pero wala, hanggang ngayon ang mga litratong ina-upload mo dun ay palaging hindi kita ang kabuuan ng buong mukha mo. Minsan ilong lang, minsan naman bibig lang. Kadalasan puro likod! Kaya naisip ko ba kung talikod-genic ka ba, pa-shy type ka ba pagdating sa kamera, o talagang pangit ka kaya ganun na lang niya kung itago mo ang hitsura mo.

                Alam kong hindi mo rin 'yun real account. Kumbaga, pang-Wattpad friends mo lang 'yun hindi ba? Ang mga kaibigan mo lang dun ay karamihan kaibigan mo rin sa Wattpad.

                Hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong hindi ka istalk. Dahil bukod sa curious ako sa 'yo, ngayon lang din ako nagkaroon ng kaibigang lalaki na nagsusulat sa Wattpad.

March 17, 2014

                Nag-uusap ulit tayo ngayon sa chat. Ngayon ka na lang ulit kasi nakapagreply after 10 days. Tinanong mo sa akin kung bakit Tulay ang user name ko, inexplain ko naman 'yun sa sa 'yo.

                “Ate Arianne twag ko sayo hahaha”

                “shoot! may ate pa? tapos Arianne pa? kuya Finn naman! hahahahaha.” Pagkareply ko sa 'yo nun, nag-offline ka naman. Medyo nainis na naman ako, dahil ganyan ka naman lagi, “oplaynlord!” dagdag ko pa.

                Maya maya lang… “Hahahah! ATE ARIANNE!!! :)))))”Hindi na alintana sa akin kung nag-offline ka nang biglaan kanina, dahil diyan pa lang sa pagtawag mo sa pangalan ko… Iba na kaagad ang naramdaman ko.

                “ano kuya Finn na oplaynlord?! :3”

 

                NAGSIMULA na ulit tayong mag-asaran tungkol sa offline-offline na 'yan. Kahit na alam kong walang sense ang pinag-uusapan natin, natutuwa pa rin ako 'pag kachat kita. Iba 'yung saya na nararamdaman ko 'pag talagang kachat kita.

                Kadalasan, nag-aasaran pa tayo kung sino ang madalas mang-seen. Minsan kasi’y naseseen kita, kadalasan naman, ikaw pero nagrereply ka naman pagkaraan nga lang ng ilang mga minuto.

                Napag-usapan din natin ang tungkol sa isang writer na nakaaway ko dati, na kaibigan mo pala siya ngayon. Medyo nahiya pa akong ikuwento sa 'yo kung paano kami nag-away dati nun kasi kaibigan mo nga siya, pero dahil magaling ka… Napapilit mo ako. Nabuo na kasi kaagad ang tiwala ko sa 'yo. Para bang, hindi ka na basta-basta pa para sa akin. Napagkakatiwalaan na rin talaga kita. Napagkamalan mo pa nga akong isa sa mga fan girls nung writer na 'yun.

March 18, 2014

                “Weh? Ganda ganda mo tapos tboom ka hahaha” Sinasabi ko kasi na imposibleng maging isa ako sa mga fan girls ng kaibigan mo ngang writer na nakaaway ko, dahil tibo ako. Kahit na ang kalahati sa puso ko ay may pagkalalaki, para bang biglang kumulot ang mga buhok ko sa sinabi mo at naconscious ako sa hitsura ko ngayon.

A Letter For You, Kuya Finn (Presleyw)Where stories live. Discover now