I Love You, Good Bye

418 14 11
                                    

                NAGUGULUHAN ako sa nararamdaman ko ngayon… May mga panahon kasing namimiss kita pero alam ko namang hindi mo rin ako namimiss. Natatawa na lang ako minsan sa sarili ko, sino nga ba ako para mamiss ng isang tulad mo?

                Iniiwasan kitang itext o ichat. Kasi alam kong nakukulitan ka na talaga sa akin. Na pag nasimulan 'yung pagtetext nating dalawa, alam mong ako na itong dadaldal. Ako na itong gagawa ng paraan para may mapuntahan 'yung mga conversations natin. Mapapansin mo naman 'yun, dahil sa bawat reply mo sa akin, nagtatanong muli ako ng panibago at nagsasabi ako ng iba’t-ibang pampaganang texts sa 'yo, para ganahan ka talagang reply-an ako.

                Alam mo kung paano ko nahahalatang nakukulitan ka na sa akin? Simple lang…

                Palagi kang mabagal magreply. 'Eto na nga lang ang communication natin dahil hindi ka naman nag-oonline (o hindi lang talaga kita naaabutang online?) hindi mo man lang bigyang halaga. Malakas ang loob kong sabihin sa 'yo ito ngayon, dahil alam ko kasi ako 'yung nakakaramdam. Nararamdaman ko, nirereply-an mo lang ako pag talagang bored ka lang. Nothing more, nothing less.

                Naalala ko pa dati, hindi ka naman ganyan eh. Alam mo ba kung paaano ka dati sa akin? Alam mo ba kung paano nagsimula ang lahat? Sige, sisimulan ko kung paano nga ba tayo nagsimula dati…

**

March 7, 2014

                “Hi! Naalala mo pa ako? Haha. Baka hindi na, pero congrats pala sa book mo. :) Galing. (y)”Habang nagfafacebook ako, may biglang nagpopped out sa chat ko. At first, akala ko isa ka lang sa mga reader ko na nagcocongratulate sa 'kin, kasi that time, lumabas na ang first part ng libro ko.

                “sa name mo, hindi kita matandaan. TT.TT btw, pwedeng magpakilala ka kung sino ka? hahaha. sorry talaga ah. thank you. ^^,)” I replied. Medyo naaawkward-an ako sa ‘yo, kasi lalaki ka. Bilang lang sa daliri ko yata ang mga lalaki kong readers, pero ikaw, hindi ko talaga matandaan kung sino ka talaga.

                “Matagal na kase yun e. Hindi ko alam kung anong gamit kong UN nun. Batman01909 o Finnnn o BatmanFinnn ewan. Haha! Okay lang yun, natutuwa lang kase ako na nagkabook ka na. :)”Sa pag-isa isa mo pa lang ng mga ginamit mong user names dati, parang alam ko na kung sino ka…

                “ayy teka. familiar 'yung sa BatmanFinnn mo. haha. oo, naalala pala kita! ^u^) anong name mo sa Watty? fafollow kita! :))” Nagreply kaagad ako sa 'yo. Dahil dun pa lang sa sinabi mo sa akin, para bang biglang tumalon ang puso ko. Naalala kita, ikaw 'yung kinukulit kong author dati. Crush kasi kita dati, hindi mo rin naman alam 'yun. Para bang, lagi kitang kinakausap lalo na 'pag online ka sa chat ng Wattpad nun. Meebo pa yata 'yun eh.

                “Talaga? Naks naman! Hahaha. Presleyw na. Haha
                Alala ko pa nung ikaw si Tulaybridge. Haha :)”
Napangiti ako sa sinabi mo. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kalakas ang impact mo sa akin. Marahil siguro kasi, naalala mo pa ang dati kong user name.

                “hahaha. oo nga. hala. nakakatuwa, naalala mo pa ako. ^_______^”

                “Hindi naman kita nalimutan. Haha”

                Pinuntahan ko muna saglit ang Wattpad  profile mo, at c-in-lick ko na ang Follow, “ayan okay na. haha. thank you sa hindi pagkalimot sa akin. XD”

A Letter For You, Kuya Finn (Presleyw)Where stories live. Discover now