SECRET FOUR: Ralph & Zach Are Missing (Nawawala Si Ralph At Zach)

157 7 0
                                    

BRETT

I was drinking my hot coffee when my phone rang. I read the SMS I received. It was from Daniel.

From: Daniel 

Babe, napadaan ba diyan si Ralph?

To: Daniel

Babe, wala eh. I love you. Pwede mo ba akong tawagan? Namimiss na kita eh, please?

Yes, inaamin ko may relasyon kami ni Daniel. Relasyon na kaming dalawa lang ang may alam, ni mga kaibigan namin hindi din nila alam. Nagconfess sa akin si Daniel noon na mahal niya daw ako, ganun din ang ginawa ko, nagconfess din ako sa kanya na mahal ko siya. We're not gay or what. Bisexual kami. Kami na for 11 months at magwa-one year na sa susunod na araw. Masaya siyang kasama dahil mahal ko siya. Mahal na mahal.

Biglang tumunog ang cellphone na aking hawak at as expected, si Daniel iyon.

"Hello?" Bungad ko sa kanya.

"Hi babes," bakas sa kanyang boses ang pagkalungkot.

"Bakit ka malungkot? May problema ba?"

Narinig kong bumuntong-hininga siya sa kabilang linya bago nagsalita.

"Si Ralph kasi."

"Ba't si Ralph?"

"Matagal na siyang wala."

"Sus! Bakit parang nag-aalala ka masyado sa kanya? Nakakaselos naman. Baka naman nag-out of town lang 'yun. Tsk."

"Babes, huwag kang magselos. Ikaw lang naman mahal ko eh. Siyempre, ilang araw na natin siyang hindi nakikita simula nung nag-inuman tayo sa kanila. Kinukutuban ako eh, pero sana itong kutob na ito mali."

"Kinukutuban?"

"Oo. Pero teka, para more on pangitain."

"Manghuhula ka na?"

"Hindi."

"Ano ngay?"

"This past few days bago tayo huling nag-inuman, lagi na lang akong may napapanaginipan."

"Napapanaginipan? Huwag mo na kasing bitinin."

"I think Z-Zelena is alive. At bumalik siya para maghiganti sa ating anim."

"No way! Babes, she's dead already. Pa'no siya mabubuhay?"

"Sana nga."

"Hindi na siya babalik. She's dead. Itaga mo pa sa bato."

"Pero Brett, nakokonsensya na ako. Para akong minumulto ng nakaraan. Brett, natatakot ako."

"Babes, kailangan mo ba ng kasama? Pwede kitang samahan."

"Oo. Samahan mo naman ako dito sa condo. Natatakot talaga ako. Hindi ko na alam anong nangyayari. Hihintayin kita. Bye."

"Bye. Wait for me okay?"

"I will."

Then, pinatayan na niya ako ng phone.

Tumakbo na ako sa aking kwarto. Naligo at nagbihis na ako saka dumiretso na kina Daniel.

ZACH

"Zach, gusto mo na bang kumain?" Tanong sa akin ni Zelena.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Zelena's Secret #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon