SECRET THREE: One by One (Isa-isa)

130 6 0
                                    

ZACH

"MEET me in the usual spot." 

Mahinang basa ko sa text message na aking natanggap.

Galing ang text message na ito kay Kylie, ang aking pinakamamahal na nobya.

Bakit gusto niyang magkita kami? Ah, siguro kasi may problema siya.

Agad akong naligo at nagbihis at pumunta sa usual spot. Ang usual spot na iyon ay ang lugar kung saan kami unang nagkita at nagkakilala. Ito ang lugar na napakaimportante sa aming dalawa.

Pagkadating ko, tumingin ako sa aking paligid ngunit parang napakatahimik. Bakit ang tahimik dito? Atsaka, nasaan si Kylie? 

"Kylie," tawag ko sa kanyang paligid ngunit walang sumagot.

Sa katahimikan ng lugar may narinig akong kaluskos.

Tumingin ako sa aking likuran ngunit walang tao. Sino naman kaya iyon?

"Z-Zach?" 

Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses. Ganoon na lang ang pagkabigla ko nang makita ko si Kylie na umiiyak at nanginginig. Bakas sa kanyang mukha ang pagkatakot. Punit-punit ang kanyang damit, napakadumi niya. At higit sa lahat, may mangilan-ngilan siyang sugat sa buong katawan.

Nilapitan ko siya at niyakap. Niyakap niya din ako. Agad akong kumalas sa kanyang yakap at tinitigan siya, diretso sa mata.

"Sino ang gumawa niyan sa'yo? Sino?"

Umiyak lang siya at hindi nagsalita. Muli ko siyang niyakap bago magsalita.

"Kung sino man ang gumawa niyan sa iyo, lagot siya sa batas. Ipapahuli ko kung sino man ang gumawa niyan. Tumahan ka na Kylie, magbabayad ang gumawa niyan sa'yo."

"HAHAHA!"

Mula sa katahimikan, biglang may humalakhak. Halakhak na parang binubunot pa sa ilalim ng lupa.

"ZACH!"

May biglang lumapit kay Kylie at hinila siya palayo sa akin.

"Kumusta Zach?" Tanong ng nakaitim na babae. 

Hindi ko masilayan ang kanyang mukha sapagkat nakasuot ito ng hood. Mula sa kanyang bulsa, naglabas siya ng isang bagay na nagniningning. Isang kutsilyo. 

Itinapat niya ito sa leeg ni Kylie at dahan-dahang ibinaba ang suot niyang hood.

Parang tubig na naging yelo ang aking katawan.

"Ze-zelena?"

Nagbitiw muna siya ng ngiti bago siya nagsalita, "Ako nga. Namiss mo ba ako?"

"PATAY KA NA!" Sigaw ko.

"Buhay ako! At ito ang tamang panahon para maningil. Bawat sakit, buhay ang kapalit."

"PINATAY KA NA NAMIN! Patay ka na!"

"Sige! Lakasan mo pa nang marinig naman nitong girlfriend mo! Isigaw mo na, nirape niyo ako. At nagpakasasa kayo sa katawan ko! Sabihin mo!"

"Oo! Inaamin ko! Please Zelena, bitawan mo siya."

"TUMIGIL NA KAYO!" Sigaw ni Kylie.

"Totoo ba?! Totoo ba ang sinasabi ng babaeng ito!?"

"Totoo lahat ng narinig mo. Kaya, huwag ka ng magtanong." Sagot sa kanya ni Zelena.

"Kylie. Sorry, sorry."

"Sorry?! 'Yun la--"

"Itigil niyo na 'yang drama niyo. Alam niyo? Para mas memorable ang lugar na ito? Let's make some twist."

Zelena's Secret #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon