SECRET ONE: Ghost Of The Past (Multo ng Nakaraan)

185 7 2
                                    

Chapter One : Ghost Of The Past (Multo ng Nakaraan)

Ralph

"Pare, 'kaw na!" Tinapik ako ni George sa balikat hudyat na ako na ang iinom ng alak.

Kinuha  ko ang shotting glass at ininom ang laman niyon. Hindi na ako nag-abalang uminom ng chaser upang mas madama ko ang tama ng alak na iniinom namin.

"Teka nga pare, asan na pala 'yong Zelena na kasa-kasama niyo noon? 'Yong maganda at sexy?"

Napatingin ako sa nagsalita, si Dominic. Alam naman niya ang nangyari, pero ba't ganyan ang tanong niya. Biglang nagbago ang mood ko at parang biglang kinabahan.

Nag-iba kasi ang aking pakiramdam.

"Pare, dyi-jingel lang ako." Pagpapaalam ko at dumiretso sa CR.

Kung pwede lang, ayaw ko nang hungkatin pa ang isyu na 'yon. Nakaraan na iyon, dapat na itong ibaon sa hukay. Pero, bakit parang hindi ko kaya?

Tumingin ako sa salamin ng CR at sinuntok iyon. Nabasag ito at dumugo ang aking kamao. Umiyak ako, ngayon kasi ay nakokonsensiya ako sa nagawa ko kay Zelena noon. "Pero Ralph! Patay na siya! 'Di na 'yun magbabalik!" Sambit ko sa sarili.

Hinugasan ko ang kamay ko at nahagip ng mata ko ang isang kapirasong papel na nakadikit malapit sa lababo.

"Pumunta ka sa rooftop nang kabilang building katapat ng condo mo mamayang 7PM. Maghihintay ako sa pagdating mo," mahinang pagbasa ko sa nakasulat.

Sumilip ako sa malaking bintana ng CR at tumingin sa rooftop ng kabilang building.

Ganoon na lang ang pagkagulat ko nang makita ko siya sa rooftop at nakangiti sa akin.

"Ze-zelena?" Gulat na sabi ko.

Pinikit ko ang aking mata at muli 'yung minulat, sa pagmulat nito walang Zelena ang  bumungad sa akin.

Ilusyon ko lang 'yon. Ilusyon ko lang.

Bumalik ako sa pinag-iinuman namin at inabot ang shotting glass na may laman. Ilusyon ko lang ito. Walang Zelena. Patay na siya. Patay na.

"Pare, okay ka lang?" Pagtatanong ni Zach.

"N-nakita ko si Ze-zelena." Natataranta kong sambit sa kanilang lima.

Napatigil silang lahat at napatingin sa akin. Habang ako ay napasabunot sa aking sarili.

Bakas sa mukha nila ang pagkatakot.

Silang lima kasama ako. Sila Breit, George, Zach, Dominic, Daniel at ako si Ralph ay mistulang mga tanga na napatigil ang mundo.

"Are you joking?" Maangas na tanong ni Breit.

"What a good joker." Sabat naman ni Dominic.

"Pinatay na natin siya diba? Binigyan pa nga natin siya ng libreng libing eh." Napatawa naman ng bahagya si George.

"Seryoso ako!" Napasigaw ako out of frustration.

"Lasing ka lang pare!" Sabi ni Zach.

"Hindi ako lasing!" Umiling pa ako.

"Uminom ka na lang." At inabutan ako ni Daniel nang isang punong shotting glass.

Kinuha ko iyon at uminom na lang.

Mabilis na dumaan ang oras at 6PM na. Isang oras na lang at 7PM na. Nagpaalam na kanina sa akin sina George, Zach, at Dominic. Ngayon, tatlo nalang kaming naiwan. Si Breit, Daniel at ako na lang ang umiinom.

"Pare, pwedeng makitulog dito?" Pagtatanong ni Daniel.

"Oo nga, hindi ko na kayang umuwi." Dagdag pa ni Breit.

"Sige." Tugon ko na lang.

Mas lumipas pa ang oras at 7PM na. Ang dalawa namang kasama ko ay nakatulog na kaya pumunta na ako sa rooftop sa kabilang building.

"HOY NASAAN KA!" Sigaw ko pagkatapak na pagkatapak ng paa ko sa konkretong lapag.

Pero walang sumagot.

"AKO BA PINAGLOLOLOKO M--?"

'Di ko na natuloy ang pagsasalita ko sapagkat mula sa aking likuran ay may humampas sa akin.

Bumagsak ako sa lapag at bago pumikit ang dalawa kong mata, nakita ko kung sino ang gumawa niyon. Si Zelena.

Zelena's Secret #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon