SECRET TWO : We Meet Again Ralph (Muli Tayong Nagkita Ralph)

164 8 3
                                    

Ralph

Naalimpungatan ako sa kalansing ng mga bakal na aking narinig.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at unti-unting nakita ang liwanag na nagmumula sa mga butas ng gula-gulanit na pader.

Ramdam ko ang sakit na nagmumula sa aking paa at kamay. Tinignan ko ang mga ito. Ngayon, nakapako ako sa isang tuwid na kahoy.

"Tulungan niyo ako!" Sigaw ko. Sino ba ang gumawa ng kahayupan na ito?

Lumipas ang ilang sandali at may narinig akong mga hakbang papalapit sa akin.

"Hello Ralph," sambit nito sa akin.

Ang boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Si-si Zelena.

Mula sa dilim ay lumabas siya. Tama ako, si Zelena nga ito.

"Z-Zelena?" Utal-utal na sambit ko sa kanyang pangalan.

Dahan-dahan siyang lumapit at sinakal ako nang napakahigpit.

"Kumusta Ralph?" Pinanlisikan niya ako ng mata saka siya ngumiti nang nakakatakot.

"Bi-bitawan mo ako," sambit ko.

"Kapag nawalan ka ng malay, saka lang ako titigil."

Ang mga ngiti niya ay nakakakilabot. Bakas sa kanyang mukha ang matinding galit. Napapikit ako at napaluha.

Siguro nga, ito na ang katapusan ko.

Sa pagpikit ko, bumitaw siya sa pagkakasakal sa akin at bigla siyang tumawa.

"Kung nakikita mo lang ang itsura mo ngayon na natatakot. Nakakatawa kaya. Pero, hindi muna kita papatayin. Gusto ko munang makita na mahirapan ka." Makahulugang sabi niya.

"PATAYIN MO NA AKO!" Sigaw ko sa kanya.

Bakit niya pa dadahan-dahanin kung doon din lang ang kakahinatnan ko?

"Huwag ka magmadali. Dadating din tayo sa katapusan mo. Pero bago 'yon, unahin muna natin 'yong iba."

Tumungo siya sa isang sulok at kumuha ng mahabang tubong bakal.

Pagkatapos niyon lumapit siyang mulisa akin.

"May naaalala ka ba sa tubong ito?"

Itinutok niya ang hawak niyang tubo sa aking maselang parte. Ang aking pagkalalaki. Napalunok ako sa ginawa niya. Ano ang balak niyang gawain?

"Wala akong maalala!" Tanggi ko.

"Wala nga ba talaga?"

"Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo?" Nginitian niya ako ng nakakasindak.

Pumunta siya sa aking likuran at agaran niyang ibinaba ang boxer shorts na suot-suot ko.

"Tss."Rinig kong galing sa kanya.

Napasigaw ako sa ginawa ni Zelena. Hinataw niya ang aking pwetan. Napakasakit. Sobrang sakit.

"Huwag ka mag-alala, masakit lang itong gagawin ko sa una pero tiyak kong habang tumatagal masisiyahan ka."

"Tama na Zelena." Daing ko.

Mula sa likuran ko, narinig ko ang pagpatak ng likido na ibinuhos ni Zelena. Naamoy ko din 'yun. Isa itong, gasolina.

Naramdaman kong hinawakan niya ang pwetan ko at may ipinasok sa aking loob.

"AAAHHH! MASAKIT ZELENA! TAMA NA!"

"Kutsilyo palang 'yan. Maliit pa lang 'yan. Hindi pa malaki. Alam kong mas masarap ang susunod na ipapasok ko sa'yo!"

"DEMONYO KA ZELENA!" Sigaw ko saka nagpupumiglas.

Zelena's Secret #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon