Ang Sikat kong Boyfriend # 6

1.6K 81 22
                                    

A/N: Magpapakaactive na talaga ako. Thank you sa support guys :)


Chapter 6


//


"Bilisan mo naman, ang bagal bagal mo." Pagmamadali sakin ni Clyde.


"FYI ha! Ikaw kaya 'tong maglakad ng nakaheels." Naiiritang sabi ko.


"Sino bang magsabi na magheels ka? Ako ba?" Sabay hinawakan niya ako sa braso at hinatak. Halata talagang mad excited pa siya sa pagpunta sa café kesa sakin.


"Bakit ba kasi nagmamadali ka?" Tanong ko sa kaniya sabay hila ko ng braso ko.


Tumigil siya bigla at inilapit ang bibig niya sa tenga ko, "May sumusunod ata satin."


Naguguluhan ako sa narinig ko kaya naman kumunot bigla ang noo ko na parang magdidikit ang mga kilay ko. "Seryoso?" Yan lang ang nasabi ko at tumango tango naman siya bilang senyales ng pagsang ayon.


Hinila na naman niya ako at ako naman itong naglakad na ng super bilis kasi ang sakit sa paa. Pero bakit naman may susunod samin? Wag niyong sabihin na may mangaabduct na naman sakin dito? Ano sila Aliens? Tsk tsk.


Nang makarating kami sa café, agad agad kaming nakahinga ng malalim at sabay na lang kaming napatawa. "Kilala mo ba sila?" Nagtataka kong tanong.

"Alisha, take care of yourself. Please?" Bakit niya sinasabi ang mga ganitong bagay? Bakit parang naging concern naman siya ngayon? May topak ba sa ulo 'tong tao na ito?


"Hindi mo sinasagot ang tanong ko."


"I think that is Christopher Chua. My long time enemy. Paniguradong nakita ka niya and maybe, just maybe, pagkamalan ka niya na girlfriend ko at isa lang ang gagawin niya kung ganon." Ha? Ano daw? Sino? Christopher? Chua?


"Ha? Sino?"


"Christopher Chua a.k.a Chris. Paniguradong dadamoves sayo 'yun kung mapagkamalan ka nga niyang girlfriend ko. Kaya as much as possible ayokong nasa public kami ng mga naging girlfriend ko."


"Chriiiissssssss!" Sigaw ko ng makita kong pumasok sa loob ng café si Chris. Ang high school friend ko slash all time enemy din ni Daniel noon, pero syempre okay na sila ni Daniel ngayon.


"Hey Alisha. What are you doing with him?" Tanong ni Chris sakin.


Tumingin ako kay Clyde at halatang nagulat siya sa mga pangyayari. Nanlalaki kasi talaga ang mga mata niya. Kaya pala familiar yung name na sinasabi niya, tinutukoy pala niya talaga si Chris.


"Obvious ba Chris? Ano bang ginagawa sa café?"


"You haven't change at all Alisha." Sabay tawa niya. "But why are you with this guy? Pinagpalit mo na si Daniel?"


"Noooooo!" Agad na sagot ni Clyde. Ako ang tinatanong diba? Hindi si Clyde pero bakit siya ang sumasagot? Defensive much? Natatawa na lang ako sa mga nangyayari e.


"That's good." Sabi ni Chris sabay ngiti niya ng bongga.


Ganyan ba talaga si Chris? Laging mahilig mang agaw nang girlfriend ng may girlfriend? Pero siguro inagawan din ni Clyde si Chris dati. Kasi ganon din si Chris kay Daniel dati diba? Hay. Ang gulo nila.


Biglang may naalala ako. "Hoy Clyde! 'Yung ikwekwento mo, kinalimutan mo na."


"Eto kasing lalakeng 'to. Dumating dating pa." Paninisi niya kay Chris.


"Dali na ikwento mo na." Pangungulit ko.


"Pwede ko din bang malaman?" Tanong ni Chris habang dahan dahan siyang umuupo sa isa bang seat sa tabi ko.


"Chismoso." Sabay hampas ko sa braso niya. Mahina lang naman.


"Dali na Clyde. Tell me. Please. I'm begging you." Pagmamakaawa ko habang nakikita kong tumatawa tawa lang sa tabi ko si Chris at mukha namang naguguluhan si Clyde na parang natatae siya na ewan sa ginagawa niyang facial expression.


"Kahit na andito 'tong asungot na 'to?" Sabay turo ni Clyde kay Chris.


"Hayaan mo na." Sabi ko sabay lingon ko naman kay Chris. "Ikaw naman, tantanan mo na 'tong si Clyde ha."


"Opo ma'am." Sabay ngumisingisi si Chris.


"Okay na ba Clyde? Tell it to me na kasi. I'm begging you." Pangungulit ko padin.


"Sige na, here goes nothing." Tapos nagsimula na siya magkwento. "Someone has told that Sia and Daniel were old friends but the thing is Sia loves Daniel since the day they met. Ang corny diba?" Napapakunot na lang tuloy ako ng noo na may kasamang paghaba ng nguso sa sobrang inis sa mga naririnig ko.


"Tapos?" Tanong ni Chris.


"Wala na. Ayon lang ang alam ko." Sabay tawa pa ni Clyde. Napakunot lalo ang noo ko. "Akala ko ba may alam ka sa mga nangyayari? Joke time lang pala to? Thanks for telling me nothing!" Medyo napapataas na 'yung boses ko sa inis. Akala ko pa naman madami siyang alam, wala din naman pala.

"That's the reason I ask you to go with me here Alisha. I want to ask you if you can help me make a plan."


"Plano? Ano namang pagplaplanuhan natin? Tsaka bakit ako pa?"


"'Cause your Daniel's girlfriend and you have the right to know what's going on and thats the same with me, I also have the right to know what's happening. I need to know the exact reason why she broke up with me."


"Well, I guess you're right. Sige, tutulungan kita."


"Ang drama niyo naman." Biglang sabi ni Chris. "Tanungin niyo na lang kaya sila."


"Mas maganda na 'to para exciting, para may thrill." sagot ko pero deep inside alam kong natatakot lang akong malaman ang katotohanan. Natatakot lang ako na tanungin si Daniel. Siguro sa paraang 'to hindi agad ako masasaktan masyado kung may itinatago na naman siya. Siguro dahan dahan akong makakapaghanda sa mga bagay na kailangan kong malaman.

Ang Sikat kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon