Ang Sikat kong Boyfriend # 3

2.5K 111 20
                                    

Chapter 3

//

Alas otso ng gabi. 8:00 PM. Nasa kwarto lang ako at nag-iisip ng kung anu-ano.

" Ate Alisha! " sabay katok ni Princess sa aking pinto. Nakakatuwang isipin na lumalaki na si Princess, ang bunso naming kapatid. Lalo din siyang gumaganda. Nagmana kasi kay mommy.

Agad akong tumayo sa kinahihigaan ko at binuksan ang pinto. " Bakit Princess? " tanong ko.

" Si Kuya Daniel, andyan sa baba. " pagkasabing pagkasabi ni Princess na si Daniel ang bisita namin. Biglang kinabahan ako. Naaalala ko na naman kasi yung kanina sa school. Naalala ko na naman yung babaeng linta na yun na kung makakapit kay Daniel, wagas! Tss.

Sumilip ako sa baba para tignan kung totoo nga ang sinasabi ni Princess, baka kasi nantritrip lang itong batang 'to. Pero totoo talaga eh. Totoong andyan nga si Daniel.

" Princess, pakisabi naman masama ang pakiramdam ko. " pagsisinungaling ko para umalis na dito sa bahay si Daniel. Ayoko talaga muna kasi siya makita. Medyo masama padin kasi ang loob ko sa kaniya dahil sa babaeng linta.

" Sige po ate, pahinga ka po ha. " sabay hug sakin ni Princess bago siya bumaba ng hagdan.

Isinara ko ang pinto at bumalik ulit sa aking pagtulog. Ilang sandali lang nakarinig ako ng kakaibang yabag ng paa at sa di inaasahang pagkakataon, isang mainit na yakap.

" Alisha. Masama daw pakiramdam mo? " tanong sa akin ni Daniel.

Nakapikit akong sumagot sa kaniya. " Masama kasi ang loob ko sayo. " sagot ko naman. Nanggagalaiti talaga ako ngayon sa galit dahil sa kaniya at dun sa babaeng linta.

" Ha? Ano na naman bang ginawa ko? " nagtatakang tanong niya.

Minulat ko ang aking mga mata at naupo mula sa pagkakahiga ko. " Anong ginawa mo? Hinayaan mong kumapit ng kumapit sayo yung malanding linta na yun kanina. "


" Sinong malanding linta? " halata sa mukha niya na hindi niya magets ang mga sinasabi ko.


" Yung kasama mo kanina. " sagot ko.


" Yun ba? Wag kana magselos dun. Kaibigan ko lang yun. " paliwanag naman niya sakin.

" Kaibigan lang? Kaibigan ba yun? Kung makakapit sayo, parang unggoy na ayaw bumitaw sa sanga. " naiinis na sabi ko.

" Galit ka na naman e. Tama na kasi. " sabi niya sakin sabay niyakap ako.

Tinulak ko siya na dahilan para matanggal ang braso niya sa pagkakayakap sa akin. " Oo galit ako. Kaibigan lang siya kaya wala siyang karapatan para hawakan ka ng hawakan. Masyado na yung ginagawa niya. " tuloy tuloy na sabi ko.

" Naman eh. " sabay kamot niya sa ulo niya na halatang naiinis na siya. " Kaibigan ko nga lang si Sia. "

" So Sia pala ang pangalan niya. Pwede bang sabihan mo siya na wag ng humawak ng humawak sayo kasi nakakainis ha. " sabi ko sa kaniya. Pag yan lang talaga na ulit. Hindi ko na alam kung anong magagawa ko.

" Parang hawak lang eh. " pabulong na sabi niya pero dahil malakas ang pandinig ko, narinig ko ang sinabi niya.

" Anong sabi mo? Parang hawak lang? Pwes, yung hawak na yun napakalaking bagay na sakin yon. Nagseselos ako! Dahil siya lagi kang kasama samantalang ako minsan na lang. Tapos ganun pa makikita ko. " punong puno na talaga ako.

Oo, nakakaselos yun. Sino ba naman ang hindi maiinis diba?

" Alisha. " sabay hawak niya sa kaliwang kamay ko. " Wag ka na magselos. "

" Pano ako hindi magseselos? Ugh! Di mo parin ba ko magets? " sabi ko. Sobrang inis na inis na talaga ako. Hindi ko maipinta ang nararamdaman ko ngayon.

" Oo, sasabihin ko sa kaniya na wag ng kumapit at humawak sakin. " mahinahon na sabi niya sakin.

Napangiti naman ako sa narinig ko. Tama ba talaga ang sinabi niya? Pagbinigyan niya na talaga ako sa kahilingan ko?

" Talaga? " sabi ko habang nakangiti.

" Syempre naman. Anything for my special girl. " sabi niya sabay kiniss niya ako sa pisngi ko.

" Thank you, Bhes. " sabi ko sa kaniya.

" Osya, matulog ka na at magpahinga. " sabi niya sabay pinahiga na niya ako atsaka kinumutan.

" Goodnight Daniel. Ingat ka pag uwi mo ha. Salamat ulit. " sabay bigla niya akong hinalikan sa aking noo atsaka siya lumabas ng kwarto para umuwi o kaya naman makipaghuntahan pa sa kuya ko na si Tj.

Akala ko magagalit din siya. Buti na lang at hindi. Buti na lang at pinagbigyan niya ako. Kaya kahit minsan naiinis ako sa kaniya. Mahal na mahal ko padin siya.

"Yehey! Bati na si ni Kuya Daniel!" Sigaw ni Princess na pumasok pala sa pinto ko.

"Syempre, mahal ko si Kuya Daniel." Sabu ko naman.

"Sana po ate, kayo na forever and ever." Napatawa naman ako sa sinabi ni Princess pero sana nga forever na kami. Sana nga kami na talaga ang para sa isa't isa kasi ako gusto ko talaga 'yun kase mahal na mahal na mahal ko talaga si Daniel at sigurado na talaga ako sa nararamdaman ko para sa kaniya.

--
vote and comment po kayo :">

Ang Sikat kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon