Ang Sikat kong Boyfriend # 8

1.6K 67 4
                                    

Chapter 8

Simula nang araw na mag-away kami ni Daniel, di ko na siya nakikita sa school o kahit ano mang balita tungkol sa kaniya. Kahit na may subject kami na pareho, hindi ko siya nakikita na naattend. Napasok pa kaya siya? Magtanong tanong na kaya ako? Masyado ko na siguro pinaiiral ang pride ko. Gusto ko na siya Makita. Gusto ko na siya makasama.

Kusa na ding humupa ang mga chismis na kumakalat sa school tungkol sa pag-aaway naming ni Daniel. Hinayaan ko na lang sila kahit na minsan nasasaktan ako sa mga naririnig ko. Sanay na naman ako. Hindi na naman kasi bago sakin ang maging topic ng mga chismisan.

"Alisha." tawag sakin ni Toby, "ang tahimik mo naman. Nakakapanibago."

"So-sorry. May iniisip lang kasi ako." Sagot ko naman.

"Sino? Si Daniel na naman?"

"Sino pa nga ba?" singit naman ni Ranz sa usapan namin.

"Wala ba talaga kayong balita sa kaniya?" nagaalala kong tanong.

"Wala talaga, Alisha. Hayaan mo kapag meron akong nasagap, sasabihin ko agad sayo." Sagot naman ni Ranz.

"Salamat." Sabay napabuntonghininga na lang ako.

Katulad ng ibang mga araw, pare-pareho lang ang nangyayari. Magkaklase tapos tambay kapag may bakanteng oras at syempre di mawawala ang pananahimik ko at pamomroblema. Sadya talagang di mawala sa isip ko si Daniel.

"Ayoko na nga. I can't just sit here and wait for him. Masyado na kong nag-aalala." Bigla ko na lang nasabi sa harap ni Toby at Ranz at bigla naman silang napangiti sa sinabi ko.

"Tama yan, para hindi kana nagmumukmok dyan girl." Sabi ni Toby.

"Tama! Tama!" second reaction naman ni Ranz.

Wala ng pagdadalwang isip ay tumayo ako sa kinauupuan ko at agad pumasok sa engeneering building. Doon ako nagtanong tanong ngunit wala talagang may alam kung nasaan si Daniel. Ang natatanging balita na nasagap ko ay ang katotohanan na hindi na siya napasok ng mga nakaraang araw. Lalo tuloy akong nag-aalala.

"What are you doing here? Di ka naman engeneering student diba?" pagtataray sakin ng isa sa mga pinakakinaiinisan kong tao sa balat ng lupa. Wala ng iba kundi ang dakilang unggoy at linta na si Sia.

"Ano kasi.. si Daniel? May balita ka ba sa kaniya?" mahinahon kong tanong. Ayoko ng gulo kaya sana wag siya magtaray.

"Boyfriend mo siya diba? Bakit sakin mo hinahanap?" sabay tawa niya, "Break na kayo?"

Halata sa boses niya ang panlalait. Nagpipigil na lang talaga ako dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya. Pero tama siya, bakit ko nga ba sakaniya hinahanap si Daniel. Diba dapat alam ko kung nasaan,anong ginagawa at kung kumusta na si Daniel kasi ako ang girlfriend niya. Ako lang at wala ng iba.

Hindi ko na siya pinansin at naglakad na lang papalayo. Kailangan kong umiwas, ayoko na talaga ng gulo.

Nagulat na lang ako ng bigla niya kong hinawakan sa braso at hinatak, "Alisha! Wait nga lang, kinakausap kita diba."

Kaya simula pa lang ng una, wala na akong tiwala sa babaeng ito. Nararamdaman ko na talagang hindi siya normal na tao, na may tinatago siyang kasamaan. Nakakainis dahil may kontrabida na naman.

Pero naisip ko din si Alyssa. Ganitong ganito din kami noon, lagi niya din akong tinatarayan at lagi din niyang inaagaw si Daniel pero sa dulo naging magkaibigan din kami. Ipagdadasal ko na lang n asana magbago si Sia. Sana maging magkaibigan din kami baling araw.

Pero sadyang matagal na panahon ang kailangan para magbago ang isang tao, "Hoy Alisha!" sigaw pa niya sakin.

"Kailangan kong malaman kung bakit hindi napasok si Daniel." Sagot ko sa kaniya.

"Kawawa ka naman. Di ka niya sinasabihan. Samantalang ibang tao, alam ang dahilan." Pangiinis pa niya.

Anong ibig sabihin niya na ibang tao? Sino? Siya? Ibig sabihin alam niya kung anong dahilan ni Daniel?

"Sinong iba? Ikaw? Alam mo kung nasaan siya? Kung anong rason niya?" tuloy tuloy na tanong ko. Halatang halata na sa boses ko ang pagmamakaawa. Kailangan kong malaman kung ano man ang nalalaman niya.

"Bakit ko sasabihin sayo?" atsaka siya tumawa, "Alamin mong mag-isa."

"Sia. Please. Kailangan kong malaman." Pagpupumilit ko.

"Ayoko." At tumawa na naman siya.

"Please. Please." Sobrang binabaan ko na ang pride ko sa pagmamakaawa kay Sia. Nagaalala lang talaga ako.

"Manigas ka! Hindi ko sasabihin ang rason ni Daniel."

"O-okay." Sagot ko atsaka ako lumayo at sa ngayon, hindi na niya ako pinigilan pa.

Biglang pumasok sa isip ko ang isang dahilan. Isang malalang bagay na pwedeng maging dahilan ni Daniel kung bakit hindi siya pumapasok. Paano kung bumalik na naman ang sakit niya? Paano kung hindi pala talaga siya gumaling noong nagpagamot siya sa America? Paano kung mamamatay padin siya?

Alisha wag ka nga magisip ng kung anu-ano diyan.

Sumunod na araw, wala kaming pasok dahil lingo. Napagpasyahan ko na dumalaw sa bahay ni Daniel. Gusto ko siya makita. Gusto ko siyang tanungin sa personal.

Pagdating ko sa bahay nila agad akong pinapasok sa loob ng gate ng isa sa mga kasambahay nila. Pagbukas ng pinto ay agad na tumambad sakin ang mommy ni Daniel. Napakalaki na ng pinagbago ng pakikitungo sakin ng mommy niya simula ng maging okay na ang kalusugan ni Daniel. Tuwing pupunta ako sa bahay nila, ipinagluluto niya kami at minsan pinapayagan din niya akong tumulong sa pagluluto. Minsan nga niyayaya din niya akong magshopping o kaya naman ay pumunta sa iba't-ibang mga lugar.

"Hija, buti napadalaw ka." Bati ng mommy ni Daniel

"Tita, si Daniel po?" tanong ko.

"Nasa kwarto niya. Tawagin ko lang ha." atsaka siya umakyat ng hagdan.

Naiwan akong nakaupo sa sofa. Kinakabahan at may pagaalinlangan. Mukha namang mali ang hinala ko dahil mukha namang masaya ang mommy ni Daniel. Mali lang siguro ako ng hinala.

"Alisha!" sigaw ni Daniel at madaling madali sa pagbaba niya ng hagdan.

Bigla niya akong niyakap. Yakap na matagal ko ng hinihintay ngunit nanibago ako bigla. Parang walang nangyaring away na namagitan sa aming dalawa.

"Buti at napadalaw ka. Sobrang namiss kita." Pagkasabi niya noon ay parang biglang nagtatalon ang puso ko.

"Daniel. Kailangan natin magusap."

"Kung tungkol sa nangyari noong nakaraan. Kinalimutan ko na 'yon." Sagot niya sakin na may kasamang pagngiti ngunit agad napawi 'yon. " Daniel. Hindi pwedeng kalimutan na lang 'yung nangyari. Seryoso ako sa sinabi at tinanong ko noon." Paliwanag ko.

"Ayokong pagusapan." Pagmamatigas niya.

"Pero kailangan." Pagpupumilit ko naman.

"Bakit? Hindi ka ba masaya satin?"

Oo. Hindi ako masaya. Hindi ako masaya na nakikita kang kasama si Sia.

Ang Sikat kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon