Ang Sikat kong Boyfriend # 12

1.5K 64 20
                                    

Pumasok ako sa eskwelan na may halong paghiling na sana panaginip na lang ang lahat. Sana hindi totoo na may kumakalat na chismis at sana okay kami ni Daniel ngayon. Pero malupit sakin ngayon ang tadhana dahil totoo lahat ng ito. Ano bang nagawa ko para maransan ko ang mga ito ngayon? Bakit ako pinarurusahan ng tadhana?

Habang naglalakad sa hallway, ramdam ko ang mga titig nila sakin. Ang taong dapat nagtatanggol sakin ngayon ay isa din sa kanila. Ayan siya sa may dulo ng hallway at nakatitig sakin. Isang titig na hindi ko maintindihan. Wala ba siyang tiwala sakin? Matagal na kaming magkakilala, alam niya naman siguro na hindi ko siya kayang lokohin.

Lalapitan ko sana siya ng biglang lumabas sa pinto si Sia kaya naman napatigil ako.

"Tara na," sabi ni Sia kay Daniel sabay hawak sa braso nito. Tumango naman si Daniel at nagsimula na maglakad. Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil ilang segundo na lang magkakasalubong kami. Hindi ako makagalaw sa sobrang kaba na parang ang bigat ng katawan ko. Niisang hakbang di ko magawa.

3.. 2.. 1..

"Da--," tatawagin ko sana siya pero nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad nang hindi man lang tumitingin sakin. Napahawak na lang ako bigla sa dibdib ko. Sobrang sakit na. Parang ilang minuto na lang, sasabog na.

Gantong-ganto din kaya ang nararamdaman ni Daniel noong nagalit ako sa kaniya ng kumalat ang balita na sila daw ni Sia? Kung hindi naman niya ako mahal, hindi siya magagalit ng ganito.

Hindi ko din mapapatawad si Sia sa mga ginagawa niya. Wala siyang karapatan para sirain ang relasyon namin ni Daniel.

Hindi ako magpapatalo.

Dumating ang araw ng paligsahan. Kinakabahan ako dahil hindi pa ko nakakapagsorry kay Clyde dahil iniiwasan niya ko simula noong araw na sinabihan ko siya ng masasakit na salita. Si Daniel din, panay ang iwas sakin sa hallway. Kahit tawag ko hindi sinasagot. Galit na galit siguro siya sakin pero chismis lang naman kasi lahat ng 'yon. Wala ba siyang tiwala sakin?

"Goodluck Alisha!" sigaw ni Toby at ni Ranz sakin ng makita nila ako dito sa may backstage.

"Salamat," sabi ko naman sa kanila.

"Galingan mo ha," paalala ni Toby sakin at tumango tango naman ako. Sana nga kayanin ko. Ayokong mapahiya sa mga kacourse ko.

"Si Clyde?" tanong ni Ranz. Actually, nag-aalala din siya dahil alam niyang hindi pa kami okay ni Clyde since nung araw na iyon.

"Hi--" sasabihkn ko sana na di ko pa nakikita si Clyde pero napatigil na lang ako sa pagsasalita ng bigla siyang dumating.

"Clyde, so-sorry," nangangatog pa ang boses ko sa kaba habang humihingi ng tawad sa kaniya. "Hindi ko dapat sinabi ang mga iyon. Sorry."

"Okay lang. Alam kong galit ka lang naman," sabay ngiti niya sakin. "Galingan natin ha."

Parang natanggalan ako ng tinik sa dibdib ng sabihin niya na okay na ang lahat. Mas lalo akong ginanahan na magrepresent dahil sa mga nangyayari.

"Alisha," sabay hatak sakin ni Toby sa braso ko. "Tignan mo, si Daniel," sabay turo pa niya.

"Si.. si Daniel nga," pero bakit siya nandito sa backstage? Ay, oo nga pala. Representative ng engineering si Sia.

Ang Sikat kong BoyfriendWhere stories live. Discover now