Blessing

7.6K 110 4
                                    

Yma’s POV

1 buwan na ako sa Pilipinas at isang buwan na rin akong naghahanap ng trabaho. Siyempre, hindi naman ganon kadaling maghanap ng trabaho lalo pa at vocationa lang naman ang course ko. Pero sana talaga makahanap na ako. Ayoko na talagang bumalik sa USA. Ayoko naaaaaaaaaaaaaaa…….

Well, kahit ayoko ng bumalik doon dahil marami akong bad experiences pero marami ring naidulot na magaganda ang pagtira ko doon. Nakaipon ako at nakabili ako ng bahay para sa amin, tapos nakapagtayo ako ng sari-sari store na binabantayan ng nanay ni Yumi habang si Yumi naman ay may sarili ng fruit stand. Ako na lang talaga ang wala pang trabaho.

Sana talaga matanggap na ako. Kasalukuyan akong naghihintay sa interview ko para sa posisyong secretary sa isang Engineering Firm na pag-aari ata ng isang Aleman. Hay sana matanggap talaga ako, pang8 ko na tong interview pero lahat sila sinasabihan lang nila ako ng “we’ll get back to you” pero hindi naman nila ginagawa.

“Miss, Yma Cruz?” anunyso ng isang babaeng nasa mid-30s. Siya ata ang sekretarya na papalitan.

Agad ko namang itinaas ang kanang kamay ko.

“Follow me.” Sinundan ko naman siya papunta sa isang opisina na may nakalagay na C.E.O. sa labas ng pinto.

Pagpasok naming ay sinalubong kami ng isang foreigner na nasa mid-60s na siguro. Pero gwapo pa rin ito ha kahit na matanda na.

“Sir, this is Ms. Yma Cruz and she is applying for my position as a secretary.” Pagpapakilala ng babae

“Thank you Ms. Ellaine, you can leave us now.” Lumabas naman ang secretary.

“You may take your seat.” Wika ng boss

“Thank you.”

May binasa siya sa isang folder at hula ko ay resume ko yon. Kinakabahan ako. Baka kasi mareject nanaman ako dahil vocational lang ang natapos ko at hindi college.

“Impressive huh.” Ngumiti na lang ako sa remarks ng big boss

“T-Thank you sir…” kinakabahan kong sagot

“Do you know that your educational background takes you a little far behind among the other applicants?” hindi bastos ang pagdating ng tanong sa akin, bagkus, napakaprofessional pa nga nito

“Yes sir. Although, I do not believe that the educational attainment of a person defines what he or she is and what he or she can do. Indeed, his or her educational background can be a good foundation in terms of his or her skills and knowledge but still it depends upon the dedication ang hardwork of a person. And I believe that I can be that person. I may not be able to have a college degree in one of the big four universities but I believe that my skills and dedication to work hard enough not only for my personal benefit but also for the benefit of your company can make me a good asset of your company.” Confident kong sagot. Sa pag-aaply kasi ng trabaho para kang nagbebenta ng produkto na ikaw mismo at kailangan mong ibenta ang sarili mo gamit ang mga kakayahan at achievements mo, pero wag mong sobrahan dahil pagbubuhat na rin iyon ng bangko at hindi magugustuhan ng mga tagapanayam.

“Wow.” He gave me that amazed look “I’m impressed Ms. Cruz. You’re the first person who gave me a one-paragraph reply for my observation.” He chuckled after

“Well, on the second thought. I believe in what you believed in. I actually don’t care if my employees haven’t finished their studies as long as they have the knowledge and potentials and skills that are needed for their line of work then they are in. And I must say that from what I can see in you, you must have come from a very deep and sophisticated learning of skills and learnings in life.” He looked at me seriously “Congratulations, you’ll be my new secretary and you can start tomorrow morning. Ellaine will be training you.” Kinamayan niya ako

Wait, what?! O_O 

t-tanggap a-ako?!

OH MY!!!!

YYYYYYYYYYYYEEEEEEEEEEEEAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!

“T-Thank you sir.” Naluluha kong sambit

“Don’t cry dear, you should be bouncing off the roof.” Tumawa siya nang mahina “You know my wife is a Filipina too and she cries when she’s sad and even when she’s happy. Is it the perks of being a Filipina?” napatawa naman ako sa sinabi niya

“S-Sorry sir. I’m just too overwhelmed right now. Thank you sir. Thank you so much.” Pagkatapos ng ilang sandali ay nagpaalam na rin ako kay Sir Victor Schubert.

Lumabas ako ng gusali na masayang masaya. Hinimas-himas ko ang bracelet kong ‘Genesis’. Ito na nga ang bagong yugto ng buhay. This time gagawin ko na talaga ang lahat para gumanda ang kalagayan ng buhay ko. Sabi nga nila isang gulong ang buhay, minsan nasa ibabaw ka at minsan naman ay nasa baba. Siguro naman ay natapos na ako sa baba, maraming nawala sa akin at maraming beses akong nasaktan at pinasakitan. Panahon na rin siguro na umibabaw naman ako.

 A/N: don't worry guys, malapit na talaga to matapos.

P.S ang ganda ng music video ng Thinking Out Loud ni Ed Sheeran. Gusto ko tuloy palitan yung babae.

Whatever it Takes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon