" Hay nako ikaw talagang bata ka." aniya

" By the way, have you met Liam?"

" Opo. Napakacute na bata po niya. Kaya lang nahihiya pa po sakin eh." sagot ko

" Masasanay din sayo yan. Syempre bago ka pa lang nakilala. Try to visit him sa bahay. Para makasundo mo. Alam mo mga hilig niya? Comics, superheroes, drawing. Parang ikaw. Naalala kita nung bata ka pa. Kapag iniiwan ka ni Det sakin kapag pupunta siya sa trabaho, yung backpack na dala-dala mo puno yun ng papel, krayola at lapis." kwento ni Tita Donna.

" Nakakatuwa ngang isipin na dati, bata pa lang kayo ni Maddie. Naghahabulan, nagrewrestling, you even saw each other's poops tapos ngayon eto na. May anak na siya. Ikaw naman maganda na rin ang career."

" How times flies po no, Tita?" sabi ko. Tumango siya and we both watched Liam as he sits in front and observes the crowd before him.

" Tita..."

" Hm?"

" Matagal na po bang boyfriend ni Maddie yung kasama niya?" tanong ko.

" Sino? Si Zolo? Hindi bago lang yan. I think nagkakilala lang sila a few months ago. Well, hindi naman kasi ako nangingielam sa buhay ng anak ko. Kaya di ko rin alam how long are they already."

" Ah. Parang di po pasado sa apo niyo ah." pabirong sabi ko. Natawa rin si Tita and nodded her head.

" You're right. Liam doesn't like other guys for his mom. Gusto niya kasi siya lang ang lalaki sa buhay ng mommy niya."

" Well, ang akin lang naman po tita ha? Liam is more than enough for Maddie. She should just focus her attention to him lalo na't lumalaki na po yung bata."

" Hay nako Ivan. You know I can't control Maddie's life and decision making. Ako naman eh gumagabay lang sa kanya at sa apo ko."

" Sabagay. Maddie is a stubborn lady. Nakakapagtaka lang po na kung kailan siya nagkaanak saka niya naman po naisipang maghanap ng mapapangasawa. Dapat po pala nagpakasal muna siya before she decided to have a baby."

" Ewan ko ba sa kaibigan mong yan. Masiadong magulo ang utak!" she said making me laugh.

" Hala sige na. I'm taking too much of your time na. Bumalik ka na dun kila Dennise."

" Hahahaha. Namiss po kita Tita. Dadalaw po ako sa inyo next time ha? Pagluto niyo po ako."

" Oo naman. Kahit wala si Maddie dun, dalawin mo lang ako like what you're doing before." tumango ako and went back to our table.

" Namiss ka ni Tita Dons no?" ani Dennise. Tumango ako saka natawa.

" Ansabe niya sayo?"

" Magulo daw utak ng anak niya. Hahahaha!"

" Kailan bang hindi?" sang-ayon nilang lahat maliban kay Therese.

" Hoy, grabe kayo kay Mads ha."

" Chillax, Threy. Totoo naman kasi aminin mo." ani Tri

" Eh wala na tayong magagawa dun. But as her friends, we should just be happy for her." kibit-balikat niya.

" Hay nako. Ang forever kakampi." singhap ni Dennise

" Oo tas ikaw yung forever na kontrabida." ani Therese.

" Naman Threy. Di pwedeng walang demonyo at anghel sa barkada eh." sagot ni Dennise at nag-apir pa sila.

We stayed until all the guest went home. Pinagtulungan na rin naming iuwi sa bahay nila Maddie ang lahat ng gifts ni Liam.

" Grandma, can I open my gifts now?" narinig kong tanong ni Liam kay Tita Donna. Pinanood ko siya at saka hinanap si Maddie.

Concealed TruthOnde histórias criam vida. Descubra agora