Chapter 7

182 19 8
                                    

Lagi nang magkasama noon sina MArina at Aeious. Halos dalawang linggo na rin ang nakakaraan simula nang magkakilala sila, selos na selos na tuloy si Mc Neil sa kinikilos nilang dalawa. Gustuhin man niyang pigilan ang pagkakaibigan ng dalawa ay wala siyang magawa dahil una sa lahat, wala naman siyang karapatan.

"Puro ka na lang Aeious, akala ko ba nung una ay ayaw mo sa lalaking iyan? Ano na naman ang nangyari at nagbago ang ihip ng hangin, Marina? Ako ha, nagtitimpi lang ako pero selos na selos na ako sa inyo." sabi ni Mc Neil

"Ilang beses ka nang sinabihan hindi ba? Ang sabi ko, sumama ka sa amin. Para na din makilala mo siya, Eh ikaw naman 'tong may ayaw sa kanya. Okay naman sa kanyang makipagkilala sa iyo pero ikaw na lang itong may problema." sagot naman ni Marina

"Do you think, gugustuhin ko na makasama iyon? At ano, kapag kasama niyo na ako ay magiging third wheel ako dahil sa sobrang closeness niyo? Excuse me, that's a no no. Ang swerte naman niya na makakasama niya ang isang katulad ko." mayabang na sagot ni Mc Neil

"Baliw ka talaga, suplado lang iyon sa una pero kapag naka-close mo na eh ayos na. Try mo lang, mabait naman siya eh. I'm sure kapag nagkasundo na ang mga ugali ninyo, magugustuhan mo na siya." sagot ni Marina

"Hindi siya ang gusto ko kundi ikaw. Hindi ko naman alam sa iyo kung bakit ang manhid mo. Ilang taon na ba akong vocal sa panliligaw sa iyo? 2 years?" sagot ni Mc Neil

"Eh kaso nga, hindi naman kita gusto. So paano iyon? Pipilitin ko na lang ang sarili ko sa iyo kahit hindi naman talaga kita gusto?" matapang na pag-amin ni Marina

"Wow ha, hindi naman masakit. Alam ko naman na hindi mo ako gusto pero sana ay huwag mo na ipaglandakan pa sa harap ko." sabi ni Mc Neil

"Eh ikaw kasi eh, pinipili mong masaktan. Alam mo naman ang katotohanan pero pinipilit mo pa din ang sarili mo sa akin. Dyan ka na nga, magkikita kami ni Aeious ngayon. Kung hindi ka sasama ay dyan ka na lang." sabi ni Marina sabay alis

"Uy teka, Marina naman! Joke lang iyon, kahit kaibigan lang ay ayos na sa akin! Uy, teka lang. Sasama na nga ako diba?!" sigaw ni Mc Neil

"Naku, bilisan mo na dyan kung gusto mo talagang sumama. Nag-iinarte ka pa dyan, sasama ka din pala. Tara na, naghihintay na si Aeious sa atin!" sagot naman ni Marina

Nagulat na lang si Aeious nang makita na may kasamang lalaki si Marina. He felt a weird feeling towards it pero hindi niya iyon pinansin. He smiled quickly nung nakita na niyang padating sina Marina.

"Oh, hello. S-sino siya, Marina? Pakilala mo naman ako." sabi ni Aeious na pinilit ngumiti dahil sa weird na feeling na kanyang naramdaman

"Si Mc Neil, Aeious. Yung kini-kwento ko sa iyo, kaibigan ko." sagot ni Marina, inilahad naman ni Aeious ang kanyang kamay at ganun din si Mc Neil

"Manliligaw niya ako. Well, it is nice to meet you Aeious. Ang Benjamin 2.0. Lagi ka niyang kini-kwento sa akin, madalas ay nagseselos na nga ako sa iyo." agad namang kinuhit ni Marina sa tagiliran si Mc Neil para tumigil na ito sa pagsasalita

"Ah, eh. Sorry ha Aeious. Maloko talaga 'tong si Mc Neil minsan. Hindi ko nga alam kung bakit naisama ko pa iyan dito. Sana pala ay hindi na." agad na tumingin si Marina kay Mc Neil at pinandilatan niya ito ng mata

"Oo nga, madaldal nga ang kaibigan mong iyan. Hindi nauubusan ng kwento, tumatahimik na nga lang ako kapag nagkwento na iyan eh." sabi ni Aeious at tumawa

"Naku, kung anu-ano pa ang sinasabi niyo sa akin ah. Umupo na nga tayo." sagot naman ni Marina pagkatapos ay umupo sila doon sa bench 

Konti lang ang tao ngayon sa park. Wednesday kasi kaya wala kang batang nakikita sa paligid na kasama ang mga pamilya nila. Ang makikita lang doon ay yung mag-jowa na sweet na sweet sa isa't isa pero may mga panloloko namang nagaganap. Nagsasayang lang ng oras.

"Huy, bibili lang ako ng makakain natin ha? Ikaw Aeious, anong gusto mo? Sabihin mo lang at ako na ang bibili." sabi ni Mc Neil sa kanila

"S-si Marina--tanungin mo siya kung anong gusto niya at ganun na din sa akin. Salamat." nauutal na sabi ni Aeious kay Mc Neil

"Marina, anong gusto mo? Bibili ako doon sa 7/24 store malapit dito sa park." sabi naman ni Mc Neil

"Ah, hotdog sandwich na lang at tubig. Okay na sa akin iyon. Ikaw anong gusto mo, Mc Neil?" sagot naman ni Marina, nagulat pa din siya doon sa sagot ni Aeious dahil akala niya ay gusto siya nito

"Alam mo naman na ikaw lang ang gusto ko eh, ayaw mo pa kasi sa akin at sa iba ka pa natingin." sabi naman ni Mc Neil

"Ikaw talaga, kung anu-ano na naman ang tumatakbo dyan sa isip mo. Bumili ka na nga ng pagkain. Hihintayin ka namin ni Aeious dito

"Ikaw talaga, hindi ka na mabiro eh. Oo na sige na. Bibili na nga ako ng pagkain natin." sabi ni Mc Neil pagkatapos ay umalis na siya sa park

Pagka-alis ni Mc Neil ay isang awkward silence ang pumalit kina Marina at Aeious. Wala tuloy choice si Aeious kundi mag-open ng topic dahil baka matuyo na ang mga laway nila pagdating ni Mc Neil.

"Ayos naman pala siya ah. Mabait naman sa una kong tingin. Sasagutin mo ba siya?" sabi ni Aeious

"Nakakatawa naman 'yang sinasabi mo. Hindi ah, hindi ko siya sasagutin. He's not my type, kaibigan ko lang talaga iyon eh. Alam naman niya iyon, pinipilit na lang niya talaga ang sarili niya sa akin." sagot naman ni Marina

"Wow, ganda mo naman pala Ate Marina. Ang haba ng hair ah. Nahiya naman ako bigla." sagot naman ni Aeious sabay tawa

Dahil sa sinabi ni Marina, nabawasan ang kaba niya sa dibdib. Ayaw kasi niyang mawala ang isang taong nagiging motivation niya na sa pagguhit. Isang tao na nagbigay sa kanya ulit ng pag-asa na pwede pa palang bumalik kung ano yung mga nawala na.

Aeious (Completed)Where stories live. Discover now