Chapter 3

296 23 2
                                    

Bago umuwi si Aeious ay dumaan muna siya doon sa murals. May nakita pa nga siyang babae na nakatingin sa kanya, tiningnan naman niya ito ng seryoso kaya umiwas ito sa kanya. natawa na lang siyang palihim noong umupo na ito sa hagdan.

Ilang minuto lang siya nag-stay doon at umalis na din dahil nakaramdam na siya ng gutom. Pag-uwi ay umupo siya sa sofa at humingang malalim. Nandoon ang kanyang nanay na nagluluto ng kanilang lunch, ngumiti naman ito nung nakita na niya si Aeious.

"Oh anak, nandyan ka na pala. Buti na lang tapos na ako magluto. Kamusta pala yung pagda-drawing mo? May na-drawing ka ba anak?" excited na tanong ng nanay ni Aeious sa anak

"Wala po, Mama. I tried, but I'm not yet satisfied. May kulang talaga eh, may nawawala. Hindi naman ako ganito dati diba Mama? I really love to draw, but it just went away. Believe me, Mama. I want to bring it back." sabi ni Aeious na napabuntong hinga na naman

"Anak, you can't bring itkung in the first place ay wala talaga ito sa puso mo. I know what happened kaya nawala ang passion mo sa pagda-drawing, anak. This is all Candy's fault, tama ba ako?" sabi ng nanay ni Aeious sa kanya

"Mama, ano pong sabi ko sa inyo tungkol kay Candy? Huwag na po siyang pag-usapan, hindi po ba? Mama, that was 5 years ago. Daig mo pa ako ah, hindi ka pa rin ba moved on sa kanya?" natatawang sabi ni Aeious

"I wouldn't move on, si Candy ang naging inspirasyon mo sa pagguhit pero siya din ang nagtanggal noon sa iyo. Anong akala niya sa kanyang sarili, prinsesa? Hindi naman porket isa na siyang tanyag na model ngayon eh gaganyanin ka na niya."inis na sagot ng nanay ni Aeious

"Haynaku, Mama! Napaka-supportive mo talaga sa akin. I know I failed you sometimes pero hindi mo pa rin ako binitawan. Sana masuklian ko iyon, kahit sa konti lang." nalulungkot na sagot ni Aeious

"Naku, bumalik ka lang sa paggawa ulit ng artworks mo ay okay na ako. Iyon kaya ang wish ko tuwing birthday ko, pasko o bagong taon. Halos lahat na ng okasyon, kahit nga valentine's day ay iyon ang wish ko. Anak, kailan mo ba pagbibigyan ang Mama?" sabi ng nanay ni Aeious

"Seriously, hindi ko pa alam Mama. Kung oras naman na ay oras na eh. Hintayin na lang natin Mama, okay? Tara na nga at kumain na tayo. Gutom na ako eh, kanina pa!" sabi ni Aeious habang nakangiti sa kanyang nanay

"Oh sige anak, patingin nga ulit nung mga drawing mo dati at yung mga drawing mo na ayaw mo. Pasensya ka na anak, gandang-ganda pa rin kasi ako sa mga iyon kahit na ayaw mong tinitingnan ko sila isa-isa." her mom said with an apologetic tone 

Napa-iling na lang si Aeious sa kanyang Mama, pero binigay niya pa din ang natitirang artworks niya dito. He knows na iyon lang kasi ang magpapaligaya sa kanyang ina, sino naman siya para tanggalin ang ngiting iyon na abot hanggang sa mga mata?

"Sige na nga po, Mama. Paano naman ako makakahindi niyan eh may ngiti ka na nakakatunaw?" lambing ni Aeious pagkatapos ay binigay sa kanyang nanay ang sketchpad niya

Habang nakain sila at busy na busy ang nanay niya sa pagtingin sa sketchpad ay naisipan niya na ikwento ang babae na nakita niya sa may murals.

"Mama, di ba po lagi akong nadaan lately doon sa park kung saan may murals? May nakita akong babae doo --" hindi pa tapos si Aeious ay may banat na sagot na ang kanyang nanay

"Maganda ba? Sana ay magkita kayo at makilala ko siya. Malay mo naman, iyon na pala ang kapalit no Candy sa buhay mo." hirit pa nito

"Ano ka ba naman, Mama? Iyon agad ang nasa isip mo? Girlfriend ba kaagad? Eh mukhang nasungitan ko nga yung babae, medyo inis siya sa akin kanina eh. Kung makikita mo lang kung anong itsura niya nung nakita niya akong nakatingin sa kanya eh matatawa ka." Aeious said proudly

"Iyan, kaya hindi ka magkaroon ng girlfriend kasi hindi ka marunong ngumiti eh. Ngiti ka din kapag may time. Okay?" sabi ng nanay ni Aeious

"Eh Mama, kasalanan ko bang mas gwapo ako kapag tahimik at suplado ako? Sorry na lang doon sa babae, ang dami kong iniisip kanina eh. Hindi ko tuloy nangitian man lang, hayaan mo kapag nakita ko siya ulit ay ngi-ngitian ko na siya." masayang sagot ni Aeious

Nagiging mabait lang kasi ang itsura ni Aeious kapag kaharap niya ang nanay niya. Para kasi sa kanya, ang nanay niya lang ang totoong tao sa paligid niya. The rest ay pwede na manakit sa kanya.

"Diyos ko anak, oo na lang. Gwapo ka kapag suplado ang mga tingi  mo, kunwari na lang ay naniniwala ako sa iyo." asar pa ng nanay ni Aeious sa kanya

Napatawa na lang si Aeious at uminom ng tubig. Pagkatapos nilang kumain ay umupo siya doon sa sofa, kinuha niya ulit ang sketchpad mula sa nanay niya.

Habang naka-upo ay nakatingin siya sa kanyang nanay. He tried to draw her, napangiti na lang siya dahil first time niya lang ulit na ma-satisfy sa mga guhit niya. Marahil ay ito ay dahil sa galing ang drawing na iyon sa pagmamahal.

He tried to draw her habang naghuhugas ng plates sa sink. Nilagyan niya ito ng title na Mama pagkatapos ay nilagyan niya ito ng date at pinirmahan.

Sa hindi niya alam na dahilan, naisip niya yung babaeng nasungitin niya kanina sa park. Hindi niya maiwasan na hindi mapa-ngiti dahil sa reaksyon ng kanyang nanay sa kwento niya tungkol dito.

Isang seryosong nilalang si Aeious, he was surprised na isang araw ay ngi-ngiti siya ng ganoon ulit. Yung ngiti na para bang may kasamang kilig. Ito na kaya ang hinihintay niyang papalit kay Candy o sasaktan na naman siya nito?

Aeious (Completed)Where stories live. Discover now