Chapter 5

243 19 4
                                    

Pumunta na si Aeious doon sa park, balak na naman kasi niyang mag-drawing. Alam niyang hindi siya satisfied sa mga ginagawa niya pero kung lagi niya itong gagawin ay baka bumalik na din ang pagmamahal niya sa pagguhit. Gusto kasi niya na matupad ang matagal nang gusto ng kanyang ina, ang gumuhit ulit siya ng may saya at pagmamahal.

Minsan nga lang ay nagtataka siya kung bakit pagdating niya sa park ay wala na yung mga tinatapon niya doon. Iniisip na lang niya na baka sadyang tinatapon nung nag-lilinis sa park. Paano ba naman, ang papangit ng mga iyon kaya siguro hindi nila pinapansin.

Nagulat na lang siya nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan. Kahit hindi pa siya nakatingin ay alam na niyang babae ito.

"Aeious, ikaw ba iyan?" sabi nung babae sa harapan niya

"Yes, miss? How can I--" hindi na natapos ni Aeious ang kanyang sasabihin dahil nakakita siya ng isang pamilyar na mukha

"Ikaw?! Ikaw si Aeious?!" sigaw nung babae

"Yes, ako nga. Ikaw yung babae sa murals hindi ba? Yung nagsungit ng mukha sa akin. How can you--" hindi na nakapagsalita si Aeious

"Huy, for your information hindi ako ang unang nagsungit sa iyo ah. Ikaw kaya itong ang seryoso ng mukha sa akin kaya ganun ang naging reaksyon ko sa iyo. Dyan ka na nga, maganda ka ngang mag-drawing pero suplado ka naman!" sabi nung babae kay Aeious

"Excuse me, paano mo nasabing magaling ako mag-drawing ha? Stalker ka sa FaceNook ano? Maybe isa ka sa mga follower ko na may crush sa akin ano?" pang-aasar pa lalo ni Aeious

"Excuse me?! Hindi kita crush ano, at hindi ko din alam ang FaceNook account mo. Ang kapal naman ng mukha mo! Dyan ka na nga, baka bumagyo na sa lakas ng hangin dito eh. Ang yabang mo kasi, hindi ka naman gwapo. Bakit, kamukha ka ba ni Piolo Pascual ha?!" sabi ni nung babae

"Hala uy! Crush mo iyon? Bakla iyon ah, hindi mo pa alam?!" asar naman ni Aeious sa kanya

Tumalikod na yung babae kay Aeious pero dahil sa na-guilty siya ay tinawag niya ulit ito. Para naman sa kanya eh gusto niya lang na asarin ito, ang cute kasi ng mukha niya kapag naiinis eh.

"Huy miss, joke lang naman iyon! Bumalik ka na rito, mabait naman ako. Ang cute mo kasi pag inaasar kita kaya inaasar pa lalo kita." sabi ni Aeious 

"Bahala ka nga, ayaw ko sa iyo. Ang hangin mo pala, tama nga ang first impression ko sa iyo. Dyan ka na!" sigaw naman nung babae

"Sige ka, kapag hindi ka bumalik dito sa bench aasarin pa kita lalo na crush mo ako. Lagi pa naman tayong magkikita dito. Gusto mo ba iyon?" asar ni Aeious

Dahil sa ayaw naman ni Marina na mangyari iyon ay umupo na lang siya sa tabi ni Aeious kahit na asar na asar siya. Iyon din naman talaga ang goal niya, ang makilala si Aeious pero hindi niya inakala na iyon pala yung lalaki sa murals. Kung alam lang niya, hindi na siya nag-aksaya ng oras na kilalanin pa ang lalaking iyon.

"Huwag nga mataas ang pangarap, kaya naman kita nilapitan kasi lagi mo na lang tinatapon ang mga artworks mo dito sa bench. Lagi kong nakikitang nakasiksik sa bench kaya kinukuha ko." sabi ni Marina, seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa mukha ni Aeious

"What do you mean? Ikaw yung kumukuha sa mga artworks ko at tinatabi mo, for what? Ibebenta mo 'yan ano? Sige, alam ko naman na walang bibili niyan kasi pangit eh." sabi ni Aeious

"Ganun ba talaga ang tingin mo sa artworks mo? Kaya naman pala ang seryoso mo kung makatingin nung nakaraan eh. Feeling ko noon ay sobrang bigat ng dinadala mo habang nakatingin ka doon sa murals. Ano bang naiisip mo?" sabi ni Marina

"Oo, ganun ang tingin ko sa artworks ko. Kahit sabihin ng lahat na maganda iyon, para sa akin ay may kulang pa din. Kaya ako nandito lagi sa park, tinitingnan ko kung kaya kong ibalik ang sigla ko sa mga gawa ko. It has been five years since nagustuhan ko ang naiguhit ko eh." sabi ni Aeious

"Now I know kung bakit ganun ang artworks mo, maganda naman silang lahat pero halata kong may kulang. Alam mo na kung ano iyon, puso." sabi ni Marina

"Malay mo, kaya walang puso ang mga ginuguhit ko kasi kinukuha mo." sagot naman ni Aeious

"Alin? Yung artworks mo? Eh sige, ngayong alam ko na kung kanino iyon ay ibabalik ko na. Kaya naman talaga kita hinahanap, kasi gusto kong ibalik sa iyo ito." sabi ni Marina habang binibigay ang mga artworks ni Aeious na naipon niya 

"No, hindi naman iyan ang sinasabi ko. Ang ibig kong sabihin, kaya walang puso ang artworks ko dahil baka kinuha mo-- ang puso ko." banat naman ni Aeious, hindi alam ni Marina kung matatawa siya o maiinis

"Kung anu-ano pa ang sinasabi mo dyan. Teka, pwede ba kitang yayain sa murals? May sasabihin lang akong importante. Huwag kang mag-alala, hindi naman kita hahalayin doon. Huwag kang feeling gwapo. I think yo should hear this para ma-inspire ka. Although, I don't know if this will help you that much." sabi naman ni Marina

"Anong sasabihin mo na ma-iinspire ako? Na crush mo ako dahil nakita mo na ang artworks ko? Oh, I'm sorry. You are not my type eh, sa iba ka na lang." pang-aasar ni Aeious kay Marina

"Sasama ka ba sa murals o iiwanan kita dyan? I'm trying to be nice, huwag mo na ako inisin kasi oras na mawalan ako ng kabaitan eh hindi na ako babalik dito. Remember, ikaw yung nagpabalik sa akin sa bench." mataray na sagot ni Marina

"Oo na, ito na nga eh. Sorry na po ate ah, sasama na po ako sa murals. Teka, bakit doon pa eh pwede naman na dito na lang tayo mag-usap?" pagtataka ni Aeious

"Sumama ka na lang, mas okay kung kaharap natin ang murals habang nag-uusap." sagot naman ni Marina

Wala nang nagawa si Aeious kundi sumunod na lang, baka kasi kapag inasar pa niya ang babaeng iyon ay kung ano na ang gawin sa kanya. Hindi na siya sanay magtiwala sa tao, pero pagdating sa babaeng ito ay napapasunod na lang siya.

Aeious (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora