Dear Ayesha,
Nabalitaan ko sa kaklase mo kahapon na nagkaroon daw sila ng remedial. Kasi lahat daw kayo di nakapasa sa exam noon. Maylabs di ka din ba nakapasa? Ay sinabi nga pala na di kayo nakapasa lahat. Alam mo ba? Pareho lang tayo hehe 10 out of 50 nga lang ako eh hehe. Di talaga ako biniyayaan ng talino.
Inggit tuloy ako kay Aoozi kasi ang talino niya pagdating sa essay. Sumali kasi siya sa essay kaya excempted na siya sa Exam. Nakakainis kasi pahiga higa lang siya habang kami ay nagpapakahirap sa exam ng dragona naming guro
Nga pala maylabs. Sana sa paggising mo, magreview tayong dalawa hehe. Para mas mataas ang makuha nating grades. Alam mo ba may alam akong Pwedeng istambayan habang nagrereview
Doon sa likod ng school. Ano natakot ka agad? Di naman totoo yung sabi-sabing multo doon eh. Actually ako ang nagkalat na may multo doon para walang pumunta doon sa spot ko sa may puno ng mangga
Ang ganda kasi doon. Ang sariwa ng hangin. Sarap doon iganap ang kasal natin
Ay kasal agad hehe
Pagod na akong magsulat mmaylabs pero ang dami kong gustong sabihin sayo
Ps. Pagaling ka maylabs ha? Ikakasal pa tayo doon sa likod ng school. Naku talaga yang kumagat sayong lamok. Pag nakita ko siya, kakagatin ko din siya
Kakagat sa kumagat sayo,
10:10 Hoshoshi
BINABASA MO ANG
Letters || Kwon Hoshi
Short Story[COMPLETED ||UNEDITED] (1.0 - 1.25) Dear Ayesha, I like you po. Kaso di ko masabi ng direkta kaya sasabihin ko nalang through letters habang wala ka Boy Next Door, 10:10 Hoshoshi. Naega Hosh♡ (2.0 - 2.25) Dear Hoshi, Tae Crush na ospi...