AUTHOR'S NOTE:
Kamusta na kayong lahat guys? Nyahahahahaha. Namiss ko yung readers ko pati narin si Wattpad. Pasensya na po ah kung di na ako nakakapagUD, medyo iniiwasan ko na kasi yung net dahil nagpapataas ako ng grades. Sana po maintindihan nyo ako dahil ako po'y isang graduating student. >:D Ito na po ang update. Enjoy everyone :))
**Short UD lang po ata ito, di ko sure??
---
CHAPTER 21: Danger is coming
Nang makadating na ako sa pintuan ay biglang lumabas si Zac na hingal na hingal.
"We have to go" pagmamadali niyang sabi sabay hila sa akin
"Huh? Eh Zac may audition pa ako" sigaw ko sakanya habang tumatakbo parin
Bigla siyang tumigil sa end ng corridor, nafefeel kong may paparating na panganib at inaalam lang ni Zac kung asan nga ba yun.
"Andito sila. Delikado tayo"kinakabahan na sabi ni Zac saakin. Halatang halata sa kilos niya na hindi siya mapakali. Ako naman tong si ewan tinitingnan lang siya at hindi alam ang gagawin.Sa dinami-dami ng araw bakit ngayon pa. Bakit sa araw pa na kayang ko ng lumaban? Bakit sa araw pa na kaya ko ng harapin ang lahat? Mukhang hindi pa talaga ako handa.
"Sh*t!" hinila ako ni Zac papunta doon sa likod ng locker
"Nandito ang itinakda" sabi ng isang lalaki
"sigurado ka ba diyan ha? ayoko ng palpak sa aking mga plano" sabi ng isang babae sa kasama niyang lalaki
"Z-zac hinahanap ata nila ako" nanginginig na sinabi ko kay Zac pero isang pagkakamali pala ang aking ginawa. Dahil sa sobrang kaba ko ay napalakas ang aking boses na nagdulot para marinig nila ako. Narinig ko ang dahan-dahan nilang mga hakbang papalapit saamin. Napapikit nalang ako sa kaba. Paano na to?
"Pagkabilang ko ng tatlo, tatakbo tayo. Gets?" bulong saakin ni Zac
Tumango nalang ako. Ito nalang ang natitirang paraan at hindi ako papayag na makuha nila ang kailangan nila sa akin.
"1..."
Sa bawat pagbilang ni Zac ay naririnig ko rin ang kanilang hakbang
"2....."
Malapit na sila.
"...... SHEMS!!!" Aruuuy! Sabi ni Zac sa 3 na kami tatakbo, pero ayun nabakla ata siya kaya biglaan akong hinila. Tumama tuloy yung hintuturo ng paa ko sa locker at naiwan yung kapares ng sapatos ko.
***
"Ano ka ba naman Zac. Forever Failure ka talaga -__-" inis na sabi ko habang naglalakad kami dito sa kalsada not to mention nakayapak po ako habang hawak hawak yung naiwang kapares ng sapatos ko.
"Pasensya naman, kinabahan kasi talaga ako" kabadingan nito
"Oh? Pano na yan? Edi di na ako makakapasok dun. Kainis naman eh, andun na yung chance ko oh" sa lahat kasi ng araw bakit ngayon pa. Hindi man lang sila marunong mamili ng date sa calendar.
*ring*ring*
"Oy wait lang. May tumatawag sayo"
"Hello? Ah, sige po sasabihin ko po. We'll be there in 5 minutes." -Zac
"Sabi nung President bumalik tayo dun para sa audition mo. Now na."
"Oh sige, pero ... baka andun pa yung nanghahabol sa atin kanina"
"Actually di naman talaga tayo sure kung ikaw talaga ang hinahanap. Tsaka diba gusto mo ng magaudition. Ito na yung chance mo oh" tumango nalang ako. Ang weird lang kasi never pang binabawi ni Zac yung mga sinasabi nya. Puro accurate at sure ang nasasagap nya sa instincts nya, tapos bigla nalang nyang sasabihin na hindi kami sure kung ako talaga yung hinahanap? ang gulo. Pero dahil ito na yung pinakainaasam ko, tutuloy parin ako.
***
AUDITION
***
Naglakad ako papuntang stage na pinagtitinginan ng mga tao. Bawat hakbang ko bilang nila, bawat hininga ko pakiramdam ko kontrolado nila. Pero sino ba naman kasi ang hindi pagtitinginan kung pupunta ka sa entablado ng nakayapak.
"Hello everyone. Naomi Tan is the name. A girl whose changing her destiny and I'm starting right now."
A deep breath was produce before I grab for the microphone.
[[listen to the song-->]]
Now the real battle is about to start. It is not really easy being me, so to the one who stole my destiny notebook you. cannot. defeat. me. I am stronger than anyone else. I will not just stand still and look pretty.
YOU ARE READING
I Control your Destiny(UNDER REVISION)
Mystery / Thriller(STATUS: UNDER REVISION. I'M REMOVING IMMATURE SCENES+ PINAAYOS NA STORYLINE) A story about a girl named Naomi Tan who can control people's destiny. But what if one day she woke up and find her Destiny Notebook is missing and it is already in other...
