Singko

1.6K 29 26
                                    

IKALIMANG KABANATA

 

 

“Ay putspa!” irita kong reklamo sabay tabig ng isang kamay na may hawak na cotton balls. Shems lang dahil tinapatan niya ako ng bulak na may menthol ekek. Ayaw na ayaw ko sa amoy na yun dahil everytime na nakaka-amoy ako nun ay feeling ko mayroon akong malalang sakit yung tipong bedridden ang peg.

“Ang brutal mo, pwede ba?” Napabalikwas naman ako agad ng bangon dahil katabi ko ngayon si baks. Hindi naman yung magkatabi sa kama na parang couple (eeeww), nakahiga kasi ako tapos siya nakaupo sa may uluhan ko. Nilibot ko naman ang paningin ko at napataas agad ng kilay dahil sa pagkaka-alam ko ay hindi kulay white ang walls ng dorm namin kundi kulay beige.

“Kwarto mo?” tanong ko sabay tayo mula sa kama at nag-unat. Nakaramdam na naman ako ng hilo, siguro dahil doon sa menthol na halos ipasok na niya sa loob ng butas ng ilong ko. Eeewy!

“Ay hinde banyo ko ito!Malamang! Lakas mo maka-best actress kanina eh! Wala ka bang matirhan at nagpanggap kang hinimatay para may magpatuloy sayo sa bahay nila?!” Ayan na naman po siya! Napakalakas sumigaw daig pa yung mga nagchicheer sa basketball at nagtitilian sa concert. Sarap ilampaso!

“Wow. Ano ako tuta na gusto magpa-ampon? Leche! Kung sayo lang naman huwag nalang!” inihagis ko sa kanya yung kumot na dapat ay tutupiin ko dahil may hiya rin naman akong taglay pero dahil sa sobrang hospitable nitong si baks(sarcasm please) ay nagsitaguan yung hiya cells ko. Nagmamadali akong dumiretso sa pintuan niya at pipihitin na ang seradura nang pigilan niya ako.

“Bawal kang lumabas”

“Aba’y bakit? Sayo ba tong pintuan? Hanep naman baks! Palabasin mo nga ako! Wag kang humarang sa daan!” sabay tulak sa kanya pero ang lakas pala nito ni baks. Bakla ba talaga to?

“Could you please lower down your voice? They might hear you!” pasigaw niyang bulong sa akin. Biruin niyo possible pala yun? Pero teka? They might hear me? Ano?! Binubugaw ba ako ng isang to? Ibebenta sa mga foreigner? Hindi ako bibilhin ng mga yun dahil hindi ako morena! Waaaaaaaaaaa!!!! Hindi kaya irerape ako nito? Noooooooooooooooo!!

“H-hoy! W-wala akong balak m-mag pa-rape sayo b-baks!” Mukhang kinulang ata ako sa novena noong nakaraang linggo! Huhuhuhuhu

“The hell?! Wala akong pagnanasa sa iyo noh? Maghunos dili ka nga!”

“Talaga la—“

Kuya? Are you talking with someone? Parang may girl diyan sa loob ng room mo ah?” Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil doon sa isang boses na nagtatanong mula sa labas ng kwarto. Kumakatok pa ito ng maraming beses at gusto talagang buksan yung pintuan.

Oh no! Pinihit ni baks yung pintuan at sinilip ang ulo sa labas. Ako naman tong si ewan dali-daling nagtago sa likod ni mareng pinto.

“A-ah n-nanonood lang ako ng movie sa laptop Twain. And hey! Why are you still awake? Better get some sleep young lady!” Wowowow! Gawing tanga ang kapatid? Iba kaya ang sound ng voice mula sa movie kaysa sa personal.

I Control your Destiny(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon