XX. Could I Love You Any More?

Start from the beginning
                                    

"Destiny's Heart?" ulit nito.

Mapait siyang napangiti. "Nang gabing nasimulan ko 'to isa lang nasa isip at puso ko noon. Na sana magkapuso ang tadhana at pakinggan niya rin ako. Na sana tumibok ang puso niya para sa'kin. Na sana, ibigay niya sa'kin ang tamang taong tatanggap at magmamahal sa'kin sakabila ng mga nagawa kong masama sa ibang tao. It was more like a song of prayer for destiny."

"Kaya pala malungkot ang kanta."

"Malungkot ba masyado?"

"Not really, ramdam ko pa rin ang hopefulness sa musika. Malungkot siya dahil parang wala pa siyang nakukuhang sagot sa kabila ng mga dasal niya. Pero patuloy pa rin siya sa pagdadasal na sana pakinggan na siya. It sounded like a lullaby of hope to me. It's really beautiful, Alyce."

Lalo siyang napangiti. "Thank you."

"Sana sa susunod na marinig ko ang kanta na 'yan buo na. Hindi sa pini-pressure kita, pero parang ganoon na nga."

Napamaang siya. "Wow naman! Sa tingin mo madali sa'kin ang matapos 'to?"

"Hindi, pero alam kong kaya mo. You're Alyce Alonzo. The most talented pianist in my life."

"Hindi nga? Mas magaling pa ako kay Allysa?"

"Magaling si Allysa pero ang sinabi ko, in my life 'di ba? So para sa'kin, ikaw ang pinakamagaling sa lahat." Inakbayan siya nito. "Hindi ka man nila ma appreciate, para sa'kin, magaling ka at kamahal-mahal bilang isang tao."

Hayan na, kinilig na siya nang sobra. Lihim niyang nakagat ang labi sa pagpipigil na mapangiti nang malaki.

"Pero mas magaling pa rin si Allysa?" giit pa niya.

"Pero mas maganda ka."

"Pareho lang kami ng mukha Darwin."

Ngumisi ito. "Mas maldita ka naman."

"Bwesit ka!" Akmang itutulak niya ito nang matigilan siya sa uri ng pagkakatingin nito sa kanya. "Bakit?"

"Bakit ba laging sumasagi sa isipan ko na halikan ka?"

"Ha?"

"Kahit na wala ka namang ginagawa. Kahit na naiinis ka pa sa'kin. Hindi ko mapigilan na tignan ang mga labi mo. Gustong-gusto kitang halikan lagi kahit na wala akong matinong rason."

"Ayokong halikan mo ko."

Kumunot ang noo nito. "Bakit?"

"Kasi aalisin mo na naman ang memorya ko. Hinahalikan mo lang ako kapag may aalisin ka sa isip ko." Itinulak niya ito palayo. "Ayoko!"

"Hindi ko na gagawin 'yon. Hindi ko na aalisin ang memorya mo. It's useless anyway."

"Maniwala ak -" Hindi na niya natapos ang sasabihin pa dahil bigla na lang siya nitong hinalikan sa mga labi. Naipikit niya ang mga mata nang maramdaman niya ang masuyong hagod ng mga labi nito sa kanya.

May pagmamahal na gumanti siya ng halik. Naramdaman naman niya ang paglapat ng isang palad nito sa kanyang likod. He pressed their bodies closer habang nakaalalay naman ang isang kamay nito sa may batok niya. Nailapat niya ang dalawang palad sa dibdib nito habang mas lalong pinailaliman ang halik.

Parehong habol ang hininga na kumalas sila sa isa't isa. Nagsalubong ang mga mata nila nang iangat niya ang mukha rito.

"May naalis ba sa memorya mo ET?" hinihingal na tanong nito. Umiling siya. "Then, I guess, it's okay if I kiss you anytime." Muli siya nitong siniil ng halik sa mga labi na buong puso rin niyang tinugon.


"ALAM mo noong bata ako, hindi talaga ako naging friendly as a kid," kwento niya kay Darwin habang naglalakad sila sa isang park malapit lang din sa subdivision at DF. Pareho silang may kain-kain na ice cream. May mga puno at bulaklak sa mga magkasing-gilid nila. Pero karamihan sa mga 'yon ay hindi pa namumukad-kad. "I usually pick my friends, pero hindi ako naging wise picker kasi palaging maling mga tao ang nagiging kaibigan ko. 'Yong iba, naging bad influence sa'kin. Kaya, heto ako ngayon, iniwan na nilang lahat."

"Nagkaroon ka naman ng bagong mga kaibigan."

"Tama, saka mas naging close kami ni Allysa. Okay na ako roon. Masaya na ako. Kapag gumaling na si Mama. Alam kong magiging okay pa rin ang lahat."

Nakasunod lang ito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit hindi ito umaagapay ng lakad sa kanya. Nakangiti lang si Darwin habang inuubos ang ice cream nitong hawak.

Naigala niya ang tingin sa paligid. Maganda sana ang lugar kung buhay ang mga bulaklak at hindi mukhang pinabayaan ang mga puno.

"Alam mo ba, noong bata pa ako," basag niya ulit. "Ang park na 'to ang isa sa mga magandang lugar na pinupuntahan namin noon. Lagi kaming dinadala ni Papa rito. Umuulan ng mga iba't ibang kulay ng mga petals ang mga puno sa tuwing nadadaan ang malakas na ihip ng hangin. Sisigaw kami pareho ni Allysa at isa - isang pupulutin ang mga talulot ng mga bulaklak. Pero mukhang hindi na naalagaan ang lugar na 'to kaya 'di na namumukad-kad ang mga puno ng mga bulaklak."

"You want to see them blooming again?"

"Sana."

"They will."

Nilingon niya ito. "Paano?"

"You just have to believe ET."

Tipid na ngumiti lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad nang matigilan siya. Napahinto siya sa paglalakad nang isa-isang namukadkad ng mga bulaklak ang mga puno sa magkabila niya. Parang mga ilaw na sinindihan isa-isa.

Napasinghap siya sa sobrang pagkapamangha. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang malakas na ihip ng hangin na siyang umalog sa mga dahon ng puno. Tila umuulan ng mga bulaklak.

"Was it as beautiful as this before?" tanong ni Darwin.

Nasa tabi na niya ito ngayon.

"You did this?" namimilog ang mga matang balik tanong niya.

"Someone wished for this."

She can't help her smile. "I love you." Namilog ang mga mata nito. Natawa sa gulat na ekpresyon nito. "Ngayon lang ba may nagsabi sa'yo ng I love you?"

Natawa ito. "'Yan ba ang bagong thank you natin?"

"I love you."

"Ouy evoli oot, ET."

Kumunot ang noo niya. "What language is that?"

"Alien language," sagot nito sabay tawa nang malakas. Hinawakan nito ang kamay niya at pinaghugpong ang mga daliri nila. "Pinag-aralan ko ang linggwahe mo para magkaintindihan tayo."

"Pero bakit 'di kita maintindihan?"

Nagsimula silang maglakad sa lilim ng mga punong tila patak ng ulan ang mga talulot ng mga bulaklak na nalalagas.

"Kwentuhan mo pa ako tungkol sa'yo. Gusto kong malaman kung paano nabuo ang pink mong sungay."

"Bully ka talaga!"

Tinawanan lang siya nito.

Pareho silang huminto sa harap ng isang babaeng may hawak na gitara at kumakanta. Nakabukas ang guitar case nito sa may paanan nito. May iilang pera na rin sa loob nun. Hindi lang sila ang napahinto para pakinggan ang babae.

Full moon, bedroom, stars in your eyes. Last night, the first time that I realized, the glow between us felt so right. We sat on the edge of the bed and you said, 'I never knew that I could feel this way.' Love today can be so difficult. But what we have I know is different... 'cause when I'm with you the world stops turning.

Nakangiting naingat niya ang mukha kay Darwin.

Could I love you any more? Could I love you any more?

"Could I love you any more?" sabay nito sa kanta nang walang boses na lumalabas sa bibig nito.

Darwin then playfully messed her hair and wink.

Sa huli ay napangiti na lamang siya.

How I wish we'll have more days to love each other.

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Where stories live. Discover now