XX. Could I Love You Any More?

Magsimula sa umpisa
                                    

Naingat niya ang mukha rito. "Nang ano?"

"Ako ang boyfriend mo so dapat ako ang mag-effort para sa'yo."

"Tayo na ba?" nakangiti niyang sagot. May bahagi sa puso niya na kinilig.

"Manligaw kaya muna ako -"

"Ayoko!" Mabilis na iling niya. "Fast forward na lang tayo. Ilang buwan na nasayang natin. Okay na 'yon." Natawa ito sa sinabi niya. "Ang rupok ko ba?"

"Hindi ko naramdaman," sagot nito. Bahagyang nakahawak ito sa bibig na para bang nagpipigil ulit ng tawa.

"Darwin!"

"Oo na! Seryoso na nga." Tumayo ito mula sa pagkakaupo nito sa silya sa tabi ng kama niya at lumipat ng upo sa tabi niya. "Ang layo natin sa isa't isa." Umisod siya para maging komportable silang dalawa sa maliit na kama.

Naglapat ang mga labi niya nang paghugpungin nito ang mga kamay nila. Napatingin sila sa isa't isa. Bigla-bigla ay naramdaman niya ang malakas na tibok ng puso niya.

"I can hear your heart beat, ET."

Namilog ang mga mata niya. "N-Naririnig mo?" Ramdam niya ang pag-akyat ng dugo sa mga pisngi niya. "Malakas ba masyado?"

Nakangiting tumango ito. "Kasing lakas din ng tibok ng puso ko nang mga oras na 'to."

"Talaga?!" Mabilis na inihilig niya ang ulo sa dibdib nito. Inalapat ang tenga niya sa may bandang puso ni Darwin. Lumaki ang ngiti niya. Talagang malakas ang tibok ng puso nito. "Totoo nga."

"'Yan ang nagagawa mo sa tuwing malapit ka sa'kin."

Umayos ulit siya ng upo. Sinalubong niya ang nangingislap na mga mata nito. "Pinipigilan mo lang ba 'to?"

He nodded. "Ganito pala ang pakiramdam kapag pinipigilan ang sariling nararamdaman. Mas lalong gustong kumawala. Now I know, why some, were miserable. Nakaka-tang-na-juice pala talaga ang magtago ng totoong nararamdaman."

Natawa siya. "Nakakainis, 'no?"

"Nakakabwesit."

"Pero ngayon? Masaya ka na?"

"I'll be brutally and selfishly honest with you ET. I am."

Inihilig niya ang ulo sa balikat nito. "Then let's love selfishly."





"HOW was it?" baling na tanong niya kay Darwin. Tumigil siya hanggang sa chorus. Hindi pa talaga tapos ang kini-compose niyang kanta. "Maganda ba 'yong melody?"

"'Di mo pa rin tapos 'yan?"

"Alam mo?"

"Lagi akong nagbabantay sa'yo. Rinig na rinig kita mula sa bubong n'yo. Ilang buwan mo na 'yang binubuo."

"So you're stalking me? Kaya pala minsan nararamdaman kong may nakatingin sa'kin kapag lumalabas ako ng balcony."

"Well, hindi naman madalas. Pero 'di ko lang mapigilan na bantayan ka hanggang sa makatulog ka. Madalas ko kasing maramdaman ang uneasiness mo lalo na sa gabi. Lagi ka ring dinadalaw ng mga masasamang panaginip. Parang naging routine ko na talaga na hintayin kang matulog bago ako bumalik sa Fate."

Napangiti siya. "That's sweet of you."

Inagaw niya sa'kin ang music notes kong hawak at tinignan 'yon. "Hindi ako marunong bumasa ng nota pero maganda talaga ang ginawa mong kanta. Sana matapos mo na 'to." Muli nitong ibinaling ang tingin sa kanya. "Tiyak akong madami ang makaka-appreciate ng musikang binuo mo."

"Matatapos ko rin 'yan." Kinuha niya mula rito ang music notes niya.

"May title na ba 'yan?"

"Destiny's Heart."

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon