CHAPTER 29

14.8K 290 2
                                    

"She's alive... pa-paanong nangyari?" tanong ni AV sa sarili kaya agad na nitong tinawagan si RE at....

"Miss. Fajardo this is AV... andyan ba ang boss mo?" tanong agad ni AV sa secretary ni RE.

"Good morning sir AV.... wala pa po... mamayang hapon pa po pupunta si Sir RE dito sa office, Sir." sagot ni Lyn kay AV.

"Ganun ba... where is he right now?" tanong uli ni AV dito.

"Nasa bahay po nila Sir... with Ma'am Ella." sagot ni Lyn kay AV.

"OK Miss Fajardo thank you." paalam agad ni AV sa secretary ni RE at agad nitong kinuha ang susi ng sport car nito't pumunta sa parking lot.... kung saan nakatago ang sasakayan nito..... pagsakay palang ni AV sa sasakyan nito ay agad na nitong  pinasipad ang sasakyan nito papunta sa bahay nila RE.

"RE... why don't you tell me na ito ang laman ng envelope na binigay mo sa akin noon." sa isip ni AV.

Paglipas ng ilang minuto ay nasa tapat na ng mansion nila RE ang sasakyan ni AV at agad na itong bumisina para pagbuksan ito ng mga kasambahay ng mga Saveren....

"Beppppp.... Beppppp..." busina ng sasakyan ni AV na siya namang agad na pagbumukas ng gate para sa kanya.

Pagkaparada palang ng sasakyan nito ay agad na itong bumaba at hinanap si RE....

"Tinay!" tawag nito sa isang katulong nila RE.

"Yes sir."

"Where's RE?"

"Nasa harden po Sir kasama si Ma'am Ella." sagot nito kay AV.

"Ah... Ok... Thank you." pasasalamat ni AV dito at tinakbo na nito ang daan papunta sa maluwang na harden nila RE at pagkarating nito sa bukana ng harden ay nakita niya ito na masayang karga-karga nito ang anak nila ng asawa nitong si Ella, sa paglingon ni RE sa kinatatayuan niya ay napangiti ito sa kanya....

"Owww... Pare youre here!" masayang bati ni RE dito at lumapit ito kay AV at.... "Baby say hi to ninong." utos nito sa anak nito na parang nakakaintindi narin dahil ngumiti ang bata kay AV.

"Yes Pare, I'm here!" matigas na sagot ni AV dito ng matapos nitong halikan ang bata at.... "Hi! Ella!" bati nito sa asawa ni RE ng lumapit narin ito sa kanila.

"Hello! AV!... may kailangan ka ba sa asawa ko?" takang tanong nito kay AV.

"Yes Ella... malaki... dahil nakasalalay  sa kanya ang kaligayahan at buhay ko.... at sa mga magiging sagot ng asawa mo sa mga tanong ko sa kanya." makahulugang sagot ni AV kay Ella sabay taas ng hawak nitong envelope na siya namang kinangiti ni RE kaya....

"Honey, pakikuha muna si Baby..... may pag-uusapan lang kami ni Pareng AV." saad ni RE sa asawa nito na siya namang kuha ni Ella sa anak nila at dinala na nito sa loob ng mansion.

"Ano mga ito pare?" tanong agad ni AV dito sabay lapag ng envelope sa mesa sa harden ng mga Saveren.

"So.... so nakita mo na pala iyan? I thought kailangan ko pang magbilang ng dalawang araw para puntahan na kita sa opisina mo para basahin isa-isa ang mga iyan sa iyo at para.... para malinawan ang isip mo." saad ni RE dito sabay kuha ng mga papel na laman ng envelope.

"Saan mo nakuha ang mga ito Pare?" tanong agad ni AV kay RE..... "Paanong nangyaring buhay pa si Felicity?" dagdag na nito kay RE. 

"Pare... relax ka lang.... isa-isang tanong lang." sagot naman ni RE dito.

ARON VINCENT CAMELLO "THE MR. PERFECTIONIST" THE RCKADZ BOYS SERIES 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon