CHAPTER 21

14.7K 304 2
                                    

"Ohhh... ZC w-what are you doing here?" nag-aalalang tanong ni Jopay dito ng makalapit na ito sa kanya.... "God!!! baka nakita at narinig kami ni ZC kung ano ang pinag-uusapan namin ni Jaiden... huwag naman po sana." piping panalangin ni Jopay.

"N-napadaan lang ako.... Yeah! Thats right....napadaan lang ako at para kasing familliar sa akin ang lugar na ito... dito ka pala nakatira.... nakalimutan ko." wika ni ZC sabay hilamos ng kamay nito sa mukha.

"O-oo... b-bakit? Di ba kasama mo noon si AV na naghatid ng damit ko noong kasal ni Mr. Derick Villarama." paalala pa nito kay ZC... "at saka anong ginagawa mo dito?" sagot at tanong nito kay ZC.

"Yeah! I remember now." sagot naman nito... "Wala.... wala n-napadaan nga lang ako dito, magkaibigan pala kayo ni Marie?" dagdag pa na tanong nito kay Jopay.

"Kilala mo ang kaibigan ko?" balik tanong nito kay ZC... "Anong mayroon naman itong dalawang ito na hindi ko alam.... bat parang .... huwag naman po sana.... huwag naman po sana na pati ang kaibigan ko masangkot din ang pangalan nito sa isa ring grupo ng RCKADZ BOYS at kay ZC pa." hiling ni Jopay sa sarili nito.

"O-oo pero hindi naman gaano.... Bakit ngayon ka lang umuwi?" pag-iiba nito sa usapan nila.

"A-ahhhh nagkita kasi kami ni Mr. Craw... at nagtanong siya about sa ibang proposal ni Sir AV sa akin dahil hindi nya kasi makuntak si sir AV... kaya ako ang tinawagan nito."

"Ahhh... ganun ba?" tanging sagot ni ZC dito.... "Sige mauuna na ako ah.... huwag mo ng banggitin na nakita mo ako dito sa kaibigan mo dahil ikaw lang naman ang nakita ko kanina kaya huminto ako dito." hiling pa nito kay Jopay.

"Ok... ingat ZC."

"Thank you bye..." paalam ni ZC dito.

Samantala sa pintuan naman ay salubong parin ang kilay ni Marie sa paghahanap kung sino ang kumatok kanina... 

"Kakatok katok wala namang tao." sa isip ni Marie at isasarado na sana nito ng makita niya si Jopay na papalapit sa pintuan nila.

"Jopay billlliiiiissss!!!!"  tawag ni Marie dito.

"Bakit?" nag-aalalang tanong ni Jopay dito.

"Kanina pa kita tinatawagan... hindi mo sinasagot ang cp mo.... buti nalang at dito ka dumaan."

"Bakit ba Marie? Kung mapagsalita ka para kang... puno ka pag-alala?" kunot  noong tanong ni Jopay dito.

"Talagang punong-puno dahil kanina pa naghihintay iyong bisita mo sa loob ng bahay." mahinang saad ni Marie dito.

"Bisita?!!! Sino?!!!" nagtatakang tanong ni Jopay dito.

"Pumasok ka na doon para malaman mo kung sino." utos nito dito na siya namang ginawa ni Jopay at ganun nalang ang gulat nito ng mapagsino nito ang bisita niya...

"A-AV!" tawag niya dito ng tuluyan na itong makalapit sa binata.... "B-Bakit ka andito? Di ba kasama mo sila KM kanina?" mga tanong ni Jopay dito.

"Pagkaalis nyo kanina umuwi na si DL at KM, at si CK naman may pictorial pa kinabukasan kaya hindi siya pwedeng magpuyat... kaya naiisipan kong dumaan dito bago ako uuwi."

"Pasinsya ka na nagkita kasi kami ni ZC sa labas at nagkwentuhan kunti... kaya medyo late na akong nakauwi." alibi ni Jopay kay AV... at dahil sa pagbanggit ni Jopay sa pangalang ZC ay agad namang tumingin si Marie sa kanya na mas lalong nagpatibay ng hinala nito na ang kaibigan nito at si ZC De Luna ay may isyong hinaharap.... "I think.... I'm right." sa isip pa ni Jopay.

ARON VINCENT CAMELLO "THE MR. PERFECTIONIST" THE RCKADZ BOYS SERIES 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon