TEASER:

55.7K 611 8
                                    





ARON VINCENT CAMELLO, o mas kilalang AV sa grupong RCKADZ BOYS, isang tanyag at kilalang business man at nag-iisang tagapagmana ng AVC EMPIRE na isang pinakamalaki at matatag na negosyo sa labas at loob ng bansa. Pagmamay-ari ng pamilya nito ang naglalakihang hotel sa bansa.... ang AVC HOTEL. Sa edad na 30 siya na ang CEO ng kanilang kumpanya, kaya maraming babae nagkakandarapa na makasilo sa isang AV Camello.

"ALL GIRLS ARE JUST FOR FUN! and ALL GIRLS ARE SO CLUMSY AND AMBITIOUS" ang motto ni AV sa mga babaing gustong makipagrelasyon o makalapit sa kanya.

Nagsimula ang mottong ito ni AV sa mga babae, ng masangkot ito sa isang iskandalo na kinasangkutan ng kanyang personal secretary, na siyang muntik ng nagpabagsak sa kanya at sa pamilya nito, kaya mula noon sumumpa siyang hinding-hindi na siya kailanman magsisiryuso sa isang relasyon at hinding-hindi kukuha ng isang babaing mapapalapit sa kanya.... lalo na kung may kinalaman sa trabaho at kumpanya nila at ayaw na ayaw nya ring nakakita ni katiting na pagkakamali sa kanyang kumpanya, kaya binansagan itong THE MR. PERFECTIONIST.

JOPAY ABELLERA, 27 years old, maganda, mabait at isang magaling na mamamahayag ng ABS WORLD NEWS sa ibang bansa. Dahil sa isang trahedya na sanhi ng pagkawala ng magulang niya ay kinakailangan niyang iwan ang kanyang trabaho pansamantala para umuwi ng Pilipinas.

Subalit sa pagkawala ng magulang nila.... siya ang sinisi ng kapatid nito, kaya kahit masakit sa kanya na iwang muli ang bahay na kinalakhan niya ay lumisan parin ito at bumalik sa ibang bansa para ipagpatuloy ang kanyang buhay.

Ngunit lumipas ang araw at ang kapatid naman nito ang nasangkot sa isang gulo, na sanhi ng pagpapatiwakal nito, kaya kinailangan niyang umuwi sa Pilipinas para alamin ang totoong dahilan ng pagkitil ng buhay nito.... na kesyong kalimutan nito ang tunay niyang pagkatao at makapasok sa kumpanya ng mga Camello ang AVC HOTEL. Dahil sa paraang ito niya maipaghihiganti ang kanyang kapatid..... sa taong may kinalaman sa pagpapakamatay ng ate niya at para naring makamit niya ang kapatawaran nito na nagpakamatay na may galit sa kanya.

Magtatagumpay kaya ang isang Jopay Abellera na pabagsakin ang isang Aron Vincent Camello kung sa unang silay palang niya dito ay tumibok na ang puso nito sa lalaking kinamumuhian at paghihigantihan niya... At makakapasok kaya ito bilang personal na secretarya ng CEO ng AVC HOTEL kung sa umpisa palang ay ayaw na ayaw na ni AV sa babaing secretarya...?

Paano kung isang araw ay makita ni Jopay ang taong akala niya ay hindi na nya makikita kahit kailan..... na puno pala ng kasinungalingan ang kanyang pagkawala....

Maitatama pa kaya nya ang kanyang pagkakamali? O hahayaan nalang nito, para makasama pa niya ng matagal ang taong tinitibok ng puso nito?

Kilalanin ang isang Aron Vincent Camello at si Jopay Abellera.....?

Anong mas mangingibabaw sa pagkakataong ito.... LOVE or HATRED?

ABANGAN!!!!!!!

ARON VINCENT CAMELLO "THE MR. PERFECTIONIST" THE RCKADZ BOYS SERIES 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon