"Tara." sang-ayon niya sakin.

Mercedes

Bakit tila bumabalik siya?

Bakit kailangang dito pa muling magtagpo ang aming landas.

Okay na ko eh nakalimutan ko na siya.

Nakalimutan ko na ang taong hindi ako pinaglaban kahit kailan..

"Cedes ano namang ginawa mo kay Keiron? Di ka na ba marunong mahiya para sa sarili mo." biglang sulpot ni Andrei ang pinsan ko.

"Pake mo ba." nakataas kilay na sagot ko sakanya.

"Di ganto ang pagkakilala ko sayo Cedes. Hindi ito ang Cedes na kilala namin nila Tita." pailing-iling na usal niya sakin.

"You know what Andrei. I'm not the Mercedes you know was know before. Ang lahat ay nagbabago Andrei pati ako nagbago simula ng di ako pinaglaban ng taong sobra kong minahal noon." umiiyak na bulyaw ko kay Andrei.

Natahimik siya at natulala.

Dahil walang kahit sinong nakakaalam sa mga kamag-anak na nagkaroon kami ng ugnayan ni Enzo. At walang nakakaalam ng mga nangyari sa buhay ko. Dahil di naman ako nagkwekwento sakanila.

Dahil lahat ng sakit at hirap na naramdaman ko ay sinarili ko.

Inilayo ko ang sarili ko sa buong angkan namin.

Naging wala akong imik pag nasa iisang okasyon ang pamilya namin.

Maging si Tita na nanay nila Andrei ay hirap akong kausapin at iaapproach dahil sa pagiging maldita ko.

At ang pinakahirap na tao upang kausapin ako ay ang nanay ko. Alam kong nasasaktan siya sa tuwing sinisigawan ko siya at sinasabihan ng masasakit na salita.

Pero ayokong ipakita sakanya ang dating ako.

"Di ko alam na may ganyan kang pinagdaanan Cedes walang kahit sinong nakakaalam kaya di namin alam kung paano ka iintindihin sa mga pinapakita mo samin." ani Andrei.

"Di niyo na dapat pang malaman at alamin dahil di niyo na mababago ito kahit sabihin ko pa sa inyo." mapait na ngiting usal ko sakanya.

"Pero nandito kami Cedes. Pamilya mo kami.. baka nakakalimutan mong kami ang pamilya mo. Kadugo mo kami Cedes pero di mo kami makapagkatiwalaan." malungkot na usal ni Andrei sakin.

Ako naman ang natahimik ngayon.

Sumosobra na ba talaga ko?

Nasobrahan na ba talaga ko?

"Sige ikaw na bahala sa buhay mo Cedes. Buhay mo yan eh.. pero sana tigilan mo na si Keiron mahiya ka naman para sa sarili mo. Tsaka si Tita naawa na ako sakanya. Para siyang bata na naghahanap ng atensyon mo.. sana balang araw bumalik ka sa dating ikaw. Dating ikaw na nakilala namin at pinalaki ni Tita." tumigil siya saglit at tsaka nagpatuloy. "And yes pain was the reason kung bakit nagbabago ang isang tao pero nasayo naman iyon kung magpapalamon ka sa sakit eh. But in your case Cedes nagpalamon ka eh hinayaan mong lamunin ka ng sakit na yan." nakangiting usal niya. "Umaasa kami Cedes na muli kang babalik samin. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal ka namin." huling sambit niya tsaka siya naglakad palapit sakin at niyakap ako and he kiss my forehead.

Tsaka naglaho na parang bula.

Di ako nakagalaw sa kinatatayuan para akong naestatwa at maging mga paa ko ay di ko maihakbang.

At di ko na namalayan ang pagbagsak ng mga luha ko.

Sumobra na ata ako.

Kasi pati mga tunay na nagmamahal sakin nakalimutan ko sila.

Nakalimutan ko ang tunay na ako.

Dahil sa isang beses akong nasaktan pati ibang tao nadamay ko na.

Di ko na alam ang nangyari.

Ang tanging alam ko nalang ay nagkukusa ang aking mga paa na maglakad papunta sa kwarto ng dorm at dumeretso sa cabinet at binuksan ang drawer at dinampot ang matalas na cutter.

Napangiti ako ng pait.

Wala na akong karapatan pang mabuhay sa mundong ito.

Napakarami ko ng nasaktan.

At tsaka ko dahan-dahang itinarak ang cutter sa dibdib ko.

Nanghina ako at bumagsak sa sahig.

This was a goodbye!

Tapos na!

Magtatapos na lahat dito.

And suddenly everything was black.

A/N:

Patay na ba talaga si Cedes?

Sino gustong mabuhay pa siya at makilala ang Cedes na sinasabi ni Andrei?

Comment below. Sa mga gusto pang mabuhay si Cedes ❤

So ayun guys ngayon lang po ulit ako nakapag-update almost a month siguro bago ako nakapag-update.

Hi guys I miss youuu!

Thankyou for your time to read this!♡

- And gusto ko lang po idagdag na bukas na po ang announcement ng Wattys2019. And yes the 1st book and this 2nd book ay isinali ko sa contest na yun. Wish me luck! tomorrow for the result ❤

-paraiso_neo ❤











Sandiwa Jewel is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon