CHAPTER 1

14 0 0
                                    

AUTUMN

I am facing the mirror, studying my own reflection. Pilit kong inaalala ang lahat ng nangyari. What happened back then, I can't really fully imagine.

Ilang minuto na rin akong nakatayo at nakatulala lang dito. Hanggang sa makita ko ang repleksyon ng aking ina. Nakatayo siya sa aking likuran and I can tell by the look of her face and by the shape of her lips that she is so happy.

"Bagay na bagay sa'yo, anak." sabi niya at nakita ko sa salamin na lumapad ang aking mga labi.

Thank you for your unending support, mom.

I faced her at yumakap dito ng mahigpit, "Proud na proud ako sa'yo, you reached your dream."

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang aking mga luha. Hindi ko makakalimutan ang nangyari. The time that I cried for over a week, the time that I finally touched the sky. The time that I become one of the prosecutors in the Philippines.

Yes, I made it through. I got my law degree. I am now— Prosecutor Autumn Celeste Madrid. And I will serve the people and society, I'll make the world fair and not unjust.

Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa harapan ng isang gusali. DOJ or known as Department of Justice where professional lawyers, prosecutors and all those who practiced law lived their life for. I've always wanted to come here. I'm always hoping that one day I'll be a part of them and guess what, it happened since I really make it to happen.

I breathe in and out bago pumasok. Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman ngayon pero nangingibabaw pa rin ang saya.

"Prosecutor Madrid!" Someone called me. Napatingin naman ako and I saw a woman with her chin up.

I am stunned when I realized who it is. Secretary Corine Wright of DOJ. God! Even though she's a woman ay ang astig niya. Yes, I idolized her that much.

"Finally, you came." Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang nakangiti.

I can't utter a word. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

"Follow me. This is your first, right?" I just nodded. Hindi na ako nagsalita since words hate me at this moment.

Nagsimula na siyang maglakad. I just quietly followed her. Nakasunod lang ako sa kaniya and all this time ay tinititigan ko lang ang kaniyang likod.

Iniidolo ko talaga siya. I badly want to hug her.

"Are you informed that while you're working with DOJ, hindi ka makakauwi ng bahay?" Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Nagulat naman ako. I have no idea about what she said.

Tumawa naman siya ng mapakla, "Based on your reaction, you're not informed."

"Yes, wala akong kaalam-alam. Hindi naman kasi sinabi sa akin." Sa wakas ay nakapagsalita na rin ako. Akala ko ay napepe na ako dahil sa babaeng kaharap ko ngayon.

"How old are you again? I sucked at memorizing information, you know?"

"I'm 26 years old." I answered her habang naiilang. Inisip ko ang lahat ng aking mga sinabi, I did not use formal words towards her. Am I doing it right?

She smiled at me, "Tara na, may mga cases ng paparating." sabi niya at muling naglakad. Kinakabahan na naman ako, first time kong mag-handle ng mga cases since this is my start.

Hinatid niya ako sa isang kwarto. Umalis din siya kaagad dahil may mga importante raw siyang aasikasuhin. I know that her life is so busy compared to all of us here.

"You must be the newbie?" tanong ng isang lalaki sa akin na medyo may katandaan na. Napatango naman ako at binigyan siya ng malawak na ngiti.

"That's your spot." Tinuro niya 'yung bakanteng spot sa may gilid. Pumunta naman ako kaagad doon. "Welcome to DOJ, Prosecutor Madrid." At ngumiti siya sa akin.

"Salamat." sabi ko na lang kahit na nagtataka. How come that he knows my name? Hindi pa naman ako nagpapakilala.

Napatingin naman ako sa lalaking tutok na tutok sa kaniyang laptop. Hindi niya ata napansin ang aking pagdating since he's busy.

Napansin kong bumukas ang pinto kaya napatingin ako rito. Iniluwa niyon ang isang babaeng may bitbit na mga papel.

Naglalakad siya papunta sa amin na may ngisi sa mga labi. Hindi ko alam pero nakakakilabot ang kaniyang ngisi.

"It's time for the case."


CapriFiji

PROSECUTED (ON-GOING)Where stories live. Discover now