Humiwalay narin muna ang iba sa magttropa. "Hoy!" sigaw ni Chan sa kanyang mga hyungs dahilan para mapalingon si Jeonghan.










"Aba sinong hinohoy mo? Walang galang ah." sambit ni Jeonghan.










"Hoy po!" (sTAN SB19 FOR A BETTER LIFE TNX!!!!)










Napa iling nalang si Jeonghan sa kalokohan ni Chan. Hindi na nya ito kinibo pa at nag ikot nalang rin muna sya.










"Wuv, mag cr lang ako ah. Babalik ako agad." paalam ni Seungcheol kay Jihoon bago ito halikan sa pisngi.










"Sige wuv. dito lang ako." sambit ni Jihoon at agad na humarap sa table nila. Pag tingin nya kasi sa likod nya'y lantaran kung mamicture ang mga tao na animo'y ngayon lang sila nakakita ng tao.










Nang makaalis na si Seungcheol ay kinuha muna ni Jihoon ang cellphone nya. Hindi rin naman sya mag iikot ikot dahil tinatamad sya at wala rin naman syang pupuntahang iba.










"Kayo na ba?" isang pamikyar na boses ang nakapag patigil kay Jihoon sa paglalaro ng cellphone. Hindi nya mawari kung bakit, pero parang tumigil ang mundo nya, parang. . . kinabahan sya bigla sa di malaman na dahilan, biglang bumilis ang tibok ng puso nya sa sobrang kaba.










At the same time, sumikip at kumirot ito ng bahagya.










Pag lingon nya, sya nga, sya nga na dumurog ng puso nya ilang taon na ang nakalilipas— ang nasa harap nya ngayon.










Hindi tumayo si Jihoon at nanatiling kalmado, ibinalik nya ang atensyon nya sa cellphone nya at hindi umimik rito. "Kayo na ba?" pag ulit ni Soonyoung sa tanong.










"Why do you care?" malamig na tanong ni Jihoon hindi man lang tinatapunan ng tingin si Soonyoung. Umupo si Soonyoung sa tabi nya.










Siguro ito na yung chance, chance para makipag ayos kay Jihoon. Chance na matagal na nyang gusto. . . chance na matagal na nyang hinihintay.










"Nagtatanong lang ako. . . k-kamusta ka naman?" tanong muli ni Soonyoung habang tinitignan si Jihoon.










"Ayos na ayos ako nung wala ka." hindi maintindihan ni Soonyoung kung bakit, kung bakit ang sakit ng marinig nya ang mga katagang 'yon kay Jihoon.










Hindi nya rin alam kung hindi nya lamg talaga maintindihan, o ayaw nya lang talagang intindihin. Matalino syang tao, pero pag dating kay Jihoon, natatanga sya, nalilito't nabobobo sya.










Ganon siguro talaga kapag may nararamdaman ka sa tao, o dikaya kapag may nagawa kang kasalanan sakanya, nagiging balisa ka, hindi mo na alam kung paano maging kalmado at hindi mo alam kung anong gagawin mo.









"I am happy to hear that." mapait na napangiti si Soonyoung habang nakatingin parin kay Jihoon, ngunit ang isa'y ni hindi man lang sya sinisilip. "Mag isa ka lang dito, saan mga kasama mo, Ji?"









"Wala kang pake kung nasaan sila. At isa pa, dont call me Ji. Hindi tayo close. Kailanman hindi tayo naging close." sambit ni Jihoon which made Soonyoung to pursed his lips trying hard to control himself.











"Ah oo nga pala. Nakalimutan mo na nga siguro ako hehe." napakamot ng ulo si Soonyoung at awkward na napangiti, kahit na alam naman nyang ayaw lang talaga syang makita ni Jihoon, kakapalan na talaga nya ang mukha nya.









"Kailan kaya mababalik yung dati nating pagkakaibigan?" this time, napatingin na si Jihoon sakanya. Malamig at walang emosyon ang tingin ni Jihoon sakanya. Ni hindi mo mabasa kung ano nga ba ang iniisip nya, hindi mo matanto kung ano ang balak nyang sabihin.









"Pagkakaibigan? Hindi ba't sinabi ko na sayo na kahit kailan hindi tayo naging malapit sa isa't isa? Kung naging man, kalimutan mo na. Matagal ko ng kinalimutan yung mga basurang alaala na yun. At ito tandaan mo, ang baso kapag nabasag hinding hindi mo na mabubuo."










"Pero pwede mong palitan ng bago." sambit ni Soonyoung.










Galing mo naman palang magpalit. Sabagay dyan ka naman magaling. Kaya mo nga ako pinagpalit tapos ginawa mo pang kabit.










"Well, if that's the case i will never buy another one." sambit ni Jihoon bago muling tumutok sa cellphone nya. Akala nya'y mapapaalis na nya si Soonyoung pero hindi pa pala.










Ang tagal ni Seungcheol hyung.











"Jihoon, gusto ko lang naman magkaayos na tayo, mahir—"









"Hindi mahirap, pero ayoko. Naiintindihan mo ba? Ayoko. Pwede bang umalis ka na? Ayokong makita ka, pag nakikita kita nakakakita ako ng basura." aminin man o hindi ni Soonyoung pero totoo ngang nasaktan sya sa mga sinasabi ni Jihoon.










Totoo ngang tagos hanggang puso nya yung salita nito na parang kutsilyo sa talim at sakit ng dulot nito. Pero masisisi nya ba ito?










Hindi man nagsalita si Soonyoung, pero hindi parin sya umaalis sa pwesto nya dahilan para tingnan sya ni Jihoon ng nakataas ang kilay. "Oh? Bakit di ka pa umaalis? Ayaw mong umalis? Sige ako nalang a—" tatayo na sana si Jihoon ngunit naputol ang sasabihin nya ng hawakan ni Soonyoung ang balikat nya dahilan para mapaupo syang muli.










"H-hindi. W-wag kang umalis, Jihoon. A-ako nalang aalis. Sorry sa abala." mahinang sambit ni Soonyoung ng nakayuko sapat lang para marinig ni Jihoon bago ito umalis.










"Sinisira mo gabi ko, Kwon Soonyoung." bulong ni Jihoon, ngunit narinig parin ito ni Soonyoung sa kanyang pagtalikod.










Wala silang kaalam alam na, buong pag uusap nila'y nakatingin lang si Seungcheol sa malayo. Pinag mamasdan sila.









Napakagago mo, Kwon Soonyoung. Hindi mo na pwedeng saktan ulit si Jihoon. Hinding hindi.










————

i miss you all ;* namiss nyo pa q?!?!
sorry sa late update ㅠㅠ busy sa
school eh, daming ganap hehe.

fuck buddies • soonhoonWhere stories live. Discover now