Ikalimang kabanata

154 3 2
                                    

"Basilya!"

Lumingon ako upang makita Kung sino ang tumawag saakin, ngunit kahit Hindi na ako lumingon, kilala ko na Kung sino siya.

"Joram, bakit?"

"nakita mo na ba si Lexiko?"

"Hindi pa. Kanina ko pa siya pilit hinahanap."

"Tsk. Kinakabahan ako. Kasama niya yung Voluspa."

Nakita ko ang pagaalala sa mga mata niya. May kirot akong naramdaman, ngunit sanay na ako. Simula Pagkabata ganun na kaming tatlo. Palagi nalang si Lexiko ang inuuna niya. Alam ko naman na ganoon talaga, spagakat siya ang kawal na para kay Lexiko.

"Joram, maniwala ka kay Lexiko. Kung pinagkakatiwalaan niya yung Voluspa, dapat tayo din"

"Hindi naman ko naman kinekwestion yung pagtiwala ni Lexiko sa Voluspa eh. Hindi ako nagtitiwala sa Voluspang iyon. Parang may tinatago siya"

"tigilan mo na iyan, Joram. Ano na bang nangyayari sa labas?"

"Hindi pa sila nakakapasok sa loob ng kaharian. Pilit silang pinapaalis ng mga kawal natin. At mukha namang nananalo tayo ngunit madaming sugatan."

"kelangan natin humingi ng tulong mula sa mga Austra"

"tama"

"pinunong kawal, nakita po namin si Soray Lexiko at yung Voluspa, nahulog sila sa bangin"

Biglang may pumasok na kawal sa silid.

"Anong sabi mo!?" sabay naming sinabi ni Joram

"bat hindi lumipad si Lexiko?" pagaalala ko

"Saan sila nahulog? Bat Hindi mo sinagip ang soray?"

"hi-Hindi ko-- kasi-- akala ko kasi makakalipad siya.."

"Anong akala!? Hindi iyan rason!"

"wag mo na siya pagalitan pa, Joram. Tara na. Puntahan na natin ang pinaghulugan ni Lexiko"

BANGIN

"Lexiko!"

"Lexiko!"

"Joram, wala akong maaninag"

"Puntahan natin anng baba ng bangin" tumango lang ako. Inalok niya ang kamay niya saakin, tinangap ko naman at parehas kaming lumipad pababa.

Naabot na naming ang baba ngunit walang bakas na may nahulog dito.

"kahit baling sangay man lang ay wala."

"ano na gagawin natin, Joram?" hinawakan niya ang aking kamay.

"huwag kang magalala, kaya ng ating soray lagpasan ito"

"sana nga" nalulungkot ako. Paano na?

"punong kawal, soray Basilya, wala na po ang mga voluspa" may dumating na kawal mula sa taas.

"mabuti. Ipaalam mo na sa lahat na ligtas na muli ang kaharian ng Erea. Susunod na kami ni soray Basilya"

"masusunod." Umalis na yung kawal.

"Joram" hinatak ko yung kamay niya "paano na?"

"hindi ko alam, Basilya. Kinaabahan din ako. Pumanaw na nga ang dating Reyna Avila, ngayon naman ang tagapagmana niya ay nawawala."

nagaalala din ako pero kelangan ay may gawin kami

"kelangan nating maghanda ng isang pagpupulong"

"pulong?"

"Oo. Ipapatawag natin ang ating mga kaibigan. Kelangan nilang malaman ang mga nangyayari"

''kelan?''

''Bukas. Dapat ay naririto na sila bukas. Ako ang mamamahala ng pagpupulong''

"masusunod"

"ngunit"

"ngunit ano?"

"dapat ay walang makakaalam ng pagpupulong na ito."

//END of chapter five.

That was Basilya's POV! i hope i made some justice for JoshBie fans! i can't get some inspiration when it comes to JoshBie and DerLex! errrr. sad :(

@Ohemgee19 💋

CelestiaWhere stories live. Discover now