Ikasiyam na kabanata

99 4 3
                                    

“Dito! Dito! Dito tayo sa kweba, dali!” sigaw ni Devitri habang hinihila si Lexiko papalapit sa kweba

“T-teka!” huminto si Lexi sa harapan ng kweba

“ano ka ba! Tara na pumasok na tayo! Parehas tayong nababasa ng ulan! Dito na rin tayo magpalipas ng gabi”

Sabi ni Devitri habang hinihila si Lexiko papasok

“hoy, Voluspa! Kung iniisip mo na papayag akong pumasok dyan sa maliit at madilim na kweba kasama ka, pwes! Nagkakamali ka!”

“Soray Lexiko,” binigkas ni Devitri iyon sa sarkastikong boses “iniisip ko lang ang kapakanan mo! Kapag hindi tayo pumasok dito, magkakasakit tayo! Tingnan mo nga, basang-basa na tayo!”

“pero hindi ako papasok dyan kasama ka!”

“naiinis na ako sayo! Anong gusto mong gawin ko!? bahala ka nga! Sige, dyan ka!” tinulak ni Devitri papaloob si Lexiko at tumakbo papalayo

“t-teka! Saan ka pupunta?”

“maghahanap ako ng ibang masisilungan! Wag kang aalis dyan! Babalikan kita kapag tumigil na ang ulan!” sigaw niya habang tumatakbo papalayo

“teka lang, Voluspa! mukhang malakas ang ulan! Wag mo akong iwan!” hinabol ni Lexiko si Devitri at niyakap mula sa likod.

Napahinto si Devitri at nagtaka. Hinawakan niya ang kamay nito na nakayakap sa kanyang dibdib

“bakit? Anong problema”

“wag mo akong iwan. Malakas ang ulan.”

“akala ko ba ayaw mong kasama ako sa kweba?”

“patawad. Takot kasi ako sa kidlat at kulog at nahihiya akong sabihin iyon kung kaya’t gusto kitang paalisin.”

“wag kang magalala. hindi ko naman iyon gagamitin laban sayo. Normal lang na may mga kinakatakutan ang mga tulad natin, kahit gano tayo dapat maging matapang.”

“sabi mo yan ha?”

“Oo, tara, sumilong na tayo sa kweba”

At naglakad sila pabalik ng kweba, hawak hawak parin ni Devitri ang kamay ni Lexiko. Sandaling iniwan ni Devitri si Lexiko sa kweba at nangolekta siya ng mga kahoy mula sa labas. Sinigurado din niya na hindi siya mawawala sa paningin ng soray.

Kahit matapang ang pinapakita ni Lexiko, napagtanto niya na babae parin siya. Kahit gaano katapang at kalakas ang ipakita niya, mahina parin at emosyonal siya.

“heto, okay na tong mga nakuha ko”

“ngunit basa sila”

“hahanginan lang natin yan”

At nagpalabas ng hangin si Devitri upang matuyo ang mga kahoy. Nung natuyu na ay pinaapoyan naman niya ito.

“masarap” sabi ni Lexiko habang nilalapit niya ang kanyang mga kamay sa apoy

Napansin ni Devitri na nanginginig ang soray. Natandaan niya na pantulog lang pala ang suot niya nung biglang nagkagulo

“akin na ang balabal mo”

“bakit?”

“tutuyuin natin at ito ang gagamitin nating pangtakip habang tinutuyo natin ang ating mga damit”

“ayoko nga!”

Nabwisit nanaman si Devitri

“mas gugustuhin mo ba na magkasakit ka!? Wala akong lahi ng mga taga Traum kung kaya’t hindi kita mapapagaling kapag nagkasakit ka!”

CelestiaWhere stories live. Discover now