Ikasampung kabanata

105 2 3
                                    

“Nasaan ako! May Celestian ba dyan? Pakawalan niyo ako!”

Kinalampag ni Lexiko ang rehas ng kulungan. Pag gising niya ay nasa loob siya ng kulungan at kinagalit niya iyon.

Pinilit niyang tandaan ang mga nangyari bago siya mapunta sa kulungan.

Si Devitri! Naalala niya

“Devitri! Nasaan ka!? Naririnig mo ba ako? Devitri!”

Patuloy niya na kinalampag ang rehas

“kahit anong pilit mo, hindi mo iyan mawawasak” may boses na nagsalita

“nasaan ka? Sino ka! Magpakita ka!”

Kanikanina lamang ay nakahiga siya sa maliit na kama at wala siyang malay, ngayon naman na gising na siya gumagawa naman siya ng eskandalo inisip ni Jago

“ako si Jago” lumapit siya sa harapan ng selda ni Lexiko

“ikaw! Kilala kitang Voluspa ka!” sinubukan magpalabas ni Lexiko ng hangin mula sa mga palad niya ngunit walang lumabas. Kahit anong pilit niya ay walang lumalabas na hangin. Tiningnan ni Lexiko  ang mga palad niya. “Paano? Bakit?” nagtataka siya

“kahit anong gawin mo ay hindi mo magagamit ang kapangyarihan mo habang nasa loob ka ng selda” bangit ni Jago

“ano? Pero—hindi! Paano kayo nakakuha ng sagradong bertud ng proteksyon! Paano.. paano kayo nakakuha ng ganon!? Ang apat na kaharian lamang ang meron non!”

Ang sagradong bertud ng proteksyon ay ginagamit sa mga kulungan ng mga criminal, upang hindi nila magamit ang kanilang kapangyarihan para makatakas o makapagpanakit sa mga gwardya at sa mga Celestian na nasa paligid

“hindi na mahalaga kung paano, ngunit siguro naman ay alam mo na hindi mahirap magkaroon ng ganito”

“napakatuso niyo!”

Ngunit totoo nga na hindi mahirap makakuha ng mga ganito lalo na’t mga Voluspa sila. Iyon nga lang ay ginawa ang sagradong bertud ng proteksyon laban sa mga kriminal na Voluspa, at kapag nalaman ng ibang kaharian na ang mga Voluspa ang nakikinabang, baka wala na silang mukhang maihaharap kay Embla.

“maayos na ba ang karamdaman mo?” tanong ni Jago na may pagaalala

“huh?” medyo nagulat si Lexiko

“hindi ba’t inaapoy ka ng lagnat kanina?”

“ano-- kanina? Ibig sabihin wala pang isang araw ang nakakalipas”

Medyo napailing si Jago dahil nadulas siya

“walang importansya ang nalaman mo” sabi ni Jago ng may kompyansa

Tama nga siya. Walang halaga ang impormasyon na iyon

“nasaan, nasaan ang kasama ko? nasaan si Devitri?”

“bakit mo siya hinahanap?”

“hindi ko ba siya pwedeng hanapin!? Eh kanina lamang kami ang magkasama!”

“nasa ibang selda siya”

“nasaan? Ano ang kalagayan niya?”

Nagisip muna si Jago bago sumagot

“malubha”

“anong ginawa niyo sakanya!”

Tumingin si Jago kay Lexiko at bigla nalamang siyang tumawa

“a-anong nakakatawa!” tinanong ni Lexiko na may halong pagkairita

“ikaw! Hahaha. Nakakatuwa ka talaga! hahaha”

CelestiaWhere stories live. Discover now