Ikatatlong kabanata

170 6 12
                                    

Lexiko's POV

Nahihilo ako. Umiikot ang aking paningin. Hinintay kong makaramdam ako ng sakit. Ngunit wala. May init nga akong nararamdaman, ngunit comportableng init. Tinaas ko ang aking ulo upang silayan sila Jada, nakatingin sakin. Halatang gulat at nagtataka. Napaisip ako. Nakahiga ako. May nakayakap sakin mula sa likod. Nagulat ako. Yung Voluspang sinampal ko! Tinulak ko siya papalayo. Diring-diri ako sa pagkakadikit namin. Nilapitan ako ni Basilya. Tiningnan ko yung Voluspa. Mukhang namamalipit siya sa sakit. Nahuli ko siyang sumulyap ng tingin sakin. Napatayo ako. Naglakad na ako pupunta sakanila Lora. Diring-diri talaga ako.

"hoy! Wala ka man lang bang sasabihin o gagawin!?" sigaw nung Voluspa na tinapatan ko ng pana. Kinandong niya yung Voluspang sumalo ng bolang apoy sa kanyang mga braso. Tch. Naiirita ako sakanila.

"Lexiko, niligtas ka niya" diin sakin ni Basilya. Sigh.

"salamat"

"anong salamat? Salamat lang!? Sugatan si Devitri dahil sayo tapos salamat lang!?" iritang-irita na ako sakanya ha.

"Hindi naman ak--"

"tama na, Bajhi" nagsalita yung Voluspang may hawak ng lupa at tubig "lumisan na tayo. Kelangan ng magamot ni Devitri. Panginoong Brimir?"

"Tara na."

Ano? Aalis nalang sila? Hindi ako makapapayag!

"wag mo ng tangkain soray Lexiko." sabi ni Brimir. "Hindi mo pa ako kaya" nakakapanginit ng ulo. Nangigigil ako sakanya!

"Lexiko, tama na. Hayaan mo na silang umalis. Pakiusap." hinila ako ni Basilya. Wala akong nagawa. Malungkot ako at naguguluhan pa. Tumingin nalang ako sa ibang direksyon.

"magkikita tayo muli, soray Lexiko" pamamaalam sakin ni Brimir.

"sisiguraduhin ko na magkikita ulit tayo, at sa muli nating pagkikita, iyon na ang huling beses na masisilayan mo ang ganda ng Celestia" galit kong binigkas. Nakatitig ako sakanya at nginitian niya ako. Nakakainis talaga.

"paalam." sabi nung Voluspang may kapangyarihan ng tubig at lupa. Hindi niya binasag ang pagkakatingin sakin habang tinutulungan niyang buhatin yung kasamahan niyang sugatan at umalis na sila..

SILID SA EREA

"mahal na soray, itigil na natin to." Wika sakin ni Joram.

Tatlong buwan nadin makalipas ng umatake ang mga Voluspa at pumanaw ang aking Ina.

"Hindi pa." sagot ko.

"ngunit pagod na ako, at hinihingal narin kayo"

"kapag sinabi kong Hindi pa, Hindi pa."

"Lexiko, ano ginagawa niyo?" narinig kong sabi ni Basilya pagbukas niya ng pinto.

"Soray Basilya; hindi Ito tulad ng inyong iniisip!" sabi ni Joram. napairap lang ako. Pwede ba?

"anong 'Hindi to tulad ng inyong iniisip?' Hoy, Joram ha. Namumuro ka na sakin! Tara na, Lexiko. Tigilan mo na ang pageensayo. Kelangan mo ng magpahinga." sigh. Si Basilya nga talaga. Hindi na ako umimik at sumunod nalang ako sakanya.

SILID NI LEXIKO

Nasa silid ko na ako, nagpapahinga ng may narinig akong bumukas na bintana.

"sino yan?" I-hahagis ko na dapat yung kutsilyo ko na nakatago sa ilalim ng unan ko, (Naging maingat na ako Pagkatapos pumanaw ng aking Ina) ngunit may humanpas saakin na nagpabitaw sa aking kutsilyo. "uulitin ko, sin--"

"ako ito. Hindi kita sasaktan." may pagka pamilar yung boses. Ngunit hindi ko siya makita dahil nakatago ang kanyang mukha. Naramdaman ko ang dalawang hangin na humampas sa mga kamay ko at pwersahan akong napanatiling nakahiga. Lumapit siya sa liwanag.

"ikaw..?"

//END of chapter three.

A/N: any comments? sorry its short. love you guys! \m/

@Ohemgee19 💋

CelestiaWhere stories live. Discover now