Ikalabing-isang kabanata

102 4 1
                                    

“sigurado ako. Dito sila nagpahinga!” sabi ni Lora

“sa kweba na iyan?” tanong ni Damyen

“Oo”

Nagtungo sa kagubatan sina Lora, Jada, Damyen, Aldwynn, Kabir, Kai at Joram dahil mayroon nadiskubre si Lora gamit ang kapangyarihan ng tubig at napunta nga sila sa kweba na ito. Pasalamat nalamang at umulan

“dyan muna kayo papasukin ko” wika ni Joram

“sasama ako” sabi ni Kabir

Pagkalipas ng ilang sandali ay hinikayat nila na pumasok ang grupo

“ligtas ito at mukhang walang patibong”

“at mukhang may nagpahinga nga dito”

Nakita nila ang mga kahoy na ginamit pang gatong

“mukhang ginamit nila ito” bigkas ni Aldwynn

“tama. Ngunit ang pinagtataka ko ay kung bakit parang kalat ang mga kahoy?” sabi ni Jada

“Oo nga. Kung nagpalipas lang sila dito ay parang may nangyari pa dito.. tingnan niyo! May bagkas ng dugo!” turo ni Kai

Tiningnan nilang lahat

“soray Lora, ano sa tingin mo?” tanong ni Joram

Hinawakan ang mga tubig sa may labas ng kweba

“..totoo nga na may mga nakasama pa sila… Dalawa... Ngunit hindi ko kilala… Hindi ko alam… Patawad… Limitado lang ang kaya kong gawin…” sabi niya na malungkot

“wag kang mag-alala, malaki na ang naitulong niyo, soray” ngiti sakanya ni Aldwynn at hinawakan ang balikat niya

“tama ka, Lora. Wag kang mag-alala” giit ni Damyen

“ngayon, alam na natin. Yung voluspang si Devitri. Niloko at binihag si Lexiko” konklusyon ni Jada

“ngunit hindi pa tayo nakaksiguro, soray Jada” sabi ni Kabir

“hindi, tama si soray Jada. Malaking posibilidad na yun nga ang nangyari. At ang mga dugo na ito… ay maaaring kay soray Lexiko. Hindi ko siya mapapatawad” galit at nanginginig na sinabi ni Joram

-

-

-

 “Devitri, nasaan na tayo” naglalakad sila sa gubat

“hindi ako nakakasiguro, soray. Ngayon lang ako napadpad sa bahagi nito ng gubat”

“ano ba naman yan. Bat hindi tayo nagtungo sa parte na alam mo?” nakapamewang niyang tinanong

“sapagkat delikado. Ang lugar na iyon ay alam din ng mga voluspa kung kaya’t tiyak ako na madali nila tayong matutunton” sabi ni Devitri na nakitingin parin sa daan

“sa bagay. At tiyak hinahanap na nila tayo”

At tumango si Devitri

“Pero, alam mo na ito ay patungo din sa Erea, hindi ba?” nakangiting tinanong ni Lexiko

“alam ko na patungo rin ito sa Erea ngunit hindi ko kabisado ang layo”

“sapat na iyon! Tara, bilisan natin!” hinawakan ni Lexiko si Devitri sa kamay at hinatak siyang patakbo

“so-soray Lexiko, kahit tumakbo tayo’y masyadong malayo ang Quran sa Erea. Aabutin tayo ng ilang araw”

“sinong may sabi na tatakbo tayo? Lilipad tayo!” bago pa man mapalabas ni Lexiko ang kanyang pakpak ay pinigilan na siya ni Devitri at hinawakan sa dalawang balikat

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Mar 29, 2013 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

CelestiaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt