Garden

76 6 10
                                    

-Lhander-

Bakit ganun? Bakit parang nasaktan ako ng makita kong may kasama siyang iba? Ang mas malala pa...

BAKIT AKO NAGSESELOS SA KAIBIGAN KO?!

Tinignan ko si Lore pati si Rhea nagtatawanan silang dalawa

'Ang saya saya nilang dalawa'

Rhea James Buenaventura... ano bang ginawa mo sakin?!

Nakakainis bakit palagi kong natatandaan yung nangyari kanina? Wala naman akong pakielam dun pero bakit palagi kong naiisip yun?

*-*-*-*-*

"Oy sino ba nagluluto sa kusina? Kanina pa yun ahh"

"Kung sino man nagluluto sa kusina... PAKI BILISAN!!"

"WAG NGA KAYO MAG REKLAMO! PASALAMAT NGA KAYO EH MAY NAGLULUTO!"

"EDI TENK YU!"

"Ehhhh... KYUT!"

"HAHAHAHAHAHAHA!!"

Umaga pa lang pero ang ingay na sa baba, aba! Iniwan nila ko dito? Dapat ginising na lang nila ako...

'ginising sa katotohanan na di niya talaga ako gusto </3'

Huh? Kung ano ano na pinag iisip ko...

'kaya pati siya iniisip ko na rin'

Teka... bakit ba hugot ako ng hugot?

'dahil nasaktan ako... kahit na WALANG kami'

Amporkchop naman! Umiling iling naman ako piling ko baliw na ko.

'sa sobrang kabaliwan ko pati sa kanya baliw na baliw ako'

Ay! Ayoko na nga... tumayo na lang ako para maghandang bumaba...

'maghandang-- ay teka tigil na ngaaa!!!'

Bumaba na ko at nakita kong lahat sila nandoon na- ay teka may kulang pa pala....
.
.
.
.
.
.
.
...Si Lore at si Rhea wala pa sila dito sa baba.

'Nasaan na kaya yung dalawang yun??'

Teka ano bang pakielam ko... arghhhh! Naiinis na ko sa sarili ko!

"Hoy! Nasaan si James at Lore?!"  sigaw ko sa kanila... baka di nila marinig eh.

"Bakit mo sila hinahanap? Hmm?" sabi ni Minzy sabay taas ng kilay yung para bang nang aasar.

"Baka naman si Rhea lang hinahanap mo?? yieeee~" sabi naman ni Stella. Napaka nila ah, bakit naman nila binibigyan ng malisya yun? Parang nagtatanong lang kung nasan yung tao eh.

"Oyy hinahanap si Rheaaa!"

"Yieeeeeeee <3"

"4ever na dis"

"Oh baka naman si Lore yung hinahanap niyaaa.” sabi naman ni Yuri. Kaya nag tawanan silang lahat.

"Hahahaha.... si Lore pala ahh"

"Hahahaha.. totoo ba yun???"

'Huh? Putek ayos na sana kung si Rhea yung hinahanap ko pero si LORE?! Watdahek?!'

Ha? Anong pinagsasabi ko?!!

"Yawiii." sabi naman ni Fritia. Kala ko ba masungit tong bababeng to? Bakit pati siya  nakikisama?

Dalton ChroniclesKde žijí příběhy. Začni objevovat