Prologue

23 1 2
                                    

Pst ..
.
.
.
.
.
Ikaw.
.
.
.
.
Oo ikaw.
.
.
.
.
.
Bago ka dito no?
.
.
.
.
Avail ako e..tara, usap tayo! Tito boy?

Bulungan lang ah..

EOP Kasi dapat dito sa floor. Expired na English ko e. Hehe..
.
.
.
.
Ako pala si Aika, ang pinakamagandang agent ditey.
Chos..
de, maganda talaga ako diba? Dibeerr?

Madami ngang nagsasabing kamukha ko si Kathryn Bernardo e.

Sige, wag kang um-agree, di kita papa-side barge saken.
Uy charot lang beshywap ah, baka bigla kang mag-AWOL dahil saken. Baka ma-HR pa ko. Di pa ko pwedeng maligwak sa bahay ni kuya... Hinihintay ko pa yung 13th month ko. Wala akong pang-gatas sa mga anak ko.

Chareng!

wala pa kong anak. Eme ko lang yun. Well, let's just say na hindi talaga ako pwedeng mabakante kasi breadwinner ako sa family since my father passed away. Alam mo, that, I can say, was the darkest point of our lives...

You know, May mga bagay talagang beyond our control.
And minsan talaga, we just have to learn to accept things. Pero alam mo, that never made my faith waive kasi after all, talagang hindi kami makakabangon ulit kung hindi kami tinulungan ni God...

Tsaka, everything happens for a reason.
Malalaman din natin ang dahilan nun balang araw..

Teka, masyado na ata akong transparent sayo ah.. bat ko ba kinukwento to?

Anyway, 4 years na ko dito. Akalain mo yun? Apat na taon na kong pinagtitiisan ng kumpanya..hahaha 😂

Ay wait lang, May call ako...

" Hello! Thank you for calling *tooot*. This is summer. How May I assist you today?"
...

...

Hello? Hello?
...

...

*Toot*

Ay disconnected?

YES! Wahaha!
Eto talaga yung mga peyborit kong call e. Yung mga disconnected, ghost call, onset supcall..ganern. waha!

Walang pakinabang na empleyado e no? Wait lang ah.. document ko lang tong call na to..

Ha?Ano yun? Ahh.. Tanong mo ba't summer yung pakilala ko sa caller?

Well, pwede ka naman kasing gumamit ng phone name. Summer yung ginamit ko kase..

Kase ..

wala. Gusto ko lang.

Bakit ba?

Cheres!

De Kasi, it suits me well. Because of the pigmentation of my skin. Yes, pigmentation! With an ef, ganurn!

De Kasi Isa akong dalagang Pilipina. Syempre diba dapat tangkilikin ang sariling atin. Tapos English yung pangalan e no? Vova lang. Waha😂

uy ok ka lang ba teng?
Mamaya minamasaker mo na ko sa isip mo ah. Ganito lang talaga ako..what you see is what you get.. pero mabait naman ako... Slayt.

Uy wag kang ma-p-pressure ah.. masaya rin namang maging call center agent...

Marami kang mararanasan dito. Swear to the bones!

Mararanasan mong maging artista, yung pag nasa call ambait-baet pero pag naka-mute, halos ritwalan na ung kausap..yung tipong kinakausap mo nalang yung sarili mo habang bumubulong-bulong na para bang tumatawag ng maligno. Pati mouse tsaka keyboard dinadamay e. Tsk.Poor keyboard.

Tapos may instance na tatawa ka sa joke ni customer...kahit di mo naman na-gets kasi nga, you know, English is hard, pero ayaw mong masabihan ng shunga kaya sige lang, push! Tawa pa more!

Matututo ka rin ng iba't- ibang klase ng ninja teknik para mapuslit mo ung kontrabando mong mga pagkain sa loob ng Ops area. Mga ganun. Suksok sa jacket o kaya sa bra kahit makati, tiis lang ng konte para maka-survive mula sa malupit na scanner ni manong guard.Tapos alam mo ba, maraming singer dito?

Oo!

lalo na pag naka-mute si customer, kala mo mga sasali sa The voice. May pakulot-kulot pa. Teyknowt, pahabaan pa ng vibratto yan ah..

Marami ring mga negosyante rito. Magugulat ka nalang, lalapagan ka ng brochure ng Avon, Sundance o kaya naman Natasha tapos pwede sa cut off na yung bayad. Kung pa'no nila napasok yung brochure, e yun ang di ko rin alam kung saang parte ng katawan nila sinuksok. Para-paraan lang yern.

Meron din dito, mga make-up artist. Anlulufet magkilay kahit maririnig mo na yung boses ng caller nila over the headset na ngumangawa na. Go lang ng go! Reach for perfection! Kilay is lifer to the fullest!

Meron rin ditong nagtitinda ng nilagang itlog, barbecue, sandwich..kulang na nga lang mag-ihawan na rin sa loob e. Kung pwede sigurong ipasok ang karinderya, o palengkihan, day, aba!baka may gumawa na!

Meron ring nagtitinda ng mga sapatos,alahas, mga damit.. o ha? May mini-tiangge na rin! Sa'n ka pa?
Master kasi tayo ng multi-tasking.

O diba?

Sa mga katrabaho mo lang, ma-e-entertain ka na ng husto? Pa'no pa sa calls mo? Mas panalo! Para kang nakikinig ng metal rock araw-araw. E bulyawan ka ba naman ng caller sa tenga mo e. Kumbaga, iba't-ibang mga ganapan dito...

May mga umiiyak sa phone .. which is nakakaawa talaga kasi diba, alam mo yung feeling na wala kang pambayad sa bills.
Meron naman, tumawag lang para magkwento ng buhay nila samantalang ikaw, hindi mo na alam pano mo mame-meet AHT mo..
mapapaisip ka nalang kung isa-suggest mong isulat nila yung kwento nila sa magpakailanman O MMK e...Parang ang sarap sabihing "customer service po ito, hindi po counseling program."

Meron naman, maharot.
Oo meron talagang mga higad. Yung tipong nagandahan lang sa boses mo, manghihingi na ng FB account. Sa totoong buhay yan te!

Pero honestly, talagang na-hire tayo para makinig sa mga kwento ng matatanda, like pa'no nila na-dial phone number natin, O pa'no tumutulo yung raindrops sa bintana nila, O pa'no sila nakakagawa ng sweater tuwing taglamig. Yung mga ganun?

Pero the best part of being a call center agent is to help them resolve their issue. When you help them, yun yung reward.

Hayy.. masarap yun sa pakiramdam😊

Summer Brown and the seven dorksWhere stories live. Discover now