Chapter 11 The RDRC Members

Start from the beginning
                                    

Saglit kaming huminto. May ngiti sa mga labing hinarap niya ako. "Wala kang dapat na ipag-alala. Pasensiya na kung hinila kita bigla nang hindi man lang nagpapakilala sa iyo. Nagmamadali kasi ako." ^__^

"Ahhh...." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Speechless ako.

"Aish, ang totoo kasi niyan nautusan lang ako na sunduin ka, dala mo naman ang form hindi ba?"

"Form?" ?__?

"Oo." ^__^

Ano kaya ang pinagsasabi ng babaeng ito? Form? Ano ba yun?

Kahit anong gawin kong pag-iisip wala talaga akong maisip. Mahirap talaga kapag ipinanganak kang slow at kulang sa talino. Ang napaka-simpleng bagay ay nagiging napakahirap para sa iyo. >__<

"Pasensiya na wala talaga akong..." Hindi ko natapos ang balak kong sabihin dahil sa ingay na biglang lumitaw. Tunog iyon ng phone.

*KRINGGGGGGG...

Ang simpleng sound naman nun! Wala na bang mas bongga pa don?>__<

Napatingin ako kay Miss Cute na kumakagat ng lollipop. She's holding her phone. Tinitigan niya iyon saglit at itinapat na sa kanyang tenga.

"Yep?... She's with me right now..." She looks at me. "I'm so sure that it's her... Yap... We're on our way... bye..." Nakangiting isinilid niya ang kanyang phone.

English mode! Tsaka, non-stop pa ang smile! >__<

Hindi pa nga ako nakaka-recover sa kaka-english niya. Hinawakan niya ang aking kamay at muli na naman akong hinila. "Kailangan na nating magmadali. Naghihintay na sila sa atin."

"Naghihintay? Sino?" ?__?

"Malalaman mo mamaya." *hila

Ang weird naman nito. Ano ba talaga ang kailangan ng babaeng maganda na ito sa akin?

Napagod lang ako sa kakatanong sa isip. Basta sa mga sandaling ito. Wala akong ibang ginagawa kundi ang magpahila sa kanya.

***END OF MEG POV***

 

***MEG POV***

LAGLAG ang panga ko. Sobrang nanginginig din ang mga tuhod ko, kasi naman marami na namang mga mata ang nakatingin sa akin. Lahat sila ay matamang nakatitig. Bakit? Dahil nandito ako sa pinakagitna. Maraming tao ang nakaupo sa kani-kanilang pwesto.

Kasi naman... kanina, matapos akong hilahin ng magandang kumakain ng lollipop na iyon. Dinala niya ako sa isang malaking bahay malapit dito sa school. Pagpasok namin sa loob, sinalubong ng aking mga mata ang mga nilalang na ito.

Sa tingin ko ay mga member sila ng RDRC. Bakit ko iyon nasabi? Nandito sina Vevien a.k.a SNOBERA KHAI, Liezneth a.k.a SILLYGIRL. Sheibe a.k.a SWEETZYREN. Daisy a.k.a DESSA. Ashley as HEARTKEEPER. At ang pinakahuli? My seatmate, Roland, sa pagkakaalala ko PAINCORPSE ang codename niya. They're all looking at me.

Clash of CLANS 1 : EDRC vs. RDRC(COMPLETED)Where stories live. Discover now