"Sorry, I don't exactly know what you're talking about." Muli nanaman akong napailing, napatakip pa ako sa aking bibig. "That is impossible!" Dagdag ko pang depensa.

"Come on, I know a place that will surely determine who you are." Anong pinagsasabi niya? Place that will determine who am I? Where can we find that?

"Wala nga, baka namamalik-mata ka lang, Sandro." Medyo naiilang pa akong banggitin ang pangalan niya, wala naman kasi akong nakakausap sa mga kaklase ko.

"You should come with me." What? At talagang mapilit ang Sandro na 'to ah.

Hindi na lang ako umimik.

Tumalikod na ako at akmang aalis na.

"Bahala ka, alam ko pa naman kung nasaan ang kapatid mo." Mahina nitong sambit but that caught me.

Otomatiko naman kaagad akong napaharap sa kanya.

"Huwag mo 'kong pinagloloko. Hindi ko gusto ang biro mo." May pagbabantang tono ko sa kanya, how can he know where my sister is? Eh, halos ngayon lang nga kami nagkakakilala dahil sa ngayon lang din kami nagkausap. "Wala akong panahon kung lolokohin mo lang ako."

"Okay, kung 'yan ang tingin mo, hahayaan na kita." Tumalikod siya, nakapamulsa ang kaliwang kamay kasabay na itinaas ang kanang kamay na parang nagpapaalam na aalis na siya. Humakbang na siya ng isa. Nakapagtatakang malakas ang tunog ng paghakbang niya.

Aalis na dapat ako pero kung susubukan ko ay wala naman sigurong mawawala tutal, kailangan ko na ring makita ang kapatid ko. Gusto ko na siyang makita, gusto ko na siyang mayakap, gusto ring mag-sorry kung bakit pinaampon ko siya. Responsibilidad ko siya dahil kapatid ko siya.

"W-wait..." Mahina at may pag-aalinlangan kong tawag.

Tila wala na siyang pakialam, tuloy tuloy na ang kanyang paghakbang paalis.

"S-sandali lang..." Tumakbo na ako, hinabol siya.

"Uy, sandali naman!" Nahabol ko na siya pero hindi pa rin siya lumingon. "Sandro, uy!" Tawag ko na may kasama nang tapik. Kaya pala, kasi may suot suot siyang earphones.

Hindi ko naman namalayang parang naluluha na ako.

"Oh, anong problema mo?" Malamig niyang tanong.

"Sige na, sasama na ako... para sa kapatid ko."

Mabilis niya lamang akong hinablot saka kami nagmadaling naglakad palayo.

May nakaabang namang puting kotse na sa tingin ko ay kay Sandro.

NAKARATING KAMI sa isang malaking gusali, no - this is more likely to be a mansion with corinthian columns.

"This is what we call the white house." Pagbasag sa katahimikan ni Sandro.

Pagbaba namin sa kotse, agad na sumalubong ang isang ginang na sa tingin ko ay nasa mid 30s na.

"Sir, sino po siya?" Magalang nitong tanong kay Sandro.

"Code Red." Malamig na wika ni Sandro.

What? Anong code-code ang sinasabi niya?

Nanlaki ang mga mata ng ginang, mahigpit niyang hinawakan ang aking braso na tila ayaw akong pakawalan, mali mali, parang nanggigigil niya akong hinawakan.

Sobrang laki ng mansion, sa kaliwang pasilyo kami dumaan. Wala akong choice, mahigpit ang pagkakahablot ng ginang sa akin.

"Dito ka lang muna." Walang kaemo-emosyong wika ng ginang at pinaupo ako sa mahabang bangko.

Sa paglilibot ko ng aking tingin, pwede kong masabing isa itong museum, o maaaring pinagdadausan ito ng mga art exhibit or what.

Nabaling bigla ang tingin ko sa napakalaking painting na nasa gilid lamang ng isang mesa.

Ang weird naman dito, bakit parang wala man lang ingay?

Muli kong pinagmasdan ang painting, may nakasulat na description sa ibaba nito. "This painting is the most controversial feministic artwork of this era, for it describes the suffering of the women in general..." Basa ko sa nakasulat, ito ay isang babae o siguro'y isang ina na may hawak na bata. Hindi matitingkad na kulay ang ginamit dito, halos lahat nga maitim.

"That is not what actually the painting is all about when I painted it." Bahagya akong nagulat sa boses na nagsalita. Napatingin naman ako sa nagsalita.

"Hi." Otomatikong lumabas na salita sa aking bibig kahit wala talaga akong balak na magsalita.

"Hello." Itinapat niya ang kanang kamay na parang magpapakilala. "I'm Dracula, and today, you will now know who you really are."

dummiesWhere stories live. Discover now